Ang pagsasakripisyo para sa pamilya ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kanila. Maaaring maliit na pagsasakripisyo lang ito tulad ng paghugas ng pinggan o pag-overtime sa trabaho para lumaki ang kita. Maaari rin naman na malaking bagay ito tulad ng pagbitiw sa trabaho para maalagaan ang inyong mga anak. Malaki man o maliit, ang pagsasakripisyo para sa pamilya ay may katumbas na bigat sa sarili para sa kapakanan ng mga mahal sa buhay.
Subalit, napapansin ba ng iyong asawa ang lahat ng pagsasakripisyong ginagawa mo? Nararamdaman mo ba na napapagpahalagahan ng iyong asawa ang iyong mga pagsasakripisyo?
Nasa kalahati lamang
May mga bagong pag-aaral na isinagawa sa Netherlands at Canada. Ito ay isinagawa ng mga mananaliksik sa close relationships. Kanilang natuklasan na nasa kalahati lamang ng pagsasakripisyo ang napapansin sa isang relasyon.
Dalawang magkaibang pag-aaral ang isinagawa sa mga young couples. Pinasubaybay sa mga lumahok ang mga sakripisyong ginagawa para sa isa’t isa. Isinagawa ito nang isa hanggang dalawang lingo. Mula sa reports ng mga mag-partner, mahahati ng mga mananaliksik sa tatlong kategorya ang mga pagsasakripisyo. Got it right kapag ang isa ay magreport na nagsakripisyo siya at nairecord din ito ng kanyang partner. Missed a sacrifice kapag ang report ng pagsasakripisyo ay hindi naireport ng kanyang partner. False alarm naman kapag walang ginawang pagsasakripisyo ngunit nai-record ng partner na pagsasakripisyo ang nagawa.
Mula sa dalawang magkaibang pag-aaral, napag-alaman ng mga mananaliksik na nasa kalahati lamang ang napapansin ng kanilang partner. Makikita rin na nasa 40% hanggang 50% ang false alarm.
Pagpapahalaga sa mga sakripisyo
Ang mga tao ay mas pinapahalagahan ang kanilang partner kung ang tingin nila ay nagsakripisyo ito. Nangyayari ito kahit pa ang sakripisyo ay sinadya o hindi. Malaking bagay sa mga pagsasama ang malaman na hindi lamang sila ang nagbibigay para sa ikakabuti ng relasyon.
Ganito rin pagdating sa partner na nagsasakripisyo. Kahit pa ang pagsasakripisyo ay hindi maganda sa kanilang bahagi, nauugnay parin ito sa relationship satisfaction. Ngunit, ito ay nangyayari lamang kapag napapansin ng kanilang partner. Kanilang nararamdaman na hindi sila napagpapahalagahan kapag hindi binibigyang pansin ng kanilang partner ang kanilang sakripisyo.
Hindi kailangan manumbat o ipamukha sa iyong partner ang iyong mga pagsasakripisyo. Sa katunayan ay maaari pa lalong pagmulaan ng away ang pagbibilangan ng mga ginagawa para sa pamilya. Lahat tayo ay gustong mapansin ang ating mga sakripisyo. Makakabuti na maging mapagmatyag sa mga sakripisyong gagawin ng iyong partner at bigyang pansin ito nang ito rin ang gawin nila sa mga sakripisyo mo.
Source: Psychology Today
Basahin: 8 Paraan para mapasaya ang pagsasama