Ang herbal pill na ito ay nagpapataas ng sex drive ng babae

Ang herbal pill na ito ay nagpapataas ng sex drive ng babae

It all lies in this special yet common ingredient.

Ang food supplement na ‘Libicare’ ay napag-alamang pampagana ng babae, sa gitna ng iba pang benepisyo. Ito ay ayon sa pananaliksik na na-publish sa medical journal na BMC Women’s Health.

Pampagana sa babae

29 na post-menopausal na mga kababaihan ang uminom ng Libicare ng dalawang buwan bilang bahagi ng pag-aaral. Ito ay isinagawa ng Palacios’ Institute of Women’s Health sa Spain, ayon sa ulat ng Daily Mail.

pampagana sa babae

Image from Freepik

Nakita sa mga resulta ng trial na ang mga babaeng ito, may edad na 45 hanggang 65, ay may nakitang pagpapabuti sa iba’t ibang lugar. Kabilang sa mga ito ang kaganahan sa sex, antas ng gana, vaginal lubrication, at maging orgasms at kaluguran sa kama.

Sa scale mula 0 hanggang 36, ang sexual desire at function ng mga lumahok ay sinuri ng isang questionnaire – ang Female Sexual Function Index (FSF).

Sa simula ng trial ay nag-average nang 20 ang mga lumahok. Ngunit, matapos ang 2 buwan ng pag-inom ng Libicare, tumaas ang kanilang average sa 25.

Ang mga nakakuha ng puntos na mababa sa 26 ay naiulat na nanganganib sa sexual dysfunction.

Iba pang pwedeng gawin para tumaas ang sex drive

Gustuhin ang inyong ginagawa

Maaaring sa kalagitnaan ng sex ay sinabi mo sakanya ang gusto mong ginagawa niya. Ngunit, sa susunod na pagtatalik ay hindi niya na ito nagawa. Kadalasan, ang iniisip ng mga babae ay dahil ito sa ayaw talaga itong gawin ng mga lalaki. Ngunit ang totoo, pagdating sa kalagitnaan ng sex, ang mga lalaki ay tila naliligaw sa kanilang isip. Ang kanilang filter at pagiging single-minded ay maaaring makapigil sa pag-alala ng mga gusto mong ginagawa niya.

Huwag tumututok sa mga insecurity sa katawan

Kadalasan, lalo na sa kalagitnaan ng sex, ang mga babae ay iniisip parin ang tingin nilang mga hindi perpekto sa kanilang katawan. Masyadong nilang inaalala ang mga bahid ng kanilang katawan imbes na ibigay ang sarili sa kalayaan ng primal pleasure. Nababawasan ang kanilang arousal dahil sa pagpuna sa sarili. Kabaliktaran nito, ang mga lalaki ay walang ibang iniisip kundi ang kanilang kasalukuyang sitwasyon. Sa kanyang isip, siya ay masaya na may kasamang totoong hubad na babae, nararamdaman ang kanyang init at nahahawakan kahit saan gustuhin.

Pag-aalala kung tama ang ginagawa

sex-tips-para-sa-babae

Image from Freepik

Isang mahalagang bahagi ng pagbibigay sarap sa kahit kanino ang pagkakaranas ng sarap sa iyong paghawak. Sa sex therapy, ang mga babae ay kadalasang nagtatanong ng technique sa oral sex o manual stimulation. Kadalasan, ibig sabihin ng tanong na ito ay dahil hindi siya relax at ginagalugad pa ang kanyang paghawak.

Magtanong sa iyong partner

Upang hindi alalahanin kung tama ang iyong ginagawa, tanungin ang partner. Ang pagiging masigasig ay kadalasang nagiging sapat na kahit kulang sa sexual experience. Alamin ang gusto ng partner at maging panatag sa iyong mga kaalaman.

Higpitan ang iyong hawak

sex-tips-para-sa-babae

Image from Freepik

Karamihan sa mga lalaki ay natu-turn on sa pagiging agresibo ng babae. Gusto nila ng mga paghawak na direkta at puno ng pagkasabik. Ang pagkakamali na nagagawa ng parehong lalaki at babae ay ang paghawak sa paraan na gusto nilang sila’y mahawakan din. Kadalasan sa reklamo ng mga kalalakihan sa sex therapy ay ang hindi paghawak ng babae sa kanilang ari hangga’t hindi sinasabihan. O kaya naman ay iniisip na kung siya ay erect na, hindi na niya ito kailangan.

Maging agresibo

Hawakan siya nang mahigpit at pagiging agresibo. I-balot sakanya nang mahigpit ang iyong mga legs. Bigyan siya ng mapusok na halik sa gitna ng pakikipag-sex. Kadalasan, kapag napansin ng mga lalaki na binibigay mo ang lahat sa inyong pakikipagtalik, mas ginaganahan siyang ibigay ang lahat ng kanyang makakaya upang pasayahin ka.

Paano nagiging pampagana sa babae ang pagkain ng curry?

Ang sikretong sangkap? Ito ang Fenugreek, madalas ginagamit sa mga maaanghang na curry at iba pang Indian na luto. Kilala rin ang fenugreek na nagpapalakas ng supply ng breast milk.

Makakabili ng Libicare sa Google (nasa P1,182.16). Kabilang sa mga sangkap nito ang plant extracts, selenium, B vitamins, ginkgo biloba at fenugreek.

Ang herbal pill na ito ay nagpapataas ng sex drive ng babae

Ayon sa mga nagsagawa ng pananaliksik, napalakas ng fenugreek ang daloy ng dugo sa ari at napataas ang testosterone levels. Mahalagang bahagi ang mga ito sa pagpalakas ng sex drive.

Kasama ng pagbuti ng sex life ng babae, ang mga mananaliksik, sa pamumuno ni Dr. Santiago Palacios, ay ipinaliwanag na gumagawa ito ng “domino effect”. Kapag ang sex life ay bumuti, bumubuti rin ang ibang aspeto.

‘Ang pag-inom ng produkto ay nauugnay sa malaking pagtaas hindi lamang ng kagustuhan at gana, ngunit pati ng vaginal lubrication at orgasm,” ayon sa kanilang isinulat.

Para makita kung pang matagalan ang epekto nito, sinusubukan ang Libicare sa masmalaking grupo ng mga kababaihan, ulat ng The Sun.

 

Source: Daily Mail, BMC Women’s Health

Basahin din: How do you talk about your erectile dysfunction with your wife?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner