X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

11 rason kung bakit walang gana na makipagtalik ang mga babae

6 min read
11 rason kung bakit walang gana na makipagtalik ang mga babae11 rason kung bakit walang gana na makipagtalik ang mga babae

Huwag mag-alala, mayroong maaring gawin para manumbalik ang iyong sigla at gana sa sex. Ayon sa isang doktor, may numero uno kang dapat at mahalagang gawin!

Narito ang mga posibleng dahilan kung bakit walang hilig sa sex ang babae at ang mga maaring gawin para ganahan siyang muli.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga dahilan kung bakit walang hilig sa sex ang babae.
  • Mga maaring gawin para bumalik ang gana ng isang babae sa pakikipagtalik.

Dahilan kung bakit walang hilig sa sex ang babae

Hindi pare-pareho ang behavior ng mga babae pagdating sa pagtatalik. May ibang very active at laging palaban na gawin ito. Habang may iba naman na walang kagana-gana at interes na gawin ito.

Sa katunayan, base sa isang pag-aaral, 1 out 3 sa mga babaeng edad 18 to 56 years old ang nakakaranas ng low sex drive. May iilang itinuturing itong problema lalo na kung sila ay may karelasyon na very active pagdating sa usaping sex.

Ayon pa rin sa mga eksperto, iba-iba ang depinisyon ng low sex drive para sa mga babae. Pero madalas ito ay nagpapakita ng mga sumusunod na sintomas.

  • Walang interes sa kahit anong uri ng sexual activity kabilang na ang masturbation.
  • Hindi o bibihira na nagkakaroon ng sexual fantasies o thoughts
  • Nagiging concerned o nababahala na sa kawalan ng sexual activity o fantasies.

Maraming posibleng dahilan o paliwanag o kung bakit walang hilig sa sex ang babae. Madalas ang mga ito ay ang sumusunod, ayon sa integrative medicine specialist at book author na si Dr. Deb Matthew.

walang hilig sa sex ang babae

People photo created by jcomp - www.freepik.com 

1. Stress

Ang unang dahilan kung bakit walang hilig sa sex ang babae ay ang stress. Kapag palaging stress ang isang babae ay mataas ang level ng cortisol o main stress hormone sa kaniyang katawan.

Ito ay nagdudulot ng labis na pagkabahala o fight-or-flight response sa katawan. Nakakaapekto ito sa sexual arousal, dahil para maging arouse ang isang babae ay kailangang maging kalmado o relax ang katawan niya.

2. Fatigue

Ang labis na pagod na nararamdaman ng isang babae ay maari ring makaapekto sa gana niyang makipagtalik. Kaya naman mahalaga na makakuha ng sapat na pahinga at tulog ang isang babae para maka-relax ang katawan niya at ganahan na siyang makipagtalik na.

3. Medications

Ang pag-inom ng birth control pills, anti-depressants, gamot sa high blood pressure at anti-histamines ay maaaring magdulot ng vaginal dryness sa mga babae at kawalan niya ng gana sa pagtatalik.

4. Depression

Ang depression ay isa pang dahilan ng kawalan ng hilig sa sex ng isang babae. Lalo na kung dadagdagan pa ito ng pag-inom niya ng mga anti-depressants.

Kung nakakaranas ng sintomas ng depression tulad ng hirap sa pagtulog, walang gana sa pagkain, at pagkaramdam na labis na kalungkutan ay mabuting magpatingin na sa isang espesyalista upang ito ay malunasan na.

walang hilig sa sex ang babae

Woman photo created by jcomp - www.freepik.com 

5. Hormonal problems

Ang problema sa hormones ay isa pang dahilan kung bakit walang hilig sa sex ang babae. Partikular na ang mababang testosterone level sa kaniyang katawan na nagdudulot ng increase blood flow na mahalaga sa sexual arousal at vaginal lubrication.

Ang mga babaeng gumagamit ng birth control pills ay madalas na nakakaranas ng mababang testosterone level. Ito ang dahilan kung bakit sila'y nawawalan din ng gana sa pakikipagtalik.

Maliban dito, ang problema sa hormones ay maaari ring maranasan ng babaeng pa-menopause na o kaya naman ay may kondisyon na tinatawag hypothyroidism na nakakaapekto rin sa kaniyang sex drive.

BASAHIN:

Magkaiba ba ang hilig ninyo ni mister pagdating sa sex? Hindi ito dapat maging problema!

Bakit nangangaliwa ang isang tao – Hindi laging sex ang dahilan!

Mga dapat pag-usapan ng mag-asawa tungkol sa pagtatalik

Ang iba pang posibleng dahilan ng kawalang gana o hilig sa sex ng babae ay ang sumusunod ayon naman sa Mayo Clinic.

6. Surgery

Ang pagsailalim sa surgery sa suso o sa ari ay maaring makaapekto sa body image at sexual desire ng isang babae. Ito ay maaaring dahil sa ikinahihiya niya ang mga sugat na dulot ng surgery o dahil natatakot siya na maaring maapektuhan ng pagtatalik ang mga tahi o sugat niya.

7. Lifestyle habits

Ang lifestyle habits tulad ng labis na pag-inom ng alak, paninigarilyo o paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nakakaapekto rin sa social desire ng isang babae. Dahil sa nakakaapekto ito sa blood flow na mahalaga sa pagiging sexually arouse niya.

8. Buntis o nagpapasuso

Dahil pa rin sa hormonal changes maari rin mawalan ng hilig sa sex ang babaeng buntis o nagpapasuso.

9. Relationship issues

Ang mga relationship issues tulad ng kawalan ng connection sa asawa, trust issues at hindi na-solusyonang away o hindi pagkakaintindihan ay maaaring magdulot rin ng kawalang gana sa pakikipagtalik ng isang babae. Dahil pinangingibabawan ng negatibong nararamdaman niya ang sexual desire niya.

10. Self-esteem

Kung nag-aalinlangan rin ang babae sa kaniyang body image ay maaring maapektuhan rin ang sex drive niya. Dahil sa nawawalan siya ng self-esteem at confidence ay iniisip na nakakahiya ang katawan niya at hindi na siya kaakit-akit. walang hilig sa sex ang babae Woman photo created by freepik - www.freepik.com 

11. Negative sexual experience

Ang pagiging biktima ng sexual abuse o negative na sexual experience ay maari ring maging dahilan kung bakit walang hilig sa sex ang babae. Dahil ang paggawa nito ay nagpapaalala ng kaniyang karanasan at nagdudulot ng pag-alala o worry sa kaniyang katawan.

Ano ang maaaring gawin?

Upang malunasan o mag-improve ang sexual desire ng isang babae ay mahalaga na matukoy ang ugat o dahilan nito. Pero ipinapayo ni Dr. Matthew, na ang numero uno na dapat gawin ng isang babae ay ang matulog ng maayos at iwasan ang ma-stress. Makakatulong din ang deep breathing exercises, meditation at iba pang relaxing exercises para mabawasan ang nararanasang stress ng isang babae at ganahan siya sa pagtatalik. Para naman makakuha ng maayos na tulog ay makakatulong ang pag-babawas ng caffeine pati na ang pagtulog ng maaga. Kung ang kawalan ng hilig sa sex ay dulot naman ng gamot o medication na iniinom ng babae ay makakatulong ang pakikipag-usap sa iyong doktor. Ito ay upang mai-adjust ang dosage ng gamot na iyong iniinom. Kung nag-premenopausal na, ay may gamot na maaring ireseta ang doktor na makakatulong para maibalik ang sexual desire ng isang babae. May tinatawag namang hormone replacement therapy o HRT para sa mga babaeng nakakaranas ng hormonal problems. Mayroon ring laser treatments para sa vaginal rejuvenation. Higit sa lahat, makakatulong rin ang pakikipag-usap sa isang espesyalista sa sex para magabayan ka at manumbalik muli ang iyong gana sa pakikipagtalik.  

Source:

Psychology Today, Mayo Clinic

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Partner Stories
#AmbagKo Urges More Youth to Register for the 2022 National Elections
#AmbagKo Urges More Youth to Register for the 2022 National Elections
One mom shares her story about induced labor April 2021
One mom shares her story about induced labor April 2021
Bianca hosts new parenting online show 'TALKED' on Knowledge Channel
Bianca hosts new parenting online show 'TALKED' on Knowledge Channel
Photobook spreads joy with giveaway of 1,000,000 photo books
Photobook spreads joy with giveaway of 1,000,000 photo books

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • 11 rason kung bakit walang gana na makipagtalik ang mga babae
Share:
  • 12 na benepisyo ng pagtatalik habang buntis

    12 na benepisyo ng pagtatalik habang buntis

  • REAL STORIES: "Husband ko ngayon, na-ghost kong chatmate pala 8 years ago."

    REAL STORIES: "Husband ko ngayon, na-ghost kong chatmate pala 8 years ago."

  • Para sa mga daddies: Iwasan uminom ng alak kapag buntis si misis

    Para sa mga daddies: Iwasan uminom ng alak kapag buntis si misis

app info
get app banner
  • 12 na benepisyo ng pagtatalik habang buntis

    12 na benepisyo ng pagtatalik habang buntis

  • REAL STORIES: "Husband ko ngayon, na-ghost kong chatmate pala 8 years ago."

    REAL STORIES: "Husband ko ngayon, na-ghost kong chatmate pala 8 years ago."

  • Para sa mga daddies: Iwasan uminom ng alak kapag buntis si misis

    Para sa mga daddies: Iwasan uminom ng alak kapag buntis si misis

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.