Napapansin mo bang iba na ang init ng inyong pagtatalik sa asawa? Wala na ang saya at excitement gaya noong bago pa lang kayo? Patamlay na ba nang patamlay? Baka makatulong ang ilang mga tips na pampagana sa inyong pagatatalik ni mister o misis!
Talaan ng Nilalaman
Ano ang pressure-rejection cycle?
Sex ang isa sa mga fun part ng pakikipagrelasyon. Ito ang pangunahing nakapag-eexcite lalo na kung nagsisimula pa lamang kayo ni partner. Sa paglipas ng panahon, nag-iiba ang karanasan ng mga magkarelasyon sa pagtatalik.
Normal at kadalasang nangyayari ang pagtamlay ng sex life ng mag-asawa. Lalo na kung sila ay nasa long-term relationship o ilang taon nang nagsasama.
Kung noong una ay masigasig pa sa pag-e-explore ng iba’t ibang sex positions para parehong ma-pleasure darating sa puntong isa na lang ang laging ginagawa. Ang dating matagal na sessions ng pakikipagtalik ay napupunta sa “quickie” o mabilisang pakikipagtalik.
Sa maraming pagkakataon ang unang nananamlay ay ang kababaihan. Mas magana kasi sa pagtatalik ang mga lalaki, kaya sila ang unang nag-aaya at nare-reject naman ito ng mga babae. Dito papasok ang usapin ng sexual initiation, sexual rejection at ng pressure-rejection cycle.
Ano ang sexual initiation at rejection?
Ang sexual initiation ay ang unang akto ng pagsusubok ng isang tao na makipagtalik. Ang sexual rejection naman ay pagtanggi sa pag-aaya ng pakikipagtalik.
Kaya nagkakaroon ng pressure-rejection na cycle dahil dito. Ang nag-iinitiate na maaaring may mataas na desire para sa sex ay nakapagbibigay ng pressure sa rejectors.
Kaya naman ang nangyayari ay nadi-disappoint ang initiator at nawawalan na ng gana lalo sa sex ang rejector dahil sa reaction na ito.
Sa isang pag-aaral, 26% sa 1,000 participants ang umaming nao-offend sila o nasasaktan sa tuwing natatanggihan na makipagtalik. 46% naman dito ang nagsabing nagiging cold o matamlay sila sa kanilang partner matapos ma-reject.
Ayon sa mga eksperto, entitled naman daw ang mga na-reject na makaramdam ng pagka-inis at lungkot matapos hindi mapagbigyan.
Sa kabilang banda, nakita rin nila na ang mga response na ito ay ang pinaka hindi epektibong pamamaraan na pagtugon sa rejection.
Ang palagiang pampepressure ay nakakapagparamdam sa partner na hindi siya nirerespeto, overwhelmed, at pakiramdam ng pagiging kulang. Nauuwi rin ito sa pagbaba ng quality ng relasyon at ng sexual satisfaction.
Ganito ang palaging nangyayari sa maraming relasyon partikular na sa mga nagsasama ng ilang taon.
4 tips para maging masigla muli ang inyong sex life ayon sa experts
Ang pagkakaroon ng sexual desire ay nanggagaling sa damdamin ng tao. Kaya kinakailangan na ito ay nasa relaxed at walang halong pressure na environment.
Sa isang pag-aaral patungkol sa sexual initiation, 43% dito ay hindi gusto o naa-arouse sa kung paano nag-aaya makipagtalik ang kanilang partner.
Para magkaroon ng ideya paano ulit magkakaron ng sigla ang sex life, narito ang ilang tips na pampagana sa pakikipagtalik:
1. Pag-usapan ang inyong sexual fantasies.
May mga pagkakataong nahihiya ang mag-asawa na ibahagi ang mga bagay na nakapagpapataas ng libido nila. Importanteng mapag-usapan ang iba’t ibang sexual fantasies ninyong mag-asawa para sumarap pa lalo ang inyong pagsasama sa kama.
Sa ganitong paraan kasi naiinform ang isa’t isa sa kung ano ang mas nakakapagbigay ng pleasure kaya mas maeenjoy ninyo ang pagtatalik.
2. Sabihin ang mga ayaw mo na ginagawa ni partner sa kama.
Mahalagang komportable ang inyong nararamdaman sa tuwing nakikipagtalik. Kung nawawala kasi ang “comfort” nawawala rin ang sexual desires.
Maaaring sabihin kay partner kung ano-ano ang mga ginagawa niya na nakapagtuturn-off sa ‘yo. Dapat ay informed siya na ayaw mo ang partikular na ginagawa niya kung kayo ay nagtatalik. Maganda rin na tanungin din siya kung ano naman ang ayaw niyang ginagawa mo sa tuwing nagtatalik.
3. Lagyan ng spice ang foreplay.
Sa foreplay magsisimula ang lahat. Ito ang part ng pagtatalik na nagpapataas ng libido ng isa’t isa. The more na may spice ang foreplay, the more na maganda ang experience ng pagtatalik.
Huwag dumiretso agad sa main part, dapat may patikim muna sa simula para umigting ang excitement na magsex kayong mag-asawa.
4. Huwag kalimutan ang after sexcare.
Hindi natatapos sa pagtatalik ang pagpaparamdam na mahal mo ang partner mo. Hindi dapat inuugali ng mag-asawa na matapos magsex ay parang wala na lang.
Mahalaga ang after sexcare, dito kasi madadama ng isa’t isa ang respeto sa relasyon. Kadalasan pa dito rin napag-uusapan kung gaano kasarap ang pagtatalik na naganap.
Tandaan isa ring parte ng pagsasama ang pagtatalik ng mag-asawa. Kaya naman gumawa pa rin ng mga paraan at maging bukas sa usapin na ito. Nakakatulong din ang pagtatalik upang maging matibay ang koneksyon niyong mag-asawa