TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Mga buntis na mahilig sa gulay, ipinapasa raw ito sa mga anak

3 min read
Mga buntis na mahilig sa gulay, ipinapasa raw ito sa mga anak

Ayon sa isang pag-aaral, ang pagkain ng gulay habang nagbubuntis ay nakakatulong raw para makahiligan ito ng mga bata paglaki nila.

Hindi madaling pakainin ng gulay ang mga bata. Sa katotohanan, marami ngang mga matatanda ang hindi pa rin mahilig kumain ng gulay. Ngunit pagdating sa kalusugan, mahalaga ang pagkain ng gulay kaya’t importanteng matutong kumain nito ang mga bata.

Madalas ay kung anu-ano pang mga technique ang sinusubukan ng mga magulang para lang kumain ng gulay ang kanilang mga anak. Ngunit ayon sa isang bagong pag-aaral, ang pagkain raw ng gulay habang nagbubuntis ay nakakatulong para masanay sa pagkain ng gulay ang mga bata.

Pagkain ng gulay, importanteng gawin habang nagbubuntis

Ayon sa pag-aaral, mas nasasanay raw na kumain ng gulay ang mga bata, kapag nagbubuntis pa lang ay mahilig na sa gulay ang mga ina. Ito ay dahil kahit nasa sinapupunan pa lamang ay nakakabisado na raw ng mga bata ang amoy ng mga gulay. 

Naipapasa raw ang mga amoy na ito sa placenta ng ina, at pati na rin raw sa breast milk kapag nagpapasuso. Dahil dito, mas nasasanay ang mga bata sa amoy ng gulay, at mas madali sa kanilang kainin ito.

Kaya’t kapag panahon na para kumain ng gulay ang mga bata, hindi na sila nabibigla rito. Ito ang kadalasang nagiging problema ng mga magulang, dahil mayroong mga gulay na kakaiba ang lasa. Dahil dito, hindi nagugustuhan ng mga bata ang pagkain ng gulay, at nadadala nito hanggang sa paglaki nila.

Kaya’t para sa mga ina, siguraduhing kumakain kayo ng gulay. Nakakatulong ito hindi lang para sa inyong kalusugan, ngunit pati na rin sa kalusugan ng iyong anak.

Paano sasanayin sa pagkain ng gulay si baby?

Para naman sa mga inang nahihirapan pa rin na pakainin ng gulay ang kanilang anak, heto ang ilang mga tips!

 

  • Maging creative. Hiwain ang mga pagkain sa magkakaibang hugis at hayaan ang inyong anak na maging pamilyar sa iba’t ibang uri ng pagkain sa pamamagitan ng paghawak sa mga ito. Maigi rin kung mukhang masarap ang pagkain kaysa sa tunay na lasa nito para makumbinsi ang inyong anak.
  • Ihalo sa ibang pagkain ang mga hindi nila gusto. Isang halimbawa ay paghalo ng iba’t ibang uri ng gulay sa patties at meatballs na paborito ng inyong anak. Kung may ayaw kainin ang inyong anak, mag-isip ng ibang paraan kung paano ito lulutuin.
  • Isama ang inyong anak sa paghahanda ng pagkain. Ang pagtatanim ng mga sangkap na gagamitin at pagluluto ng mga ito ay nagbibigay ng kakaibang satisfaction. Ipakita sa inyong anak kung paano magtanim ng mga gulay para magustuhan niya ito.
  • Maging matiyaga at huwag pilitin ang bata. Ipakita sa bata ang iba’t ibang uri ng pagkain nang hindi sila pinipilit. Subukan ding maghain ng iba’t ibang uri ng pagkain kasama ng mga gusto ng inyong anak para makita kung kakainin din niya ito—huwag silang pipilitin na kainin ang mga ito.
  • Kausapin ang inyong anak upang ipaliwanag ang iba pang aspeto ng pagkain, maliban sa lasa nito. Hikayatin ang inyong anak sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng kulay, hugis, at tekstura ng pagkain—kahit hindi ito masarap. Ang pagbibigay ng atensyon sa mga ito, maaaring maisip ng bata na malinamnam ang pagkain.

 

 

Partner Stories
Nourishing Language Development with Promil Gold
Nourishing Language Development with Promil Gold
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

Source: Daily Mail

Basahin: Paano mapakain ng gulay ang batang pihikan sa pagkain?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Mga buntis na mahilig sa gulay, ipinapasa raw ito sa mga anak
Share:
  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

    What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

    What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko