Ang mga nanay ay kadalasang nakakaramdam ng pag-aalala, pananakit, pagkapagod, at iba pang issues sa mga sumunod na lingo matapos manganak. Hindi ka nag-iisa sa pagsubok na ‘yan mommy.
Maaaring tulungan ng mga Ob-gyn ang mga nanay na mayroong issues sa kanilang postpartum check up. Huwag mahihiyang manghingi ng tulong dahil magiging kapaki-pakinabang naman ito sa’yo at iyong pamilya sa postnatal check up.
Talaan ng Nilalaman
Pagpapatingin sa doktor after manganak: Ano ang postpartum check up?
Mahalaga ang postpartum check up sa ob-gynecologist, upang masigurado at mapanatiling mapalusog ang mga new mommies. Ang postpartum visit ay pagbisita sa iyong doktor o midwife matapos manganak upang matignan ang iyong pisikal, mental, at emosyonal na estado.
Ang pinakamahalagang “fourth trimester” – ang panahon matapos manganak ay kung saan pinakamaganda ang kalusugan ng isang ina – isang oportunidad na makapagtatag ng bagong pundasyon para sa bagong kalusugan ng mga bagong mommy at sa kanilang hinaharap.
Maagang matutugunan ng mommy at ob-gyn ang mga problema sa postpartum checks. Sisiguraduhin ng mga doktor na matulungan kang gumaling nang mabuti after mong manganak sa pamamagitan ng postpartum checkups.
Mga dapat asahan sa pagpapatingin sa doktor after manganak o postpartum check up?
Susuriin ka ng iyong doktor upang masigurado na bumubutiang iyong pisikal na kalagayan nang naaayon sa plano. Tulad ng pagtatanong mo kung paano ka mag-aadjust sa bagong buhay na may anak. Kailangan maisagawa nang maayos ang iyong postpartum examination. Ito ay kinabibilangan ng:
- Pangkabuohang physical examination
- Examination patungkol sa pregnancy-related issues (tulad ng gestational diabetes)
- Mga concerns sa iyong emosyonal na kalusugan
- Pinag-uusapan din ang nutrisyon ngiyong sanggol at pagpapasuso
- Pagkakaroon ng birth control strategy
- Re-examination ng preventive health checks, tulad ng mga bakuna at cancer screenings kapag kinakailangan
Ang regular na pagpapakonsulta ay nakakapagbigay sa ‘yo at sa iyong ob-gyn ng comprehensive picture sa iyong pisikal, mental, at emosyonal na kagalingan.
Isang magandang oportunidad ang postpartum checkup upang mapag-usapan ang iyong mga medical concerns matapos manganak at sa buong pagbubuntis.
Ilan sa mga ito ay thyroid, blood pressure, blood sugar, at iba pang mga issues. Kritikal na mabantayan ang mga issues na ito upang malaman kung kailangan pang ipagpatuloy ang paggagamot. Narito ang mga dapat asahan at mahahalagang dahilan kung bakit kailangan mo ng postpartum checkup:
-
Physical Exam
Sa iyong physical examination, ang iyong doktor ay:
- Kukunin ang iyong timbang at blood pressure
- Titignan ang iyong tiyan. Susuriin ang iyong mga tahi kung ikaw ay dumaan sa c-section at papakiramdaman ang iyong tiyan upang masiguradong walang pamamaga.
- Titignan ang iyong suso. Ang mga bukol, discomfort, pamumula, nagsusugat na nipples at irregular discharge ay ilan sa babantayan ng iyong doktor.
- Susuriin ang iyong vaginal at cervix gamit ang isang speculum. Titignan kung mayroong mga pasa, mga gasgas, o luha upang matukoy kung gumaling na ito. Maaari ring magsagawa ng paps smear sa speculum exam kung kinakailangan.
- Magsasagawa ng internal pelvic exam upang matignan kung tama ang pagliit ng iyong uterus, mapakiramdaman ang iyong cervix at ovaries para sa anumang issues, at matasa ang iyong vaginal muscle tone. Maaari rin siyang magsagawa ng rectal examination.
- Susuriin ang iyong external genitalia, partikular na ang iyong perineum. Titignan dito kung ikaw ay nagkaroon ng episiotomy at kung gumaling na ito.
Sa ganitong paraan, masisigurado mong ikaw ay malusog at ang iyong katawan ay gumagaling nang maayos matapos manganak.
-
Mental health check
Dahil parehas na mahalaga ang iyong mental health at physical health, asahan na mapag-uusapan din ito sa iyong appoinement sa doktor.
Maaaring hindi ka mapalagay o hindi sigurado sa umpisa, pero tandan mo na ito ay isang ligtas na lugar para makapagbahagi. Bilang bahagi ng broad talk patungkol sa iyong mental health at wellbeing, maaaring tanungin ka sa iyong nararamdaman.
Mahalagang magkaroon ng postpartum depression screening. Kung ang iyong doktor ay nananatiling tahimik, siguraduhin na matugunan ang iyong mga pangangailangan at katanungan.
Normal lang na makaramdam ng lungkot matapos ang panganganak, kapag tumagal ng higit sa dalawang lingo ang mga ganitong nararamdaman, maaaring nagpapahiwatig ito ng seryosong problema.
-
Postpartum glucose test
Ginagawa ang oral glucose test kung ikaw ay may gestational diabetes mellitus sa iyong buong pagbubuntis upang makumpirma na normal ang iyong glucose levels.
