X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Tama bang basahin ang messages ng iyong asawa?

4 min read
Tama bang basahin ang messages ng iyong asawa?

Madalas mo bang binabasa ang mga messages ni mister, at nakakaranas ng pagseselos sa asawa mo? Alamin kung ano ang dapat gawin tungkol dito.

Minsan ba ay napapansin mo na ikaw ay mayroong pagseselos sa asawa mo? Patago mo bang binabasa ang mga messages sa kaniyang cellphone?

Posibleng senyales na ito ng mas malaking problema sa inyong relasyon. At dapat agad itong magawan ng paraan, kundi posible itong makasira sa inyong dalawa.

Pagseselos sa asawa: Tama bang basahin ang messages ng iyong asawa?

Normal lang sa  mga mag-asawa ang magkaroon ng pagseselos, o kaya pagdududa. Madalas ay dahil lang ito sa maliliit na bagay, at wala naman talaga iyong ibig sabihin. Minsan, posibleng epekto lang ito ng mapaglarong imahinasyon.

Pero paano kung madalas kang sumisilip ng patago sa messages ng iyong asawa? Tama pa ba ang ganitong pag-uugali?

Ayon kay Mary Lamia, PhD, isang clinical pscyhologist sa US, hindi makakatulong ang ganitong ugali sa inyong dalawa. Hindi raw maganda na kailangan mo pang basahin at silipin ang mga mensahe ng iyong asawa para lang maging kampante ka.

Ngunit bakit nga ba ito ginagawa ng mga tao? Madalas ito ay dahil sa mayroong pagkukulang sa iyo ang iyong partner. Posibleng nawawalan kayo ng koneksyon sa isa’t-isa, o kaya ay nararamdaman mo na hindi ka na niya gaano pinapansin. Kaya’t nag-iisip ka ng mga posibleng dahilan kung bakit nagbago ang kaniyang pag-uugali.

Pero mahalaga rin na alamin mo kung ano talaga ang sanhi ng iyong nararamdaman. Dahil posibleng ikaw pala ang may problema, at hindi ang asawa mo.

Heto ang ilang tanong na puwede mong tanungin ang iyong sarili kapag naiisip mong silipin ang messages ng iyong asawa:

Naloko ka na ba dati?

Ang mga taong nakaranas na ng panloloko o pagsisinungaling mula sa isang partner ay posibleng maging mas sensitibo sa panloloko. Kahit na isang ex ang nanloko sa’yo dati, posibleng sensitibo ka pa rin dahil dito, at ito ay lumalabas sa relasyon mo ng asawa mo.

Kung ito ang tingin mong dahilan ng ginagawa mong pagbabasa ng mensahe, mabuting huwag munang maging padalos-dalos. Magtiwala ka sa iyong asawa, at huwag mo agad isipin na niloloko ka niya. Posibleng nasa isip mo lang pala ang lahat, at baka makasama pa ang iyong pagdududa sa asawa mong inosente naman pala.

Manipulative ba ang iyong asawa?

May mga pagkakaton naman na tama ang iyong nararamdamang takot, lalo na kung nacocontrol ka ng iyong asawa.

Ito ay nangyayari kapag alam niyang selosa ka, at ginagamit niya ito upang maging guilty ka sa iyong ginagawa at nararamdaman. Pero ang totoo eh mayroon nga siyang ginagawang hindi mabuti na tinatago niya sa iyo.

Hindi maganda ang ganitong relasyon dahil emotional blackmail ang nangyayari, at parating mararamdaman mo na ikaw ang may kasalanan ng inyong mga pag-aaway. Mabuting kausapin mo ang iyong asawa, at harapin mo siya dahil ikaw lang ang masasaktan sa ganitong pag-uugali niya.

Paano mo kokomprontahin ang iyong asawa?

Hindi madaling pag-usapan ang mga ganitong bagay, lalo na kung wala ka naman talagang patunay na niloloko ka ng asawa mo.

Pero ang pinakamabuting paraan para pag-usapan ito ay sabihin mo sa iyong asawa kung ano ang iyong nararamdaman, at ang iyong mga pag-aalinlangan.

Hindi mo dapat itago ang ganitong mga bagay sa iyong asawa dahil siya ang magiging katuwang mo sa buhay. Magandang mapag-usapan ninyo ito ng malumanay at hindi nag aaway upang mas maging malinaw sa inyong dalawa ang lahat.

Walang mabuting maidudulot ang pakikipag-away, kaya’t maging mahinahon at maging tapat sa kung ano man ang iyong nararamdaman. Ang mga ganitong usapan ay makakapagpatibay ng inyong relasyon, at magkakaroon pa kayo ng higit na tiwala sa isa’t-isa.

Ang paggalang sa privacy ay paggalang sa relasyon

Hindi kailanman tama ang patagong pagsilip sa messages ng iyong asawa. Oo, maaaring may pag-aalinlangan ka, pero mas mainam na daanin ito sa pag-uusap kaysa sa lihim na kilos.

Kapag tapat sa’yo ang iyong asawa, makikita mo ito hindi lang sa kaniyang salita kundi sa kanyang kilos—sa paraan niya ng pagtrato sa iyo, sa oras na ibinibigay niya, at sa pagiging consistent niya bilang partner mo.

Kung hindi mo alam ang gagawin, huwag mahiyang humingi ng tulong 

Kung sa kabila ng lahat ng effort mo ay nananatili ang iyong duda at stress, maaari kang kumonsulta sa marriage counselor o therapist. Ang isang third-party professional ay makakatulong upang i-assess kung saan ba talaga nag-uugat ang isyu—at kung paano ninyo ito sabay na maitatama.

Panghuli

Ang tiwala ay pundasyon ng matibay na relasyon. Kapag ito ay nasira, mahirap ibalik—pero hindi imposible. Laging piliin ang bukas na usapan kaysa lihim na hinala. Tandaan, ang goal ay hindi lamang ang manatiling magkasama, kundi ang maging masaya at buo bilang magkapareha.

 

Health

Partner Stories
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Tama bang basahin ang messages ng iyong asawa?
Share:
  • How to Get Rid of a Diaper Rash in 24 Hours: Fast and Safe Remedies for Babies

    How to Get Rid of a Diaper Rash in 24 Hours: Fast and Safe Remedies for Babies

  • How Often to Change Diapers? A Parent’s Guide by Age, Poop Frequency & More

    How Often to Change Diapers? A Parent’s Guide by Age, Poop Frequency & More

  • When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

    When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

  • How to Get Rid of a Diaper Rash in 24 Hours: Fast and Safe Remedies for Babies

    How to Get Rid of a Diaper Rash in 24 Hours: Fast and Safe Remedies for Babies

  • How Often to Change Diapers? A Parent’s Guide by Age, Poop Frequency & More

    How Often to Change Diapers? A Parent’s Guide by Age, Poop Frequency & More

  • When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

    When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko