#AskDok: Totoo bang kapag nag-ngingipin ang bata ay magkakaroon ito ng diarrhea?

Samahan si Doc Edwin na talakayin ang mga impormasyong kailangan malaman ng magulang tungkol sa Rotavirus.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tanong ng karamihan, “Pagtatae ng baby o sanggol, ano nga ba ang sanhi nito? Totoo ba na ang pagtatae ng baby dahil sa pagngingipin?” Ating alamin ang iba’t ibang myth tungkol sa Rotavirus, isang sakit na hindi dapat ipagsawalang bahala.

Tummy o Mali? 5 myth na hindi dapat paniwalaan tungkol sa rotavirus

Sa ginanap na webinar ng theAsianparent Philippines noong September 24, kasama ang kasalukuyang Medical Affairs Manager ng GSK Philippines na si Dr. Edwin Rodriguez na may pinamagatang “Tummy o Mali: Myths about Rotavirus”.

Dito tinalakay  ang mga dapat malaman ng mga magulang patungkol sa Rotavirus. Pinabulaanan din ni Doc Edwin ang limang myth tungkol sa sakit na ito na pinaniniwalaan ng marami.

Narito ang limang myth tungkol sa pagtatae ng baby o sanggol.

1. Hindi sikat ang Rotavirus kaya hindi tayo mababahala sa sakit na dulot nito

Ayon kay Doc Edwin, MALI ito. Kailangang tandaan ng mga magulang na ang pagtatae ng bata’y marapat na bigyan ng lunas agad.

Ito’y pumapangalawa sa sakit na pulmonya na dahilan ng karamdaman o kamatayan ng mga bata na may edad lima pababa.

Dagdag pa ni Doc Edwin na,

“Ang Rotavirus ang single most important cause of severe dehydrating gastroenteritis sa mga bata at maging sa mga younger children all over the world.”

Sa edad na 6 months pababa, tinatayang tatlo sa sampung bata ang maaaring dapuan ng diarrhea. Para sa dagdag na kaalaman sa nasabing sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Importante ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran o tamang hygiene para maiwasan ito. Subalit ang pinakasolusyon para hindi dapuan ng virus ang isang bata ay ang BAKUNA.

Pagtatae ng baby dahil sa pagngingipin, totoo ba? | Image from Shutterstock

2. Simple diarrhea lang ang dulot ng Rotavirus

Ang myth na ito’y MALI.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami sa mga batang dinapuan ng Rotavirus ay nakararanas ng matinding epekto ng sakit na ito. Paalala ni Doc Edwin sa mga magulang, ang unang episode o impeksiyon na mararanasan ay malala.

“Dito pinakamalaki ang posibilidad na ang bata ay ma-dehydrate, ang bata ay magkaroon ng komplikasyon at ang bata ay maaaring maospital.”

Inaabot ng dalawang araw bago dumami ang virus sa bata. Habang ang mismong sakit naman ay maaaring tumagal ng apat hanggang pitong araw. “Hindi simple ang ibang klase ng diarrhea na dulot ng rotavirus. Ang mga bata ay nagtatae, ang kanilang dumi ay matubig.” dagdag pa ni Doc Edwin.

Maaaring umabot ng sampu hanggang dalawampung beses ang pagdumi ng batang may virus.

3. Optional ang Rotavirus vaccine kung exclusively breastfed si baby

Ang myth na ito ay MALI.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami rin ang naniniwala na kung lumaki sa gatas ng ina ang isang sanggol, mababa ang tiyansa na dapuan ito ng rotavirus. Paglilinaw ni Doc Edwin, ang antibodies na nangagagaling sa gatas ng ina ay importante sa mga sanggol subalit ito’y hindi pang habangbuhay at hindi maaaring maging gamot sa pagtatae o lahat ng sakit.

Pagsapit ng anim na buwan ng bata, maaaring humina na ang antibodies na ito na nasa sanggol.

“Mula sa ina, at sa gatas ng ina, ang sanggol ay mapapangalagaan. Subalit sa bakuna pa rin ang proteksyong pang matagalan. Ituloy lang po ang pagbibigay ng breastmilk sa iyong anak ngunit ‘wag kakalimutan ang benepisyong maibibigay ng pagbabakuna.”

Ito ang pangatlong advice ni Doc Edwin.

4. Mas mahalagang unahin ang DTP at PCV kung ikukumpara kay Rota

Paalala ni Doc Edwin, ang lahat ng bakuna sa mga sanggol ay MAHALAGA. Walang least sa lahat ng ito. Pantay-pantay ang halaga ng bawat bakuna na kailangan ng sanggol.

“Mayroon pong sinusunod na schedule ang mga pediatrician upang maging gabay o guide sa pagbibigay ng mga bakuna sa tamang edad sa inyong mga anak.” panimula ni Doc Edwin sa usaping ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Doon po sa immunization schedule o vaccination schedule pong ‘yon ay mayroon pong malawak na panahon na inilalaan sa tinatawag na catch up.”

Makakatulong ang ganitong klaseng palugit para mapawi ang takot ng mga magulang.

Hindi dapat mangamba kung hindi agad nabigyan ng DTP at PCV ang iyong sanggol. “Ang lahat po ng bakuna ay mahalaga. Walang dapat mauna o piliin.”

Pagtatae ng baby dahil sa pagngingipin, totoo ba? | Image from Unsplash

5. Natural ang diarrhea kapag nagngingipin ang bata. Hindi rin sulit magpabakuna.

Ang myth na ito ay MALI.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa usaping ito, ipinaliwanag ni Doc Edwin na ang pagsabay ng pagtatae at pagngingipin ng bata’y maaaring nagkataon lamang. Pagsapit ng anim na buwan ng sanggol, dito nagsisimulang lumabas ang kaniyang ngipin at kasabay nito ang pagkagat o pagsubo ng mga bagay na kaniyang mahahawakan.

“Hindi po talaga maiiwasan na sa kanila mismo maaaring manggaling ang pagbibigay ng impeksiyon na maaaring maging dahilan ng diarrhea.”

Ang myth na ito’y maaaring nagkataon lang o dulot mismo ng sanggol. Kaya naman napakahalaga na mabigyan ng bakunang anti rotavirus ang iyong anak para kung sakaling magngipin siya ay maiiwasang makakuha ng virus na dulot ng sanggol.

Dagdag pa ni Dr. Maria Belen Vitug-Sales, isang pediatric gastroenterologist ng Makati Medical Center, hindi umano ito totoo. Ang teorya umano siya pagngingipin ay ito,

“Ang theory ko diyan kapag nagngingipin, the ipin starts to come out around 7 months. So around 6 months nanggigil na sila lahat ng puwedeng isubo, isusubo na nila.

And they like biting with everything, nanggigil na sila. Kasi siguro maga na iyong kanilang gums. And the fact that they put everything in their mouth gives them a risk of getting bacteria there.

And they may get diarrhea not because eksaktong lumabas iyong ngipin pero nag-coincide at the same time.” 

Kaya naman mga mommy at daddy iwasan ang mas maganda na ilayo muna kay baby ang mga pwede niyang isubo. Siguraduhin din na ang mga maisusubo niya ang malinis upang maiwasan ang bacteria na nakakapagdulot ng diarrhea.

Pagtatae ng baby o sanggol | Image from Unsplash

Para malaman ang vaccination schedule ng iyong anak, ‘wag mahihiyang tanungin ito sa iyong pediatrician.

Upang mapanood ang iba pang dagdag kaalamang webinar katulad ng “Tummy o Mali: Myths about Rotavirus”, i-like lamang ang theAsianparent Philippines sa Facebook at tutukan ang susunod na live webinars!

Sino si Dr. Edwin Rodriguez?

Si Dr. Edwin Rodriguez ay Doctor of Medicine at naging parte ng UST Faculty of Medicine and Surgery. Siya rin ay may master degree ng Health Professions Education sa UST Graduate School. Bukod pa rito, siya ay may residency in Pediatrics sa Cardinal Santos Medical Center.

Hawak din ni Dr. Edwin ang iba’t-ibang posisyon na ito:

  • Fellow and Assistant Treasurer, Philippine Pediatric Society
  • Fellow and Secretary, Philippine Society of Pediatric Hematology
  • At fellow and Secretary, Philippine Society of Experimental and Clinical Pharmacology

Siya ngayon ay kasalukuyang Medical Affairs Manager ng GSK Philippines.

Sinulat ni

Mach Marciano