Pamamanhid ng kamay ng buntis: Dapat bang ikabahala?

Bakit nga ba nangyayari ang pamamanhid ng kamay ng buntis? Dapat ba itong ikabahala at ano ang puwedeng lunas dito?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag buntis ka, ang daming bagay na ikinaiinis at ikinababahala mo. Minsan pa ay nakakahadlang sa araw-araw na gawain. Isa na dito ang pamamanhid ng kamay ng buntis.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pamamanhid ng kamay ng buntis
  • Carpal Tunnel Syndrome o CTS
  • Paano maiiwasan ang pamamaga at pamamanhid ng kamay ng buntis?

May mga umaangal ng pamamanhid ng kamay ng buntis, lalo sa gabi o pagkagising sa umaga. May mga nagsasabing pati ang paa, braso at binti ay namamanhid din. Ano nga ba ang sanhi nito? Dapat bang ikabahala ito?

May mga pasyenteng umaangal ng pamamanhid o di kaya ay pangangalay ng kamay. Karaniwan daw itong daing ng mga buntis, bagamat hindi karamihan ang bilang. Madalas daw ay sa umaga ito nararamdaman, pagkagising, at may iba namang nakakaramdam sa gabi.

Bakit may pamamanhid ng kamay ng buntis?

Paliwanag ni Christine Mesina, RN, ang pamamanhid ay sanhi ng pamamaga na umiipit sa mga nerves sa may pulso o galanggalangan, kaya’t mahina ang sirkulasyon ng dugo. Karaniwan naman ay walang dapat ikabahala dahil nawawala din ito.

Ngunit posible din kasi na sintomas ito ng ilang mas malalang kondisyon tulad ng anemia at carpal tunnel syndrome. Paano malalaman ang pagkakaiba ng dahilan ng pamamanhid ng kamay ng buntis?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pamamanhid ng kamay ng buntis | Image from Freepik

Kung ito ay panandaliang pamamanhid, at parang nakukuryente (o yung tinatawag na pins and needles dahil para kang tinutusok ng sanlibong karayom), ito ay hindi dapat ikabahala.

Ikonsulta kaagad sa doktor kung pakiramdam mo ay madalas itong nangyayari, at matagal at hindi matiis ang sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Carpal Tunnel Syndrome o CTS

Kapag ang pakiramdam ay ngalay at masakit ang bandang pulso, posibleng carpal tunnel syndrome (CTS) ito. Madalas itong nararamdaman ng mga nagbubuntis dahil naiipon ang fluid (oedema) sa tissue ng pulso o galanggalangan sa “carpal tunnel.”

Ang “carpal tunnel”  o “carpal canal” ay ang makitid na daanan, na binubuo ng maliliit na “carpal” bones at ligaments. Ang nerve na tumatakbo sa braso, pulso, at kamay, na nagdadala ng pakiramdam sa mga daliri, ay dumadaan sa “carpal tunnel.”

Habang ang mga muscles na nagkokontrol sa siyam na tendons at hinlalaki ay dumadaan din sa carpal tunnel. Kapag may pamamaga, o may pressure sa nerve at tissue sa makitid na daanan na ito, namamanhid, nangangalay at sumasakit ang kamay at mga daliri pati galanggalangan. Ito ang CTS.

BASAHIN:

Normal lang ba ang pananakit ng singit kapag buntis?

#AskDok: Masama ba ang matagal na pagtayo at pag-upo ng isang buntis?

#AskDok: Ano ang mga dahilan ng miscarriage at may paraan ba kung paano ito maiiwasan?

Madalas ay nasa hinlalaki, hintuturo at palasingsingan ang mas matinding manhid at sakit. Sa gabi madalas ang manhid lalo kapag natutulog ng nakatupi ang kamay, kaya’t nadidiinan ang mga nerves. Naiipit kasi ang mga nerves at ugat at nahihirapan dumaloy ang dugo, kaya namamaga at namamanhid.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mas matindi ang sakit at pamamanhid kapag nagmamaneho, nagbabasa ng diyaryo o libro, o madalas na may hawak na cell phone o telepono. May mga pagkakataon na tuluyang nawawala ang pakiramdam ng hinlalaki, kapag malubha na ang CTS.

Kung ang mga kapamilya o kaanak ay nagkaron na ng CTS dati, malaki ang posibilidad na magkaron din nito. Kung nagkaron na din ng pananakit sa likod, leeg at braso, malamang ay magkaron din ng CTS, dahil ang median nerve ay dumadaan sa itaas ng  ribcage bago bumaba sa braso at kamay.

Kaya nga kung nagkaron na ng problema sa collar bone o kaya ay nakaranas ng whiplash injury, posibleng magkaron ng CTS.

Ang timbang kapag nagbubuntis ay may epekto din sa pagkakaron ng CTS, lalo na kung ito ay multiple pregnancy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pamamanhid ng kamay ng buntis | Image from Unsplash

Ano ang puwedeng gawin sa pamamanhid ng kamay ng buntis dulot ng CTS?

