4 na bagay na dapat tandaan kapag kinakausap ang bata tungkol sa kaniyang pagkakamali

Natural sa bata ang magkamali. Alamin ang 4 na dapat tandaan kung paano ang pakikipag-usap sa bata kapag sila ay nagkakamali.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Natural sa mga bata ang magkamali, ito ay bahagi ng kanilang paglaki at natututo sila dito. Ganunpaman, malaking bagay sa kanila kung paano ang magiging reaksyon ng mga magulang.

Kahit pa nagagalit, mahalagang mapanatili ang pagbibigay ng positive reinforcements. Alamin ang 4 na dapat tandaan sa pakikipag-usap sa bata kapag sila ay nagkamali.

Paano ba ang tamang paraan ng pakikipag-usap sa bata?

Kasama mo ang iyong anak sa tindahan. Sa inyong pag-iikot, kaniyang natabig ang mga paninda at nahulog ito sa mga shelves.

Kapag ang isang bata ay nagkamali at alam niya ito, ang kanyang unang titignan ay ang kanyang magulang. Kadalasan, hindi pa nila alam kung paano ang tamang magiging reaksyon dito.

Makakabuting ipakita sa kanila na ikaw ay kalmado at hindi natataranta o nagagalit. Sa ganitong paraan, ito rin ang kanilang magiging reaksyon sa kanilang mga magiging pagkakamali sa kanilang paglaki.

Huminga ka ng malalim at isipin kung ano talaga ang mahalaga. Mas mahalaga ba ang kumalat na mga paninda o ang kumpiyansa sa sarili ng iyong anak?

Maging kalmado at mahinahon at gamitin ang panahon na ito para turuan ang iyong anak na maging responsable sa kanyang magagawang kalat.

Kung siya ay nao-overwhelm at hindi tingin niya ay hindi niya ito kayanin, maaari mo siyang tulungan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Kilalanin ang kanyang mga emosyon

Ang iyong anak ay nagagalit sa kanyang kapatid dahil gusto niya rin maglaro ng Xbox. Sa kanyang pagka-inis, nagawa niyang magdabog at nakasira siya ng gamit sa bahay.

Imbes na sigawan siya at pagalitan dahil nakasira siya dahil hindi siya makapaglaro, kilalanin ang kanyang emosyon.

Maaaring para sa iyo ay maliit na bagay lamang ito ngunit para sa kanya ay malaking bahagi ito ng kanyang mundo. Ang mga emosyon ng mga bata, trivial man para sa mga magulang, ay hindi dapat balewalain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pakinggan ang iyong anak. Ang iyong pakikinig at positive reinforcement ay tulad ng konsiderasyon na nais mong matanggap kapag may pinoproblema ka.

Minsan ay maaaring kailanganin na hayaan munang humupa ang mga emosyon bago mo siya kausapin. Maaaring kailanganin niya lang muna ng iyong kalmadong yakap bago niya masabi ang nilalaman ng kanyang damdamin.

Tulungan siyang matuto sa mga nangyari

Larawan mula sa Shutterstock

Ang iyong anak ay natataranta na sa paghahanap ng kanyang assignment na ginawa nung nakaraang gabi. Inaantay na siya ng kanyang schoolbus at malapit na siyang iwan nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Upang hindi maiwan ng schoolbus, itinigil niya na ang paghahanap sa kanyang assignment. Sa kanyang pag-uwi, maging mahinahon sa pag-uusap tungkol sa mga nangyari nuong umaga.

Matapos maging mahinahon at kilalanin ang kanyang nararamdaman, tulungan siyang makita ang maaaring matutunan dito.

Maaaring bigyang pansin ang kanyang kakayahan sa paggawa ng kanyang assignment. Purihin siya sa pagharap sa kanyang responsibilidad na kahit wala siyang dalang assignment ay pumasok parin siya sa paaralan.

Pag-usapan kung ano ang mga maaari niyang gawin sa susunod upang hindi ito maulit muli. Tanggapin na may mga pagdadaanan siyang karanasan kung saan matututo siya ng aral na kanyang dadalhin sa kanyang paglaki.

Ipakita ang simpatiya

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Ang iyong anak ay malungkot dahil natalo ang kanilang soccer team sa tournament. Imbes na baliwalain ang kaniyang nararamdaman, kilalanin ang emosyon at iparating ang iyong simpatiya.

Huwag siyang sisihin sa kanyang nararamdaman at tignan ang sitwasyon mula sa kanyang mga mata. Mula dito ay sabihan siya na iyong naiintindihan ang kanyang nararamdaman.

“Alam ko na nalulungkot ka dahil hindi ang inaaasahan mo ang kinalabasan ng inyong laro. Nandito lang ako at handang makinig.” Hayaan siyang magalit, malungkot at mailabas ang kanyang nararamdaman.

Magandang paraan ito para matutunan niyang kontrolin ang iba’t ibang emosyon niya. Matapos ay turuan siyang makita ang magandang bagay sa pangyayari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mga panahon na maaaring hindi mo mapigilan at ikaw ay mabigla. Maaaring hindi sinasadya ay masigawan mo ang iyong anak sa kanyang pagkakamali sa halip na manatiling kalmado.

Sa ganitong pangyayari, kailangan lamang humingi ng tawad sa iyong anak. Hindi ito nakakasira sa iyong pagiging magulang, sa halip ay matututunan ng iyong anak mula sa iyong ehemplo na malaking bagay ang paghingi ng tawad.