TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Mga nakakatawang banat ng mga anak sa kanilang parents! Mapapahalakhak ka talaga!

4 min read
Mga nakakatawang banat ng mga anak sa kanilang parents! Mapapahalakhak ka talaga!

Minsan ang mga pa-inosenteng tanong ng ating mga anak ay tila mga nakakatawang banat sa ating mga magulang. Narito ang ilan sa mga ito.

Nag-post kamakailan ang theAsianParent ng #NagTAPtanong question para sa mga mommy at daddy. Tungkol ito sa mga nakakatawang banat ng mga anak na talagang nagpahalakhak sa kanilang parents.

Mga nakakatawang banat ng mga anak kay mommy at daddy!

Ang tanong ng theAsianParent sa mga mommy at daddy, “Ano ang sinabi ng iyong anak sayo na napatawa ka nang todo?”

Alam naman nating lahat na minsan, sa kanilang inosenteng pananaw at walang prenong pagsasalita, may mga batang talagang nakakapagbigay sa atin ng hindi mapigilang halakhak. Kaya, tara na’t balikan natin ang mga kwento ng mga kapwa natin magulang at mag-enjoy sa mga priceless na banat ng ating mga chikiting!

mga nakakatawang banat

Image by freepik

Narito ang ilang mga komento mula sa mga mommy and daddy netizens na talaga nga namang nakakatawa at nakakapawi ng pagod:

Kwento ni mommy Mau Louise Correa, 2-3 years old pa lang ang kaniyang little one ay tinuruan na nila ito tungkol sa private part. Isang beses daw ay pinapaliguan niya ang kaniyang anak nang di sinasadyang mahawakan niya ang ari nito. Nag-react daw ang anak at sinabing, “Aww ma, that’s my titi!”

Agad naman daw na nag-sorry si mommy. At kinuha na rin niya ang chance na tanungin ang anak, “I asked, kung sya ay may tutuy, ano naman private part ko na isang girl, sabi nya “Wala, buhok lang.” HAHAHAHAHAHA Kasi ayan nakikita nya pag sabay kami naliligo noon. Jusko tawang tawa ko sa loob ng banyo.”

Sino nga naman ang hindi matatawa sa sinagot na ito ni baby boy di ba?

Kwento naman ni mommy Shane Loo Jaravata, may pinapanood daw silang movie ng kaniyang hubby kung saan ay may kissing scene. Nang mga oras na iyon ay naglalaro ang kanilang anak nang bigla itong mapalingon sa TV. Naabutan nito ang kissing scene at agad na nagkomento ng, “Hala nagkakagatan sila ma!”

Lumalabas talaga ang pagiging inosente ng mga bata sa mga random questions na naiisip ng mga ito. Tulad ng kwento ni mommy Yhan Reyes. Aniya, nakapanood daw ng clip ang anak niyang lalaki tungkol kay Archangel Gabriel, kung saan ay binisita nito si virgin Mary upang ipaalam na ipagdadalang-tao nito si Hesukristo. Bigla na lang daw nagtanong sa kanila ang kaniyang anak ng, “Mommy what is virgin?” Ipinaliwanag naman daw ng daddy nito na ang ibig sabihin noon ay wala pang baby. Bumanat ulit si little one ng ganito, “Mami kaylan ka Virgin? Kaylan Virgin si Lola?”

Speaking of Jesus Christ story, mapapabunghalit ka naman ng tawa sa kwento ni mommy Be Ya. Sabi raw kasi ng kaniyang 3-year old son, “Ma, gusto ko ipako sa krus si daddy.”

mga nakakatawang banat

Image by freepik

Samantala, sa kwento naman ni mommy Cons Mcmahon, 3 taon pa lang daw ang panganay niya noon nang utusan siya nitong bumili ng maliit na baby sa store. “Sabi nya bumili daw kami ng maliit na baby sa store at kainin ko daw ulit para magkaroon na sya ng kapatid.”

Narito ang iba pang komento ng mga parent tungkol sa nakakatawang banat ng mga anak nila:

Mula kay mommy Rhea Diva-Camero:

“Nag order kami ng food then sabi sa kanya ng cashier “thank you ma’am” Sabi ng anak ko, Mommy bakit Ma’am tawag nya? Bakit hindi bhe or kaya bhie?”

Mula kay mommy Maphene Ilagan:

“Sabi ng anak ko, gusto daw nya ng baby brother, not baby sister. Mag order daw kami sa Shopee.”

Mula kay mommy Annalyn Apuad-Aurigue

“Yung anak ko na ang lakas kumain tinanong ko kung saan nilalagay kinakain nya, ang sagot nya sa plato.”

Mula kay mommy Jamaica Aquino-Oco

“Nung 5-year old panganay ko, sabi “mommy lahat po ba ng buto pwede tumubo? ” sabi ko yes anak, reply nya “yung buto po ba ng chicken pag tinanim bubunga ng chicken”

mga nakakatawang banat Image by freepik

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Nourishing Language Development with Promil Gold
Nourishing Language Development with Promil Gold
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School

Talaganag nakakatuwang marinig ang mga patawa at banat ng mga anak natin. Ang mga inosenteng komento nila ay nagpapasaya sa ating araw at nagpapakita ng kanilang creative na pag-iisip. Huwag nating kalimutan na pahalagahan ang mga simpleng moment na ito dahil ito ang mga alaala na tatawanan natin hanggang sa pagtanda.

Kung nais mabasa ang iba pang komento ng mga mommy tungkol sa nakakatawang banat ng kanilang mga anak, maaaring bisitahin ang Facebook post na ito. Pwede rin kayong mag-comment at i-share ang mga nakakatawang banat ng inyong mga anak sa comments!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Kuwento Ng Pagpapalaki Sa Anak
  • /
  • Mga nakakatawang banat ng mga anak sa kanilang parents! Mapapahalakhak ka talaga!
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

    What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

    What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko