Napag-alaman ng isang bagong pag-aaral na nakakatulong raw ang pakikipagsex ng mag-asawa pagdating sa trabaho. Ito ay dahil mas nagiging productive raw ang mga taong kamakailan lang ay nakipagsex sa kanilang asawa kumpara sa mga hindi nakikipagsex.
Pakikipagsex ng mag-asawa, nakakatulong sa trabaho
Isinagawa ng mga researchers ang pag-aaral sa 159 katao na lahat ay mag-asawa, at nagbigay sila ng survey para sa sexual satisfaction nila.
Dito napag-alaman na nakakatulong ang sex pagdating sa job satisfaction at engagement. Nagulat rin sila nang malaman na walang epekto ang quality ng sex dito. Kahit raw ay hindi gaanong nasasarapan sa sex ang isang tao, nakakatulong talaga ito sa productivity.
Ngunit nalaman din ng mga researchers na may epekto ang trabaho sa pakikipagsex ng mga mag-asawa. Ito ay dahil kapag hindi maganda ang araw sa trabaho ng isang tao, mas hindi sila makikipagsex sa kanilang asawa. Ibig sabihin, kung hindi satisfied at masaya sa trabaho ang isang tao, naaapektuhan nito pati na ang kanilang sex life.
Ayon sa mga researchers, “employees who seek advancement within their organisations or who rely upon their own work engagement to generate income (such as self-employed persons or those doing contract work) should be especially mindful of tending to their sex lives.”
Pero may mahalaga rin itong leksyon sa mga employers at mga boss. Kapag masyadong overworked ang isang tao ay mas mababa ang productivity niya, pati ang sex life. Ibig sabihin, dumodoble ang impact nito sa kaniyang trabaho. Kaya’t mabuting hindi i-overwork ng mga boss ang kanilang tauhan, upang sila ay maging mas productive.
Bakit importante ang sex sa mga mag-asawa?
Ang love at sex ay parang mga ugat na nagtataguyod sa isang samahan. Kailangan ay palaging may bago at kapanapanabik na gagawin para sa isa’t isa, para palaging excited na magkita at magsama. Lalo pa kung matagal na kayong mag-asawa, o dekada na ang binibilang, iba na ang pagtingin at pagtanggap ng bawat isa sa pagtatalik. Dapat ay nag-iisip na ng mga “tricks” nang tinatawag, para nga hindi magkasawaan.
Huwag na huwag mawawalan ng pag-asa, kung nakakaramdam na ng panlulumo sa asawa at sa pagtatalik. Ang bawat mag-asawa ay may tinatawag na “sexual repertoire” o sexual habits at attitudes, o ugali sa kuwarto at kama. Kaya importanteng alamin ng mga mag-asawa kung anu-ano ang mga magagawa nila para mapaligaya ang isa’t-isa.
Heto ang ilang tips:
- Mag-quicky, kahit paminsan-minsan.
- Subukan ang role-play.
- Magbalik-alaala.
- Sex pagkatapos ng away.
- Weekend Sex.
- Magbalik-romantiko.
- Mag-usap, at pag-usapan ang gusto at hindi gusto, at ang “hinahanangad” o desires.
- Maging creative.
- Mag-relax, at mag-exercise.
Source: The Age
Basahin: 7 sex positions na makakapagpaligaya kay misis