Madalas na napapanood natin sa mga pelikula o nababasa sa mga nobela ang mga “happily ever after.” Ito ang pinapakitang imahe ng masayang magkasintahan pagtapos ikasal. Kung minsan pa ay nababanggit kung gaano sila kaligaya sa honeymoon phase at sex life nila.
Sa paglipas ng ilang taong pagsasama, ganito pa rin kaya kasaya at kasabik ang pagtatalik ng mga mag-asawa?
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Mga babae, mas maagang mawalan ng gana sa sex kaysa sa mga lalaki
- Ano ang “Bottle Theory?”
Mga babae, mas maagang mawalan ng gana sa sex kaysa sa mga lalaki
Sinasabing ang kadalasang nauunang mawalan ng gana sa pagtatalik ay kababaihan. May mga pangyayaring si mister ay nag-aaya at si misis naman ay tumatanggi. Hindi lamang ito kuwento-kuwento, ito rin ay napatunayan sa mga pag-aaral ng eksperto.
Mula sa research ng pyschologist na si Dr. Roy F. Baumeister, sinubukan daw nilang i-track ang mga bagong kasal sa mga unang taon nito.
Pinasasagutan nila ang mga mag-asawa ng mga questionnaires tungkol sa kanilang mga sexual desires, marital satisfaction at iba pang mga factors.
Napag-alaman nilang walang mag-asawa ang may parehong sagot sa mga katanungan. Nakita nilang mayroong pattern ang bawat magkarelasyon.
Sa pag-aaral, pagkalipas daw ng 4 hanggang 5 taon ay unti-unting nababawasan ang gana ng asawang babae. Samantalang ang asawang lalaki naman ay walang pagbabago.
Ganoon pa rin daw ang pagksabik ng mga lalaki sa pakikipagtalik gaya noong bagong kasal pa lamang sila.
BASAHIN:
STUDY: Madalang na pagkikipagtalik ng mga babae nakakapagpabilis ng menopause
11 rason kung bakit walang gana na makipagtalik ang mga babae
#AskDok: Kailan puwedeng makipagtalik ulit pagkatapos manganak?
Ano ang “Bottle Theory?”
Larawan mula sa Shutterstock
Ayon sa mga datos ng pag-aaral, bumababa talaga ang frequency ng pagtatalik ng mag-asawa matapos ikasal.
Ipinaliwanag ito sa tinatawag na “Bottle Theory.” Sinasabi sa teoryang ito na kung ang magkasintahan umano ay maglalagay ng barya kada magse-sex sila sa unang taon ng pagiging mag-asawa at tatanggalin isa-isa kada magtatalik pagtapos ng unang anibersaryo ng kasal ay hindi ito mauubos.
Isa sa data na sumaswak sa “Bottle Theory” ay sa panahon ng passionate love o ligawan pa lamang ay mataas ang sexual desire ng kababaihan.
Samantalang ang mga lalaki ay mayroong mas matagal na commitment pagdating sa sex. Sinabi rin ni Dr. Baumeister na ang sexual desire ng kalalakihan sa pakikipagtalik ay minsang nauuwi sa addictive character.
Kaya naman sila ang mas may gana palagi. Ibig sabihin, malaking factor ang kababaihan kung bakit nagiging bihira na ang pagtatalik ng mag-partner.
Hindi mababaw ang usapin pagtatalik ng mag-asawa
Ang ganitong problema ay hindi mababaw na usapin. Bagkus maaari itong maging dahilan ng malaking problema sa relasyon. Mapapaisip ang mag-asawa kung masaya pa nga ba sila.
Dahil kung aalalahanin nila noong mga unang taon ay pareho silang sabik sa pakikipagtalik kung minsan ay babae pa nga ang mas madalas na mag-aya.
Larawan mula sa Shutterstock
Darating na rin sa panahon na maiisip ng babae na magalit sa mister niya sa tuwing nag-aaya ito dahil palagi itong wala sa mood. Dito na papasok ang ideya na unfair ang asawa dahil nag-aaya pa rin kahit na wala sa mood ang babae.
Kalaunan ay mare-realize ng babae ang pagbabago sa kanilang sex at marriage life dahil sa kawalan niya ng sexual drive. Ito ay mga unexpected problems na mararanasan ng magkarelasyon.
Mararamdaman ng mag-asawa na ang quality ng kanilang pagsasama ay pababa na kahit pa ayos naman ang ibang factors ng relasyon. Malilito pa ang magkarelasyon na hindi na sila kontento sa isa’t isa dahil dito.
Maaaring magkaroon ng koneksyon ito sa “happiness” ng kanilang pagsasama. Makararamdam ang bawat isa na tila hindi na nila gusto ang relasyon na ito at parehong sisisihin ang mga sarili sa kanilang mga pagkukulang.
Dito na pumapasok ang dahan-dahang pagkawala ng satisfaction sa relasyon dahil wala nang sexual desire sa parte ng babae.
Itinuturing ni Dr. Baumeister na seryosong usapin ito. Ayon sa kaniya,
“Psychology could strengthen marriages if it could help people realize that this is a common pattern. Rather than being a sign that the marriage has problems, they might see it as a standard problem that they can solve as a couple.”
Larawan mula sa Shutterstock
Dapat umano malaman ng magkarelasyon na isang common naman na problema ito sa mga magkasintahan. Hindi nangangahulugang palpak o hindi na gumagana pa ang relasyon nila.
Mahalagang makonsidera ang opinyon ng mga propesyunal ukol dito. Makatutulong ang mga ilang therapies sa mag-asawa upang pag-usapan kung paano ba muling manunumbalik ang gana sa kanilang sex life.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!