VIRAL: Painting ni Richard Gomez ng ari ng lalaki, nagkakahalaga ng P196,000

VIRAL: Painting ni Richard Gomez ng ari ng lalaki, nagkakahalaga ng P196,000

Alamin ang kuwento patungkol sa viral post ng isang netizen patungkol sa painting ni Richard Gomez at paano nga ba nahiligan ni Richard ang pagpipinta.

Usap-usapan nga ngayon at nag-viral na rin ang painting ni Richard Gomez na may dilaw at itim na pinta sa unveiling ng mga public exhibit sa Taguig.

Viral painting

Sa isang post ng isang netizen na nagngangalang Jayvee Araneta, ang Ormoc City Mayor at aktor na si Richard Gomez ay mistulang nagpapa-picture kasama ang kaniyang mga paintings.

At ang pumukaw sa mga netizen ay ang painting ni Richard na may dilaw at itim na pinta at ang dilaw na pinta nito ang mistulang ari ng isang lalaki.

Ani pa ni Jayvee sa kaniyang viral post, "Hello mga Artist kong friends, kuha lang kayo malamig na beer jan sa ref, sisig pulutan tapos upo kayo sa tabi ko pagusapan natin gawa ni Richard Gomez sa Manila art 2019."

Mayroon na nga itong 36K reactions, 12K comments, at 29K shares.

Ang painting ni Richard Gomez na ito ay pinangalanan niyang "OOOOHH" at nagkakahalaga di-umano ito ng Php196,000.

Bahagi ng ManilArt exhibition ngayong taon ang painting ni Richard at maaari niyong makita ang painting hanggang ika-13 ng Oktubre, Linggo, sa SMX Convention Center sa SM Aura Premier sa Taguig.

Hilig sa pagpinta

Si Ian Veneracion nga di-umano ang nag-impluwensiya sa aktor na si Richard Gomez magpinta at ito nga ay naging hobby na niya simula no'n.

Halos nga di-umano ng artwork ni Richard ay ginawa niya sa sahig, sa isang kuwarto sa likod ng kanilang bahay, o di kaya naman sa garahe kapag nasa Ormoc ito.

May ilang posts na rin ang asawa ni Richard na si Lucy Torres-Gomez sa Instagram account nito ng mga ilang artworks ng asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lucy Torres Gomez (@lucytgomez) on

 

View this post on Instagram

 

Thank you my love.❤️ @richardgomezinstagram

A post shared by Lucy Torres Gomez (@lucytgomez) on

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lucy Torres Gomez (@lucytgomez) on

Nagkaroon na rin si Richard Gomez ng isang solo exhibit noong taong 2017 at nag-post nga rin si Lucy sa kaniyang Instagram account tungkol dito.

Ipinahayag ni Lucy kung gaano siya ka-proud sa asawang si Richard, "Congratulations, my love, on your first solo exhibit❤️ Endlessly proud of you and all that you do."

Dagdag pa ni Lucy, "The gathering at the beautiful Pinto Museum in Antipolo was nice and easy in the company of family and friends, and true to the spirit of Christmas the December night was filled with lots of warmth and good cheer."

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lucy Torres Gomez (@lucytgomez) on

Sadyang hindi hadlang ang edad para magkaroon ng bagong hobby ang isang tao tulad na nga lamang ng Ormoc City Mayor at aktor na si Richard Gomez na hindi lamang mayor at aktor, kundi pintor na rin kung tatawagin.

Source: PhilStar Global

Basahin: LOOK: Gumawa ng gown si Paolo Ballesteros para sa kanyang anak

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner