Good news para sa mga mommies na maraming anak! Ayon sa isang bagong pag-aaral, posible raw na maging pampahaba ng buhay ang pagkakaroon ng maraming mga anak.
Pampahaba ng buhay raw ang pagkakaroon ng maraming anak
Base sa isinagawang pag-aaral ng mga researchers mula sa Simon Fraser University sa Canada, mas mahaba raw ang buhay ng mga ina na maraming anak. Ito raw ay dahil mas mahaba ang mga “telomeres” ng mga inang maraming anak kumpara sa mga mas kaunti ang anak.
Ang mga telomeres ay ang bahagi ng DNA na nagpapakita ng cellular aging. Ibig sabihin, kung mahaba ang telomeres ng isang tao ay mas resistant siya sa epekto ng pagtanda. Bukod dito, may epekto rin ito sa lifespan ng isang tao.
Dagdag pa ng mga researchers na posibleng may kinalaman raw ang estrogen sa paghaba ng telomeres. Ito ay dahil nagsisilbi itong antioxidant na nagpoprotekta sa mga cells ng isang tao. Ang estrogen ng isang babae ay nadaragdagan kapag nagbubuntis, kaya posible raw na ito ang responsable para sa pagpigil ng pagtanda.
Ngunit ayon sa mga researchers, ay hindi automatic na mas mahaba ang buhay ng mga inang maraming anak. Ito ay dahil maraming mga iba’t-ibang factors ang kailangan isaalang-alang pagdating sa aging at haba ng buhay.
Anu-ano ang mga bagay na nakakaapekto sa pagtanda?
Mahalaga sa atin na maging malusog, at masiguradong malakas ang ating mga katawan. At lalong-lalo na para sa mga magulang, dahil siyempre nais nilang maalagaan at makasama ang kanilang mga anak ng matagal.
Kaya importanteng alamin ng mga magulang ang mga bagay na nakakabuti at nakakasama pagdating sa aging, at pati na rin nakakaapekto sa kanilang haba ng buhay.
- Tamang pagkain at exercise. Ang pagkain ng mga healthy foods tulad ng gulay at pagkakaroon ng proper exercise ay posibleng maging pampahaba ng buhay.
- Stress. Ang pagkakaroon ng stress ay mayroong negatibong epekto sa iyong kalusugan. Kaya’t hangga’t-maari, mahalagang umiwas sa stress dahil nagdadala ito ng sakit at paghina ng katawan.
- Pagkakaroon ng mataas ng BMI. Ang pagiging obese o overweight ay maraming masamang epekto sa kalusugan. Bukod sa mga dala nitong sakit, nakakapagpaigsi rin ito ng buhay, at nakakadagdag sa bilis ng aging o pagtanda.
- Matutong mag-relax at mag-enjoy sa buhay. Mahalagang maging satisfied at masaya sa iyong buhay, at sayang lang kung maubos ang iyong oras sa pag-aalala at pag-iisip ng mga problema.
Source: Daily Mail
Basahin: Mga buntis na mahilig sa gulay, ipinapasa raw ito sa mga anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!