6 tips para sa pagtuturo sa anak sa bahay

Nahihirapan ka bang turuan ang iyong anak ngayong panahon ng online learning? Alamin ang mga tips ng tamang pagtuturo sa bahay mula sa isang guro.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nahihirapan ka bang turuan ang iyong anak? Alamin ang mga tips sa pagtuturo sa bahay mula kay Mommy-Teacher Kat.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Karanasan ng isang guro sa pagtuturo sa mga estudyante at sa kaniyang sariling anak
  • Paano ba dapat paghandaan ang pagtuturo sa bahay?
  • Paano mo matutulungang matuto ang iyong anak?

“Teacher, ikaw na bahala. Hindi ko na maalala ‘yang topic na ‘yan.”  

“Hindi siya nakikinig sakin, teacher.” 

“Nag-aaway lang kami ‘pag tinuturuan ko.” 

Pamilyar ba sa inyo ang mga linyang ‘yan?

Sa sampung taon na pagtuturo ko, madalas kong naririnig ang mga iyan; sa classroom (bilang pormal na guro sa paaralan) at sa bahay (bilang tutor) ng mga bata. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa author

Ang katotohanan mula sa isang guro

Malaki ang pasasalamat ng mga gurong tulad ko sa tiwalang ibinibigay sa amin ng mga magulang, pero bilang magulang, kailangan din nating bigyan ng effort ang pagtuturo sa ating mga anak. 

Oo, maituturing na eksperto sa pagtuturo ang mga guro, ngunit hindi sa lahat ng asignatura at lalong hindi sa lahat ng antas. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi na rin namin saulo ang lahat ng formula sa Math o ang mga uri ng ulap. Lalong hindi namin alam ang sagot sa lahat ng mga tanong. 

Inaaral din namin ang mga paksang itinuturo sa aming mga mag-aaral upang maipaintindi ito sa kanila sa pinakamabisang paraan. 

Ganun rin dapat tayong mga magulang. Kung nais nating turuan ang mga anak natin, aralin natin ang mga paksa nila at isipin ang mabisang pagtuturo nito.

Abala ka man o maraming mailalaan na oras sa pagtuturo sa bahay, may mga estratehiya na maaaaring subukan upang mapadali at mapahusay ang pagtuturo sa anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano paghahandaan ang pagtuturo sa bahay?

Narito ang ilang mga tips sa pag-aaral kasama ang mga anak. 

Paghandaan ang paksa

Ano man ang grade level ng iyong anak, siguraduhing handa ka para turuan siya. Suriin ang paksa. Naaalala at naiintindihan mo pa ba ito?

Naaalala ko noong naging substitute teacher ako ng Math sa Grade 6. Geometry ang paksa, inatake ako ng Math anxiety. Limot na limot ko na ang triangles, polygons, at quadritaterals, ngunit napaghandaan ko ang pagtuturo nito sa pamamagitan ng pagsaliksik (Salamat, Google!).

Bagama’t may answer key ang mga seatwork, sinubukan ko pa ring gawin ang mga pagsasanay upang higit na maunawaan ang paksa at matukoy kung paano sagutin ang mga posibleng tanong ng mga mag-aaral.

Mainam na paraan ng paghahanda ang pagsasaliksik. Basahin ang aklat ng iyong anak. Madalas, kumpleto ang nilalaman nito ukol sa paksang inyong pag-aaralan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailangang paghandaan ang pagtuturo sa iyong anak | Larawan mula sa Freepik

Gumamit ng mga makakatulong na materyal

Alamin ang mga kailangan mo para maituro ang paksa at paano masusukat ang pagkatuto niya pagkatapos ninyo siyang turuan. Gumamit ng iba’t ibang teaching aids upang maging kawili-wili ang pag-aaral. Maaaring whiteboard, makukulay na papel, flash cards, popsicle sticks, at mga video sa YouTube na may kinalaman sa paksa.

Maaaring makatulong ang https://depedtambayan.org/ kung saan pwedeng mag-download ng mga kagamitang panturo tulad ng mga activity sheets, Powerpoint presentation, reading materials at workbook.Libre ang mga ito at mayroon para sa lahat ng antas (K-12).

Nasilip at nagamit ko na ang ilan sa mga Powerpoint at reading worksheet para sa unang baitang at nagustuhan ko ang mga ito dahil sa komprehensibong nilalaman nito. Hindi rin kinapos sa mga larawan at malinaw ang presentasyon. 

Alamin ang kakayahan ng anak

Hindi dahil madali ang paksa para sa iyo ay madali rin ito sa anak mo. Mahalagang alamin at unawain kung ano ang kaalaman (o kakulangan sa kaalaman) ng anak upang maisasagawa ang pagtuturo base sa kakayahan nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong paraan, walang maiinis sa inyo. Hindi ka iiyakan ng anak mo at ikaw naman, hindi magbibitiw ng sikat (at nakakasakit) na linyang: “Ang dali-dali, hindi mo makuha!”

