Sa bawat araw na dumarating, sumagi ba sa iyo ina ang pagkabaahala sa aking paglaki?
Nakakaramdam ka ba ng lungkot?
Gabi gabi mo bang naiisip kung kakayanin mo ba ito?
Huwag kang magalala aking ina lahat ng ito ay kakayanin natin sapagkat ako ang magiging dahilan ng iyong kalakasan.
Marahil sa bawat araw ay sasagi sa iyo kung kakayanin mo ba, huwag mo itong ikabahala dahil marami kang kaantabay. Maaari kang tumugon sa may kapal. Humingi ng lakas sa pang araw araw.
Kung ako man ay magkakasakit, huwag mong sisihin ang iyong sarili sapagkat ito ay kusang dumarating gaano ka man kaalaga sa akin.
Mahal kita gayun pa man ikaw ang nagbigay buhay sa aking at dahil doon napakalaking bagay na ito sa akin.
Ina sa bawat araw na lumilipas sana ay mapansin mo ang iyong katatagan.
Araw araw kitang mamahalin sa lahat ng sakripisyong iyong ipinamahagi.
Una palang alam kong hindi na naging madali ang iyong pagbubuntis pero pinagpatuloy mo pa rin ito.
Ilang buwan mo rin akong dinala sa iyong sinapupunan at sa paglabas ko ikaw ang aking unang natanaw
Salamat sa pagmamahal
Salamat sa buhay
Salamat sa maykapal
Kung dumating man ang araw na hindi mo alam ang iyong gagawin hawakan mo ang aking kamay.
Ina ang buhay na ito ay aking pagkakamalan sana ganoon ka rin
Huwag kang matakot idisiplina ako alam ko na ito ang isang dahilan na ayaw mo akong mapariwara sa buhay.
Ang pagdidisiplina sa akin ang isang bagay na magbibigay dahilan na patunay ako ay mahal mo
Hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa iyo huwag kang magaalala
Ina marahil sa bawat araw na lumilipas lalong lumalaki ang iyong responsibilidad.
Bilang ina,
Napapawi ang anumang hirat at sakripisyo masasaksihan lang natin ang ating mga anak na masaya at nasa maayos na sitwasyon.
Sapagkat pagsubok din natin ang kanilang pinagdadaanang pagaubok. Tagumpay din natin ang kanilang tagumpay.
Sana po, bilang mga kapwa ko ina,
mga kapwa ko babae,
mga kapwa ko anak,
lalo na,
piliin natin ang gagabay sa atin tungo sa isang maginhawang bukas para sa mahal nating anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!