-
Cancer screenings
Ang cancer screenings ay kinabibilangan ng:
-
Cervical cancer
Ipagpatuloy kaagad ang iyong cervical cancer screening. Kasama dito ang pagkuha ng cervical cells at pagsusuri nito sa ilalim ng microscope (mas kilala bilang pap smear).
Pati na ang pagsusuri para sa human papillomavirus (HPV), na maaaring magdulot ng cervical cancer. Ito ay pwedeng gawin agad dalawang linggo matapos manganak.
-
Breast cancer
Sa iyong postpartum clinic appointment, magsasagawa ng breast exam, na makakatulong sa pagtuklas ng breast cancer. Planuhin na ipagpatuloy ang inirerekomendang breast cancer screening schedule kung kinakailangan. Kung ikaw ay nasa edad na 40 mahigit o kung ikaw ay nasa high risk, kakailanganin mo ng taunang mammography.
-
Birth control options
Maraming uri ng birth control ang maaaring subukan upang matulungan kang makapili ng naaangkop sa ‘yo. Tandaan na kapag ikaw ay nagpapa-bottle-feeding sa iyong sanggol, mabilis na babalik ang iyong fertility.
Kahit ang mga babae na nagpapasuso ay maaaring mag-ovulate matapos ang ilang buwan. Ang paghihintay ng susunod mong menstruation ay maaaring masyadong matagal.
Sapagkat maaari kang mag-ovulate bago ang iyong menstruation, ibig sabihin maaari kang mabuntis bago mo pa man malaman na ikaw ay fertile.
Mainam na maghintay ng isa’t kalahating taon sa pagitan ng pagbubuntis upang mabigyan ang iyong katawan ng sapat na panahon na gumaling at makapaghanda para sa susunod na anak.
Maaaring nakakaramdam ka pa rin ng mga pananakit mula sa iyong pagbubuntis at panganganak, at nagtataka ka sa mga nagbago sa iyong katawan.
Maaaring mayroon ka ring inaalala patungkol sa iyong labor at panganganak, pati na rin sa iyong postpartum difficulties tulad ng pagpapasuso, pag-eehersisyo, sex, at pagtatrabaho.
Magandang ideya na magsulat ng mga tanong na nais mong maitanong sa ‘yong doktor, at iba pang bagay nan ais mong matugunan.
Ilang beses kailangang magpapostpartum checkup?
Kailangan mong makailang postpartum checkup kung kinakailangan. Inirerekomenda ng American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG) na ang mga bagong in ana makipagkita sa kanilang mga ob-gyn nang ilang beses sa unang 12 weeks matapos manganak.
Depende sa mga pangyayari, maaari kang magkaroon ng isa o dalawang appointment sa doktor, o higit pa.
Karamihan ng mga babae na dumaan sa normal delivery ay maaaring isagawa ang postpartum visit 4-6 weeks matapos manganak.
Kung ikaw naman ay nag-C-section, mas maaga ang iyong pagbisita sa doktor upang mapatignan ang iyong mga tahi. Ang postpartum visit ay kinakailangang maisagawa sa loob ng 12 weeks mula nang manganak.
Sa loob ng tatlong linggo, kinakailangan mo nang makapagpa-checkup. Pinahihintulutan ng postpartum visit na makita kung kamusta ang iyong kalagayan at mabigyan ng kinakilangaang tulong.
Kung ikaw ay nakaranas ng mataas na blood pressure habang nagbubuntis, kailangan mong makipagkita sa iyong doktor 3-10 days matapos ang panganganak upang magpa-checkup.
At kapag kinakailangan, may ilang mga appointments pa ang kailangang isagawa bago ang huling checkup ng 12 weeks matapos manganak.
Huwag palampasin ang iyong postpartum checkup
Maaaring iniisip mo na mayroon kang magandang dahilan para hindi dumalo. Maaaring ikaw ay nasa maayos na kalagayan at hindi nangangailangan ng kahit na ano. Maaari kang magrequest ng phone o video-call sa iyong ob-gyn.
Mas popular na rin itong ginagawa mula nang magkaroon ng coronavirus outbreak. Kung ikaw mayroong in-person appointment, alamin kung maaari mong madala ang iyong baby o ibang anak kasama mo.
Ang mahalaga mayroong makakapag-asikaso sa ‘yo at iyong anak, online man o in person na pagpapakonsulta.
Kahit sa postpartum period, ang pagpapanatili ng iyong kalusugan ay nangangailangan ng pagbisita sa ob-gyn. Dahil ang panganib patungkol sa pregnancy-related issues ay hindi nawawala matapos manganak, mahalaga pa ring mapanatili ang medical attention.
Kailangan masigurado ng iyong ob-gyn na ikaw ay hand ana maipagpatuloy ang iyong paggagamot sa routine appointments bago ang iyong huling postpartum checkup.
Ang mga pagbisitang ito ay makakapagbigay ng patuloy na pagtulong sa iyong mga pangangailangan, at mabigyan ng oportunidad para sa patuloy na screening at prevention sa anumang problema sa kalusugan.
Kung ikaw ay may miscarriage, stillbirth, o neonatal death, kinakailangan mong magpakonsulta sa doktor. Mahalagang maghanap ng emotional assistance pati na rin ang paninigurado na ang iyong katawan ay gumagaling. Maaari ring mangailangan ng iba pang pagsusuri upang masiguradong ligtas ang iyong pagbubuntis sa hinaharap.
Kung nais basahin ang English version ng article na ito, i-click dito!
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.