Pagdating sa usapin ng sex, madalas nating naririnig ang foreplay. Maraming mga guide ang nagsasabi na mahalaga raw ito pagdating sa satisfaction ng mga mag-asawa sa kama. Ngunit, ano ba ang foreplay, paano ito ginagawa, at ano ba ang maitutulong nito para sa mga mag-asawa?
Ano ba ang foreplay?
Ang foreplay ay lahat ng mga bagay na ginagawa ng mga mag-asawa bago sila mag-sex. Kasama na rito ang paghalik, pagyakap, paghaplos, at kung anu-ano pang mga bagay para maghanda sa sex.
Importante ang foreplay, lalong-lalo na sa mga babae dahil ito ay ang magdadala sayo sa tamang “mood” na makipagsex. Ito ay dahil madalas kinakailangan mag “warm-up” ng mga babae, at nagagawa nila ito sa pamamagitan ng foreplay.
Nakakatulong ang foreplay para lalong maging ready si misis na makipag-sex, at nakakatulong ito para ma-lubricate ang kaniyang vagina. Ito ay dahil masakit makipagsex kapag hindi pa ready si misis, kaya mahalaga ang foreplay para maging mas masarap at komportable ang sex.
Maraming benepisyo ang foreplay
Mayroon ring mga pagkakataon na ang foreplay ay mas exciting at inaabangan pa kumpara sa actual na penetrative sex. Ito ay dahil nagdadala ito ng excitement at anticipation sa mga mag-asawa. Siyempre, mas masarap gawin ang isang bagay kapag sobrang excited at eager ka na gawin ito, ganun rin sa sex.
Maraming mga paraan para gawin ang foreplay, pero ang importante ay makipag-communicate kayo sa isa’t-isa. Ito ay para malaman ninyo kung ano ang mga turn-ons ninyong dalawa, at kung anu-ano ang mga bagay na dapat gawin sa foreplay.
Nakakadagdag din ng intimacy ang foreplay dahil hindi lang nagiging puro sex ang ginagawa ninyong mag-asawa. Sa pamamagitan ng foreplay, nabibigyan ninyo ng dagdag na pleasure ang isa’t-isa.
Anu-ano ang mga dapat tandaan?
Heto ang ilang mga useful na tips pagdating sa foreplay:
- Ang mga maliliit na bagay tulad ng sexting, paghalik sa pisngi, o kaya sa leeg, pati na ang mga haplos ay magandang paraan para mag-initiate ng foreplay.
- Ang french kissing, pagbigay ng tsikinini, at ang paghawak sa nipples at iba pang erogenous zones ay nakakatulong rin.
- Bukod sa mga ito, ang oral sex rin ay maganda pagdating sa foreplay. Makakatulong ito lalong-lalo na sa mga babae upang maging ready sila na makipag-sex.
- Huwag madaliin ang foreplay. Dapat ay parehas kayong ready na mag-asawa bago kayo mag-sex, kaya’t huwag madaliin ang foreplay. Hayaan itong mangyari ng natural upang hindi ninyo maramdaman na minamadali kayo ng inyong asawa sa sex.
- Mag-enjoy lang kayo. Hindi dapat ma-pressure ang mga mag-asawa pagdating sa sex. Ang importante ay masaya kayong dalawa, at gusto ninyong dalawa ang ginagawa ninyo.
Source: Cosmopolitan
Basahin: Bakit minsan mahirap magkaroon ng orgasm ang babae?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!