BASAHIN:

Ano nga ba ang pinagkaiba ng Homeschooling sa Distance learning?

DepEd Commons: Libreng online learning portal para sa mga bata

Parents’ Guide: Tips sa pag-intindi at pagturo ng learning modules sa mga bata

Paano matutulungang matuto ang iyong anak?

Huwag madaliin ang pagtuturo. Hindi epektibo kung pasasagutan ninyo agad sa iyong anak ang mga assignment, o tatanungin siya ng mga detalye.

Sa pormal na paaralan, iba-iba man ang itinuturo ng guro, iisa ang lang proseso na nasa lesson plan, at may tatlong bahaging hindi maaaring mawala rito. Ito ay ang presentation, practice at evaluation. Personal ko itong tinatawag na 3M: Magturo – Magsanay- Magsagot

  • Magturo

Ituro ang paksa. Mas interactive, mas maganda para hindi mawala ang gana at focus ng bata.

Gamitin ang mga bagay na kinawiwilihan ng anak – kumanta, sumayaw, o maglaro kayo. Isang kagandahan ng pagtuturo sa sariling anak ay kilalang-kilala mo siya, alam mo ang mga gusto niya at maaari kang bumuo ng mga gawain na naaayon sa hilig at interes niya.

Maglaan ng sapat na oras para rito – maikling oras kung kuhang-kuha ang paksa, mas mahabang oras kung hirap sa pag-unawa.

Larawan mula sa author

  • Magsanay

Magbigay ng mga gawain na kasama ka sa pagsagot (guided practice) upang makita ninyo kung may mga kailangan pang klaruhin o balikan na mga paksa.

Maaaring gawin ito sa iba’t ibang paraan – sa pamamagitan ng laro tulad ng quiz bee, ipakwento o ipabuod ang natutunan, o magpaguhit.

Ang mahalaga, malaman mo kung naintindihan ang paksa. Iwasang gamitin ang parehong tanong sa ibibigay na pagsasanay.

  • Magsagot 

Pagkatapos ng practice, kung siguradong natutunan na ng anak mo ang paksa, bigyan mo na siya ng pagsasanay o pasagutan ang worksheet o takdang aralin.

Maraming mga pagsasanay ang maaari nang idownload mula sa internet, maging matiyaga lang sa pagsuri ng naaayon sa inyong paksa.

Kung marami kayong oras, maaaring bigyan siya ng “pen-and-paper test” na ginawa ninyo nang maaga. Para sa mga technology savvy na mga magulang at anak, nariyan ang Google Form at mga online quiz maker tulad ng Quizizz at Typeform.

Pwede rin namang tanungin lang at ipasulat ang sagot. Siguraduhing markahan ang papel kasama ang anak upang mabalikan ang mga mali niya. Kung wala naman, tapusin na ang inyong session sa pamamagitan ng mabilisang verbal na pagbuod ng inaral.

Paano ba magiging teacher si Mommy?

Simula nang ako ay naging magulang, ako rin lang ang nagtuturo ng mga kasanayan ng aking anak at aminado akong hindi ito madali.

Sa kaniyang edad (mag-3-taong gulang sa Hunyo), naghahanda parin ako, inoobserbahan ang kanyang kakayahan, at sinusundan ang proseso ng 3M.

Malayo pa ang kakayahan niya sa pagsagot ng mga worksheets, subalit naipapakita niya ang kanyang pagkatuto sa iba’t-ibang paraan at kadalasan, madali siyang nakasusunod.

“Teacher ka kasi kaya alam mo magturo.” ang palaging sinasabi sa akin. Ngunit para sa akin, lahat tayo ay maaaring maging guro ng ating mga anak: sa tulong ng mga tamang paraan, maraming pasensya at pagkamalikhain. 

Kung ikaw ang magulang na kaagapay ng anak sa kaniyang online distance learning, o isang homeschooling parent, mahalagang maging kawili-wili ang oras ng pag-aaral nila kasama tayong mga magulang nila.

Hindi lamang upang mas maging mabisa ang kanilang pagkatuto, ngunit para matulungan nating maitatag ang positibo at pangmatagalang study habits ng ating mga anak.

Larawan mula sa author

TUNGKOL SA AUTHOR:

Si Kat Gines ay isang early childhood teacher turned stay-at-home mom sa kaniyang napakabibong 2-taong gulang na anak. Minsan ay nagtatrabaho rin siya bilang storyteller para sa isang publishing company ng mga librong pambata.  Kapag hindi siya busy sa pakikipaghabulan kay Amelia, humahanap siya ng mga pagkakataon para ma-incorporate ang Montessori at play-based approach sa kaniyang pagtuturo sa bahay. Tingnan ang kanilang play-based activities sa Instagram.

Sinulat ni

VIP Parent