May iba’t ibang treatment para sa CTS:

  • Ang tinatawag na wrist splints para sa CTS na sinusuot sa gabi para maibsan ang pamamanhid at pangangalay. Makakatulong din ito na maiwasang itupi ang kamay habang tulog.
  • Sa malubhang sitwasyon, kailangang kumunsulta sa isang hand surgeon na maaaring magbigay ng corticosteroid sa pamamagitan ng inisksiyon sa carpal tunnel. Mababawasan ang pamamaga sa paligid ng nerves at magagamot ang mga sintomas.
  • May surgery din para CTS, kung saan ginugupit ang litid sa paligid ng nerve para  din mapalaki ang daanan o tunnel, at maibsan ang pressure na dumidiin sa nerve. Pagkatapos ng operasyon, malaki ang posibilidad na maibalik ang dating lakas at function ng kamay at galanggalangan ng walang pamamanhid o pananakit.
  • May bisa din ang paglalagay ng berde o puting repolyo sa pulso o galanggalangan, para maalis ang labis na fluid at maibsan ang pamamaga sa loob. Malamig dapat ang repolyo, pero hindi frozen.
  • Ibabad sa tubig na may yelo ang namamanhid na kamay, o kaya ay babaran ng ice pack. May nagpapayo ng “contrast bath”: ibabad sa malamig na tubig ng isang minuto, at sa maligamgam na tubig naman ng isang minuto ulit, sa loob ng 6 na minuto.
  • Makakatulong ang marahang ehersisyo ng mga daliri at kamay para mapadaloy ang labis na fluid at maibsan ang pamamaga.
  • May mga nagpapatunay na mabisa ang aromatherapy bilang natural na paggamot. Gumamit ng mga essential oils tulad ng cypress at lemon na pinatak sa maligamgam na tubig, para maibsan ang pamamaga. Basain ang bimpo sa mixture at ibalot sa pulso.
  • Kailangang ipahinga ang kamay o mga kamay para maiwasan ang paglala ng mga sintomas.

Hindi dapat mag-alala, sabi nga ni Mesina. Ang CTS ay karaniwang nawawala nang tuluyan ilang buwan pagkatapos manganak.

Paano maiiwasan ang pamamaga at pamamanhid ng kamay ng buntis?

1. Healthy diet, araw-araw.

Ang panlaban sa ganitong kondisyon ay ang pagkain ng masustansiyang pagkain at pagkakaron ng  balanced diet, para hindi bumigat ang timbang at hindi mahirapan ang katawan. Iwasan ang pagkain ng maalat, matamis at mataba. Uminom din ng maraming tubig at kumain ng prutas at gulay araw araw.

Sa librong Prenatal Care: Empowerment Strategies for a Vibrant Pregnancy (Self-help Empowerment Strategies), 2016, nina Dr. Vicki Hemmett at Dr. Erik Hemmett, makakatulong ang mga pagkaing mayaman sa vitamin B6 para sa maayos na nervous system.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nariyan ang sunflower at sesame seeds, berdeng gulay tulad ng broccoli, bawang, hazelnuts, lean meat tulad ng lamb at ibang parte ng baboy, avocado, puting isda tulad ng salmon. Itanong sa iyong OB GYN kung anong vitamin B supplement ang pwedeng inumin.

2. Maayos na breast support.

Pumili ng maayos at saktong sukat ng maternity bra. Bakit pati bra? Dahil may koneksiyon ito sa maayos na tayo at posture, para hindi mabigatan at hindi maapektuhan ang ribcage at breastbone, na maalis ang pressure o diin sa dinadaanan ng median nerve.

Pamamanhid ng kamay ng buntis | Image from Freepik

3. Ehersisyo.

Kung ang regular na gawain ay may kinalaman sa paggamit ng kamay (tulad ng pagtipak sa keyboard ng computer), kailangang may regular ding ehersisyo para dito para hindi mangalay.

Hawakan ang isang pulso at masahehin ito ng marahan at paikot-ikot. Gawin din sa kabilang kamay naman. Makakatulong ito sa pagdaloy ng mga fluid at dugo, at maiwasan ang pangangalay.

Mag-inat din, pagkatapos ng matagal na pagtatrabaho. Ayon kay Mesina, nakatulong ito nung nakaranas din siya ng pamamanhid, dahil sa mahabang oras ng pagtipak sa harap ng computer, at sa pagkarga sa sanggol pagkapanganak.

4. Kumalma, uminom ng tsaa.

Alam ng marami na epektibo ang pag-inom ng camomile tea para sa pamamaga. Uminom ng hindi hihigit sa isang tasa sa gabi (para makatulong din sa pagtulog).

5. Subukan ang yoga.

May mga pagsasaliksik na nagpapatunay sa bisa ng yoga sa kabuuang kalusugan ng isang tao, pati na sa nagbubuntis. Nakakatulong daw ito sa paggamot ng pananakit ng pulso at kamay, at pagpapalakas ng gamit nito.

Kumunsulta sa iyong OB GYN bago ito subukan, at gawin ito sa paggabay ng isang yoga expert.

 

Sources:

Christine Mesina, RN

Prenatal Care: Empowerment Strategies for a Vibrant Pregnancy (Self-help Empowerment Strategies), 2016, nina Dr. Vicki Hemmett at Dr. Erik Hemmett

Carpal Tunnel Fact Sheet [Fact Sheet]. (2017). Carpal tunnel syndrome during pregnancy [Fact sheet]. (2015).

NINDS, NHS