Isang buntis ang patay matapos itong patayin ng kaniyang kaibigan. Dagdag pa rito kinuha ang kaniyang hindi pa na isisilang na sanggol sa loob ng kaniyang sinapupunan. Ang pagpatay na ito sa isang babae na buntis ay isang karumal-dumal na krimen.
Hiniwa ang katawan ni Reagan Hancock, 8 at kalahati buwan ng bunti upang makuha ang kaniyang anak. Manganganak na sana ito sa Nobyembre 10. Ayon sa kaniyang ina na si Jessica nakakakita na umano si Reagan ng mga senyales na malapit na itong manganak.
Sa imbestigasyon
Ayon sa imbestigasyon ng New Boston, Texas police. Napag-alaman nilang na ang unborn child ay tinanggal sa loob ng katawan ni Reagan. At ang ina niya ang unang nakatuklas sa kaniya matapos niyang patayin.
“We just want our beautiful baby remembered and known for the amazing person she was and for people to see she did not deserve this,” wika ng kaniyang nanay.
Noong summer ay ibinahagi pa ni Reagan ang balitang siya’y magsisilang ng pangawalang anak at ito’y isang babae. May panganay na anak na si Reagan na 3-anyos na may pangalang Kynlee. Papangalanan niya sana ang kaniyang anak na Braxlynn Sage na isisilang niya dapat ngayong Nobyembre.
Sa pagpapatuloy
Isang PayPay fundraiser ang nagsabi na, “Reagan Hancock and her unborn baby were selfishly killed by someone Reagan considered a friend.”
Ang suspek ay nasa kustodiya ng mga awtoridad sa Oklahoma at iniimbestigahan na ng Texas Rangers ang kaso, ayon sa New Boston police.
Ang babaeng suspek sa pagpatay kay Reagan at sa kaniyang unborn baby ay nagkita sa isang ospital sa Oklahoma kasama ang isang unborn baby. Kung saan kinalaunan ay namatay rin.
Wala pang identipikasyon ang suspek ay kinasuhan na ng kidnapping at murder of an unborn child. Marami pa umanong ikakaso sa kaniya subalit nakapending pa ito.
Isa namang fundraiser ang nag-circulate sa social media upang masuportahan ang naiwang pamilya at anak nito. Ayon sa asawa ni Reagan na si Homer nakalikom sila ng $20,000. Si Reagan umano ang backbone ng kanilang maliit na negosyo sa kanilang komunidad.
Nagbuhos ng suporta ang buong komunidad para sa pamilya ni Reagan at ng kaniyang unborn baby.
“Reagan and the baby, Kynlee, and Homer and the rest of the family will now be taken care of by everyone here.”
Puno ng panghihinayang ang marami sa pagkawala ni Reagan. Marami rin ang nanghihinayang na hindi na mahahagkan ni Reagan at ng kaniyang unborn baby ang isa’t isa dahil sa karumal-dumal na krimen na kanilang sinapit.
Hindi lamang ito ang unang kaso ng pagpatay sa isang buntis at pagkuha ang kanilang unborn sa loob ng kanilang sinapupunan. Kaya naman mag-ingat mga mommies sa mga bagong makikila at magiging kaibigan. Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso ni Reagan at umaasa ang kaniyang pamilya na makakamtan nilang ang hustisya.
Source:
BASAHIN:
Ina, hindi pinayagang makita ang 3-buwang gulang na baby na nag-aagaw buhay