64-anyos na tricycle driver, nagtapos ng kolehiyo

Dahil sa kaniyang pagpupursigi sa pag-aaral, nakapagtapos ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in English ang isang tricycle driver.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lahat tayo ay may kakayanan na mapagtagumpayan ang kahit ano mang pagsubok na ibato sa atin. At para sa 64-anyos na tricycle driver na si Generito Yosores, ang kaniyang pagpupursigi sa pag-aaral ang nagdala sa kaniya ng tagumpay.

Ito ay dahil bagama’t matanda na at nagtatrabaho bilang isang tricycle driver, ay nakapagtapos siya kamakailan ng kaniyang pag-aaral.

Pagpupursigi sa pag-aaral, ipinakita ng tricycle driver

Tubong Zamboanga del Sur si Generoso, at pangarap niya ang makapagtapos ng kaniyang pag-aaral. Dahil dito, nag-ipon siya ng pera sa pamamasada sa umaga, pati na rin ang kaniyang natatanggap na allowance bilang senior citizen. Sa gabi raw siya nag-aaral, at inabot ng ilang taon bago makapagtapos ngunit sa wakas nakamit na rin niya ang kaniyang pinapangarap na diploma.

Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Secondary Education, major in English sa Western Mindanao State University-Molave External Studies Unit. Ayon kay Dr. Regina Menioria, External Studies Unit Coordinator sa paaralan, masipag raw at mabuting estudyante si Generoso.

Nag-viral ang kaniyang graduation picture

Nagsimulang kumalat ang balita tungkol kay Generoso nang i-post sa Facebook ng isang photo studio ang kaniyang larawan. Dahil dito, umani ng papuri ang tricycle driver dahil sa kaniyang kasipagan sa pag-aaral.

Sa graduation raw ni Generoso ay kasama niya ang kaniyang kapatid, at kitang-kita ang tuwa sa mukha ng matanda. 

Sana ay magsilbing inspirasyon sa ating lahat si Generoso, upang mapagtagumpayan natin ang ating mga pagsubok sa buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahalagang gawing inspired ang mga bata

Bukod sa pag-aalaga at pagbuhos ng pagmamahal sa mga anak, importante rin na gawing inspired ng mga magulang ang kanilang anak.

Mahalaga ang inspirasyon dahil ito ang magsisilbing driving force ng mga bata upang maging successful sa buhay. Heto ang ilang mga tips para sa magulang:

  • Huwag masyadong bigyan ng pressure ang mga bata. Iparamdam sa kanila na basta’t ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya, ay sapat na iyon para sa iyo.
  • Suportahan sila sa kanilang mga pangarap at plano sa buhay.
  • Bigyan sila ng mga pagkakataon na sumubok ng iba’t-ibang mga bagay upang malaman ang kanilang passion sa buhay.
  • Ipakilala sa kanila ang iba’t-ibang mga role model na magsisilbing inspirasyon sa kanila.
  • Ituro sa kanila ang pagpupursigi, at ang pagkakaroon ng tibay ng loob na mapagtagumpayan ang kahit ano mang pagsubok.
  • Turuan silang huwag mawalan ng loob kapag nagkakamali, o kaya nakararanas ng failure sa buhay.
  • Ipaalala sa kanila na mahalaga ang curiosity, at ang palaging pagkakaroon ng interes na matuto.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Abante

Basahin: Yaya nagtapos ng cum laude sa kolehiyo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara