Minsan ba ay pinagpantasyahan mo ang pagtatalik sa loob ng kotse? Alam mo na ba na madami na din ang gumagawa nito?
Sa isang pag-aaral na ginawa sa mga taxi driver sa America, 85% sa kanila ay nagawa na ito.
Subalit, ang pagtatalik sa loob ng kotse ay hindi ganoon kadali tulad ng ipinapakita sa mga pelikula sa Hollywood—lalo na kung ang sasakyan ay hindi SUV. Ang maliit na espasyo ay maaaring maging isang challenge.
Ayon din sa nasabing pag-aaral, kung gusto mong subukan na makipagtalik sa loob ng kotse, ito ang ilang bagay na dapat isaalang-alang.
Tips sa pagtatalik sa loob ng kotse
1. Gawin ito sa SUV
via GIPHY
Sa scale na 1 hanggang 5, ang pagtatalik sa SUV ay nakakuha ng 3.4/5 na satisfaction rating.
Kahit na ang SUV ang may pinakamataas na satisfaction rating, ang sedan pa din ang may pinakamataas na bilang sa mga kotse na madalas gamitin sa pagtatalik. 66% ng mga kalahok ay nagsabi na nagawa nila ang bagay na ito sa isang sedan.
2. Ang cowgirl na posisyon ang pinaka-satisfying
via GIPHY
Bagama’t madaming sex positions ang puwedeng subukan sa loob ng kotse, ang cowgirl ang pa din ang posisyon na pinakapinipili ng madami.
Ang pangalawang paboritong posisyon ay doggy style, na sinundan ng sitting cowgirl, reverse cowgirl at missionary.
3. Ang back bench pa din ang pinaka-paboritong puwesto
via GIPHY
Ang back bench pa din ang pinakapaboritong puwesto ng mga nagtatalik sa loob ng kotse. Kasunod nito ay ang passenger seat at driver’s seat.
Kung gagawin mo ito sa isang tahimik na lugar at handa kang gawin ito sa labas ng kotse, maaari mong subukan sa hood o bubong.
4. Pumili ng magandang lokasyon
via GIPHY
Isa sa challenge nang pagtatalik sa kotse ay ang paghahanap ng lugar. Isa sa mga sikat na lokasyon ay ang parking lot.
Ang susunod na paboritong lokasyon ay ang gilid ng kalsada, at ang mga kalye na may magagandang tanawin. Samantala, ang pinaka-unpopular na lokasyon ay ang garahe.
Pero ang pinakamahalaga sa lahat, pumili ng lugar na hindi kayo mahuhuli ng pulis.
5. Planuhin ito nang mabuti
Kung interesado talaga kayo na gawin ito, siguraduhin na planuhin ito ng mabuti. Maghanap ng lugar na wala masyadong tao at gumamit ng malaking sasakyan.
Nakakakaba na gawin ito dahil any time ay maaaring may makakita sa inyo—ngunit karamihan ng mga couples na ginagawa ito ay ‘yon ang pangunahing dahilan kung bakit nila ito ginagawa. Para sa kanila, nakaka-excite ang thought na anytime ay puwedeng mahuli.
Ano sa tingin niyo? May balak ba kayong subukan ito?
Source: Bustle
Isinalin sa Filipino ni Fei Ocampo mula sa The Asian Parent Indonesia
Basahin: 10 tips sa pagtatalik para sa mga babae, mula sa mga lalaki
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!