Mga lehitimong anak, legal o pupwedeng gamitin ang apelyido ng kanilang ina

Nais papalitan ang iyong apelyido? Narito ang mga dapat mong malaman at gawin!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagpapalit ng apelyido ng legitimate child kung kaniyang gugustuhin ay legal umano sa batas. Ito ay base sa naging desisyon ng Korte Suprema sa isang kaso kaugnay sa usaping ito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pagpapalit ng apelyido ng legitimate child
  • Paano magpapalit ng apelyido?
  • Mga requirements na dapat ihanda

Pagpapalit ng apelyido ng legitimate child

Taong 2008 ng unang mabasura ang petisyon ni Anacleto Ballaho Alanis III na mapapalitan ang kaniyang ginagamit na pangalan at apelyido. Sapagkat apela ni Alanis, limang taong gulang palang siya ay naghiwalay na ang kaniyang mga magulang.

Tanging ina niya nalang mula noon ang tumaguyod at bumuhay sa kanilang magkakapatid. Nais niya ring mapapalitan ang kaniyang first name. Iimbis na Anacleto siya ay nakilala mula pagkabata sa pangalang “Abdulhamid”.

Kaya naman mula sa kasalukuyang pangalan ay nais ni Anacleto Ballaho Alanis III na mapalitan ang pangalan niya sa Abdulhamid Ballaho. Kung saan ang apelyidong kaniyang gagamitin ay ang sa kaniyang ina na si Jamilla Imelda Ballaho.

Image screenshot from Supreme Court document.

Ang petisyong ito ni Ballaho ay unang nabasura sa Regional Trial Court of Zamboanga City, Branch 12 dahil sa kadahilang bawal umano ito sa batas. Paliwanag pa ng desisyon ng korte hindi umano nakapagpakita ng sapat na grounds si Ballaho sa kagustuhan niyang magpapalit ng pangalan at apelyido.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Una, hindi umano valid reason na nakilala siya mula pagkabata sa ibang pangalan. Pangalawa, hindi niya umano maaaring basta tanggalin ang apelyido ng kaniyang ama.

Sapagkat alinsunod sa Family Code at Civil Code of the Philippines, ang mga legitimate na anak ay dapat gamitin ang apelyido ng kanilang ama. Ang hindi paggawa ay malinaw na paglabag sa batas. Dagdag pa nila ang gagawing pagbabago sa pangalan ni Ballaho ay magdudulot lang ng confusion o kalituhan.

Apelyido ng ina ng legitimate child, maaari niya ng gamitin

Pero sa kabila ng naging desisyon sa kaniyang petisyon ay hindi tumigil si Ballaho. Mula siyang umapela na ma-reconsider ang kaniyang kaso. Noon ngang 2014 ay binaligtad ng Court of Appeals ang desisyon na ito sa kaso ni Ballaho. Pinayagan siyang magpalit ng kaniyang pangalan at apelyido.

Paliwanag ng naging final na desisyon sa kaniyang petisyon na pirmado at inorder ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, walang nakalagay sa batas na bawal hindi gamitin ng isang legitimate child ang apelyido ng kaniyang ama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sapagkat ayon sa Article 364 ng Civil Code na pinagbasehan sa naunang desisyon sa kaso ni Ballaho ay ito ang nakasaad: “Legitimate and legitimated children shall principally use the surname of the father. If recognized by only one of the parents, a natural child shall employ the surname of the recognizing parent.”

BASAHIN:

7 na dapat i-consider bago pumili ng pangalan para kay baby

Paano magagamit ng bata ang apelyido ng tatay kapag hindi kasal ang magulang?

Ano ang karapatan ng illegitimate child pagdating sa sustento?

Book photo created by jcomp – www.freepik.com 

Base sa nakasaad sa batas

Mula sa nasabing bahagi ng batas, sinabi ni Justice Leonen na hindi nakasaad na dapat “exclusively” na apelyido lang ng ama ng legitimate child ang kaniyang gagamitin. Sa halip ang nakalagay ay “principally” o ito lang ang dapat na i-prioritize gamitin.

Ipinasok naman dito ng korte ang nakasaad sa Article II Section 14 ng Constitution na kung saan nakasaad ang role ng mga babae sa nation-building. Binibigyang importansya rin sa naturang artikulo ang gender equality sa pagitan ng mga lalaki at babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa ni Justice Leonen, ang patriarchy o pagkilala lang sa mga lalaki bilang mas may kapangyarihan o karapatan ay isang ideyolohiya na labag sa konstitusyon.

“Patriarchy becomes encoded in our culture when it is normalized. The more it pervades our culture, the more its chances to infect this and future generations.”  “The trial court’s reasoning further encoded patriarchy into our system. If a surname is significant for identifying a person’s ancestry, interpreting the laws to mean that a marital child’s surname must identify only the paternal line renders the mother and her family invisible. This, in turn, entrenches the patriarchy and with it, antiquated gender roles: the father, as dominant, in public; and the mother, as a supporter, in private.”

Image screenshot from Supreme Court document.

Ito ang nakasaad sa 15-page na desisyon ng Supreme Court sa kaso ni Ballaho na ngayon ay may buong pangalan ng Abdulhamid Ballaho. Si Ballaho ay isang abogado.

Ang naging desisyon na ito ay na-upload sa website ng Supreme Court nito lamang February 22, 2021.

Paano magpapalit ng apelyido?

Mula sa desisyon na ito ng Supreme Court malinaw na sinabing maaring gamitin ng legitimate child ang apelyido ng kaniyang ina.Kung sakaling nais naman mapalitan ng isang Pilipino ang kaniyang apelyido at pangalan ay dapat siya’y nasa hustong gulang na 18-anyos at ito’y gagawin lang base sa mga sumusunod na dahilan:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tinatanggap na dahilan ng pagpapalit ng apelyido

  • Ang pangalan ay nakakatawa, dishonorable o mahirap isulat at i-pronounce.
  • Ang pagbabago ay resulta ng isang legal proceeding tulad ng legitimation.
  • Gagawin ang pagbabago para maiwasan ang kalituhan.
  • Gumagamit o nakilala sa pangalang Filipino mula pagkapanganak ngunit natuklasang may non-Filipino na magulang.
  • Gustong gamitin ang apelyido o pangalang Filipino at alisin ang pangalan ng non-Filipino na magulang.
  • Kung ang pangalan ay nagdudulot ng pagkapahiya at hindi naman laban sa interes ng publiko.

Samantala, narito naman ang mga requirements na dapat ihanda at kung saang ahensya ng gobyerno ito dapat i-proseso.

Mga requirements na dapat ihanda

  • National Bureau of Investigation clearance
  • Police clearance
  • Baptismal certificate
  • Birth certificate
  • School records, employment certificate at iba pang valid forms of identification.

Ang mga requirements na ito kalakip ng petisyon ng pagpapalit ng apelyido ay dapat ipasa sa Regional Trial Court ng tinitirhang munisipyo. Saka mag-schedule ng date ang korte para dinggin ito.

Ang pagbabago ng apelyido ay nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P1,500 na naka-depende sa korte ng pinagpasahan ng petisyon.

Source:

GMA News, SC Judiciary, PSA

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement