X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Puwede bang magpasuso sa publiko sa ibang bansa?

4 min read
Puwede bang magpasuso sa publiko sa ibang bansa?Puwede bang magpasuso sa publiko sa ibang bansa?

Sa mga ibang bansa ay hindi pa rin tanggap ang pagpapasuso sa publiko. Saang mga bansa kaya ito puwedeng gawin na walang aberya?

Hindi na siguro lingid sa kaalaman ng marami na mahalaga sa mga sanggol ang gatas ng ina. Ngunit bakit hanggang ngayon ay mayroon pa ring mga lugar kung saan hindi lubos na tanggap ang pagpapasuso sa publiko?

Paano na lang ang mga inang nagnanais na magpasuso ng kanilang anak habang bumabyahe sa ibang bansa? Ating alamin kung saang mga bansa ito puwedeng gawin, at kung saang mga bansa posibleng maging bawal ito. 

Pagpapasuso sa publiko, paano ba ito dapat ginagawa?

pagpapasuso sa publiko

Desisyon na ng isang ina kung gusto niyang magpasuso sa publiko o hindi.

Dati rati ay hindi pa gaanong katanggap tanggap ang pagpapasuso ng mga ina sa publiko. Ngunit sa panahon ngayon, dahan-dahan nang nagiging tanggap ito sa iba’t-ibang mga bansa.

Kung tutuusin, wala naman mali sa pagpapasuso sa publiko at para sa karamihan ng bansa, hindi ito isyu. Ngunit madalas nagkakaproblema kapag walang pantakip ang ina habang siya ay nagpapasuso.

Hindi nga naman kailangan ng ina na magtakip kung siya ay nagpapasuso. Bukod sa hindi komportable ang mga sanggol kapag sila ay tinatakpan, wala naman dapat ikahiya ang mga ina kung sila ay nagpapasuso.

Lalo itong nagiging problema para sa mga inang mahilig magtravel kasama ang kanilang pamilya. Dahil minsan mayroong mga bansa na mas konserbatibo pagdating sa mga ganitong usapin. 

At siyempre, kailangan pa ring sundin ng mga ina ang mga patakaran sa bansang kanilang binibisita. Gustuhin man ng mga ina na malaya silang makapag-breastfeed, may mga lugar talagang hindi ito madaling magagawa ng mga ina.

Anu-anong mga bansa ang suportado ang pagpapasuso?

Philippines

Dito sa Pilipinas, hinihikayat ang mga ina na magpasuso. Tayo pa nga ang may record ng pinakamaraming ina na sabay sabay na nagpapapasuso ng kanilang mga anak!

Bukod dito, mayroon ding mga breastfeeding station sa iba’t-ibang mga malls sa bansa, kaya walang dapat ipag-alala ang mga ina.

Sa usapin naman ng kung kailangang magtakip habang nagpapasuso ay hati pa rin ang opinyon ng karamihan. May ibang mga ina na mas gusto ang hindi gumagamit ng takip, at ang iba naman ay mas gustong gumagamit nito.

Japan

Sa bansang Japan madali ang pagbreastfeed naman ay sa mga bata. May pagka-conservative din ang bansang ito kaya may mga pagkakataon na baka hindi sumang-ayon ang mga tao kapag ikaw ay nagpasuso sa publiko. Pero madalas naman ay supportive sila dito.

Ngunit ang maganda naman sa Japan ay marami silang breastfeeding stations at mga banyo na madaling puntahan, lalong lalo na sa mga siyudad. Kaya’t walang dapat ipag-alala ang mga breastfeeding moms.

Singapore

Bilang isa sa mga pinakamaunlad na bansa sa mundo, progresibo din ang Singapore pagdating sa breastfeeding. Tulad ng Japan, marami ditong mga breastfeeding stations at hindi mahihirapan ang mga ina na maghanap ng lugar kung saan puwede silang magpasuso.

Puwede ka ring magpasuso sa publiko sa Singapore, at wala kang dapat ikabahala. Hinahayaan lang ng mga tao ang mga ina na gustong mag breastfeed at hindi mo naman kinakailangan magtakip kung ayaw mo.

Hong Kong

Sa Hong Kong naman, hindi pa rin gaanong katanggap-tanggap ang pagpapasuso sa publiko. Kahit na hindi naman ito iligal gawin dito, minsan tititigan ka ng mga tao o kaya ay pagsasabihan ka kapag ikaw ay nagpasuso.

Kaya mas mabuting mag-pump ka na lang ng breastmilk mo para kay baby, o kaya ay maghanap ng private breastfeeding area para doon ka magpasuso.

Paano sa iba pang mga bansa?

Sa iba pang mga bansa, mas katanggap-tanggap ang breastfeeding, kahit sa publiko mo pa ito gawin. Hindi na maiiwasan na minsan tingnan ka ng mga tao, pero wala ka namang ginagawang masama kaya hindi ka dapat matakot o mahiya.

Gusto mo lang naman pakainin ang iyong anak, at siyempre, hindi mo makokontrol kung kailan siya magugutom at gugustuhing uminom ng breastmilk.

Sa mga bansang tulad ng Malaysia, Indonesia, India, at UAE, ay mas mabuti kung sa private room ka magpasuso ng iyong anak. Ito ay dahil sa mga bansang ito, hindi pa rin katanggap-tanggap ang pagpapasuso sa publiko. Minsan mas mabuting umiwas na lang sa gulo kaysa hayaan mo pang abalahin ka ng mga tao habang pinapakain mo ang iyong anak.

Ang pinakamahalagang tandaan ay hindi mo ito ginagawa para sa iyong sarili ngunit para sa iyong anak. Malaki ang kontribusyon ng breastmilk sa paglaki ng iyong anak, at ito ang pinakamasustansiya at pinakamurang pagkain na puwede mong ibigay sa kaniya.

Kaya’t hayaan mo lang na husgahan ka ng iba, mas importante naman ang kalusugan ng iyong anak. Balang araw maiintindihan din ng mga tao kung gaano ka-importante ang breastfeeding at mawawala na rin ang taboo na kaakibat nito para sa ibang tao.

Partner Stories
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Nagsasawa ka na ba sa paulit-ulit na Noche Buena desserts? Iba naman!
Nagsasawa ka na ba sa paulit-ulit na Noche Buena desserts? Iba naman!

 

Sources: Inquirer, PRI

Basahin: Gawing bonding ang breastfeeding: Praktikal na payo para hindi nakaka-stress ang pagpapasuso

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • Puwede bang magpasuso sa publiko sa ibang bansa?
Share:
  • Swimwear model strides down runway breastfeeding her baby

    Swimwear model strides down runway breastfeeding her baby

  • 4 breastfeeding positions para sa tamang pagpapasuso kay baby

    4 breastfeeding positions para sa tamang pagpapasuso kay baby

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • Swimwear model strides down runway breastfeeding her baby

    Swimwear model strides down runway breastfeeding her baby

  • 4 breastfeeding positions para sa tamang pagpapasuso kay baby

    4 breastfeeding positions para sa tamang pagpapasuso kay baby

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.