Malaking tulong daw ang “infant-directed-speech” para sa pagsasalita ng baby upang maging maayos ang development nito base sa research ng experts.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Mood ni mommy may epekto raw sa pagsasalita ng baby ayon sa experts
- Help you baby learn how to talk with these tips
Mood ni mommy may epekto raw sa pagsasalita ng baby ayon sa experts
Exciting nga naman talagang marinig ang pagsasalita ni baby for the first time. Maraming factors ang nakaaapekto para makapagsalita ang isang sanggol. Sa new research ng experts, nakita nilang ang mood pala ng mommies ay big factor para sa kanyang language development.
Nasa tinatayang 70% ng mga magulang ang nagde-devlop ng postnatal depressicve mood o ang tinatawag na baby blues. Malaki raw ang maaaring maging epekto nito para sa iba’t ibang areas of development ng bata.
Nakita ang resultang ito ng mga scientist mula sa Max Planck Institute for Human Cognitive and Brain Sciences sa Leipzig. Nakuha nila ang data mula sa mga relasyon ng 46 na mother and baby na mayroong iba’t ibang mood matapos manganak. Sinukat ito sa pamamagitan ng standardized questionnaire na ginagamit para madiagnose ang postnatal upset.
The Mismatch Response
Bukod dito ay gumamit din sila ng electroencephalography (EEG). Ito ay ginagamit upang masukat kung paano nalalaman ng baby ang speech sound sa brain processes.
Sinubukan nilang i-record ang reaction ng baby pagtuntong nila ng dalawa at anim na buwan gamit ang syllables na “ba,” “bu,” at “ga.” Tinawag nila itong Mismatch Response
Kaya nila napag-alamang kaya pala ng baby na ma-identify ang iba’t iabng sounds depende sa moon ng nanay. Kapag nagpakita ang nanay ng negative na mood matapos manganak, magpapakita rin ng less mature na processing ng speech sound ang bata sa edad na anim na buwan. Nalaman nilang mas delayed ang Mismatch Response ni baby kung parating negative ang mood ni mommy.
The infant-directed speech
Dahil tuloy dito nirekomenda ng experts na gamitin ang infant-directed speech. Sa pagpapaliwanag ni Gesa Schaadt, ang unang author ng pag-aaral,
“We suspect that the affected mothers use less infant-directed-speech,”
Mas effective way raw kasi para sa language development ng bata. Narito ang ilan sa maaaring gawin sa pamamaraang ito:
- Nagva-vary ang pagsasalita ang pitch.
- Ine-emphasize ang partikular na salita nang mas malinaw at klaro sa pandinig.
- Ipinopokus ang atensyon ng bata sa kung ano ang sinasabi.
Maganda rin daw na involved ang tatay kung sakaling wala sa mood ang nanay. Mas magandang way raw ito para hindi na kailangan pang sumailalim sa treatment ang mommies,
“To ensure the proper development of young children, appropriate support is also needed for mothers who suffer from mild upsets that often do not yet require treatment,” dagdag ni Schaddt,
“Sometimes it just takes the fathers to be more involved.”
Help your baby learn how to talk with these tips
Parents ang may malaking maitutulong sa pagsasalita ng kanilang anak. Nakasasalaly mostly ang kanilang development sa mga magulang. Kung ikaw ay first time parents, narito ang ilang tips at ways na maaari mong i-try:
- Ugaliing kausapin siya nang nakikita ka dahil gusto ng baby na nakakakita ng mukha kapag kausap.
- Parati siyang kantahan upang matutunan nila ang rhythm ng language at makuha ang attention niya.
- Sa tuwing may itinuturo na bagay, pangalanan ito upang matutunan niyang kopyahin ang iyong sinasabi.
- Makipaglaro sa kanya para matutunan niya ang pagbibigay ng atensyon at pakikinig.
- Sa tuwing may nasasabi siyang maling salita, itama ito.
- Paunlarin ang kanyang vocabularies at hayaang papiliin siya sa dalawang bagay habang pinapangalanan ito.
- Bilhan siya ng mga laruan at libreong gumagawa ng ingay para sa kanyang listening skills.
- Hayaang sumabay siya sa iyo sa tuwing kinakanta ang mga nursery rhymes.
- Gumamit ng simple instructions sa aayon sa kanyang edad.
- Parating magtanong sa kanya upang unti-unti niyang matutunang sumagot.
- Limitahan ang panonood niya o ng mga activity na hindi siya nakakapagsalita.
- Sa edad na 2 years old, turuan siyang bumuo ng simple sentences.
- Parating tawagin ang kanilang atensyon sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang pangalan.
- Turuan siya na magmatch at mix ng mga salita.
- Simulan ding turuan siya ng mga symbolic sounds tulad ng, “naku!” o “oops!”
- Kausapin siya madalas sa maraming bagay kahit pa sa paglilinis lamang ng bahay.