18 gamot na dapat iwasan ng buntis para maiwasan ang miscarriage at birth defects

Nakakatulong man ang mga gamot na ito sa ibang karamdaman, maaaring makasama naman ito sa sanggol sa iyong sinapupunan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang mga gamot na ipinapayong mabuting iwasan ng buntis dahil maaaring maging pampalaglag ng baby na iyong dinadala.

Kapag nalaman mong nagbubuntis ka na, ibang klase ang tuwa at galak. Pero ang galak na ito ay madalas ding sinasabayan ng pangamba. Paano nga bang mapapanataling malusog ang iyong katawan? May takot din na baka may makain o mainom kang maaaring pampalaglag ng baby. Kaya naman iwasan ang mga gamot na ito na maaaring maging sanhi ng pampalaglag ng bata sa unang buwan ng pagbubuntis.

Ano ang mga delikadong gamot na maaaring pampalaglag ng baby?

Absorica (isotretinoin)

Ang absorica ay isang isotretinoin na inirerekumenda bilang lunas sa acne. Pero ito ay mahigpit na ipinagbabawal na gamitin ng mga buntis na babae.

Dahil sa ang gamot na ito ay maaring magdulot ng severe birth defects sa mga sanggol. Kung nakakaranas ng acne breakout habang nagdadalang-tao, mainam na magpa-konsulta muna sa doktor para sa gamot na ligtas sayo.

Ibuprofen: Pampalaglag ng baby

Kapag nagbubuntis, marami kang iniinda na sakit, tulad ng pananakit ng balakang o iba pang parte ng katawan. Pero kailangan mag-ingat, kahit na sa mga over-the-counter pain medication.

Ayon sa isang pagsusuri mula sa Norway, ang sobrang Ibuprofen sa katawan ay maaaring may masamang epekto sa puso at baga ng sanggol sa sinapupunan.

Ang iba pang naitalang epekto ng Ibufopren sa ipinagbubuntis na sanggol ay ang sumusunod:

  • miscarriage
  • delayed onset of labor
  • premature closing ng fetal ductus arteriosus
  • jaundice
  • hemorrhage o pagduduro sa ina at ipinagbubuntis na sanggol.
  • necrotizing enterocolitis, o damage sa lining ng intestines
  • oligohydramnios, o low levels ng amniotic fluid
  • fetal kernicterus, isang uri ng brain damage
  • abnormal vitamin K levels

Pampalaglag ng baby: Aspirin

Ayon sa American Journal of Obstetrics and Gynecology kapag ito’y ibinigay sa mga nagdadalantao lalo na sa first trimester, maaari itong magdulot ng congenital disorders at maaari ding maging pampalaglag ng baby.

Naproxen Sodium

Karaniwang ginagamit ito ng mga may lagnat, pamamaga at paninigas ng katawan tulad ng may arthritis. Pero kailangan mag-ingat dahil ayon sa isang Norwegian Mother and Child Cohort Study, ang non-steroidal anti-inflammatory drug (NSAID) ay nakakapagpataas ng risk ng miscarriage. At maaaring magdulot ng embryo failure at pagtigil ng heart function ng sanggol sa sinapupunan.

May mga NSAIDs din tulad ng Diclofenac at Misprostol na maaaring magdulot ng pagdurugo, pagka-premature ng baby, at pagkalaglag, ayon sa Medline Plus.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo: Unsplash

Lipitor (atorvastatin), lovastatin, Pravachol (pravastatin), Zocor (simvastatin) at Lescol (fluvastatin)

Ang mga gamot na ito ay ginagamit para pababain ang cholesterol sa katawan. Pero maaring magdulot ito ng fetal abnormalities sa ipinagbubuntis na sanggol.

Arthrotec (diclofenac sodium/misoprostol)

Ang gamot na ito ay ginagamit para maibsan ang joint pain na dulot ng osteoarthritis o rheumatoid arthritis. Pero hindi dapat gamitin ng buntis. Dahil nagtataglay ito ng diclofenac at misoprostol na maaring magdulot ng abortion, premature birth, at birth defects.

Migranal (dihydroergotamine mesylate)

Ang migranal na gamot sa migraine headaches ay ipinagbabawal ding inumin ng mga buntis. Dahil nagdudulot ito ng uterine contractions na delikado sa nagdadalang-tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pampalaglag ng baby: Coumadin (warfarin)

Delikado rin sa pagbubuntis ang blood thinner na Coumadin o Warfarin. Dahil tumatawid ito sa placenta at nagdudulot ng fetal abnormalities.

Soriatane (acitretin)

Hindi rin inirerekumenda ang gamot na acitretin para sa severe psoriasis ng isang buntis. Dahil sa ito ay naitalang nagdudulot ng fetal abnormalities sa isang sanggol. Kabilang na ang cardiovascular malformation, skull at cervical vertebrae alterations.

Photo: Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Restoril (temazepam)

Luna sa insomia ang gamot na ito ngunit hindi inirerekumendang sa buntis. Dahil sa ito ay nagtataglay ng benzodiazepines na tumatawid sa placenta at nagpapataas ng tiyansa ng premature birth at low birth weight sa sanggol.

Danocrine (danazol) at Lupron (Leuprolide)

Nagtataglay ang Danazol ng androgenic o male hormone na ginagamit na lunas sa endometriosis, breast pain o tenderness dulot ng fibrocystic breast disease. Ang hormone na ito ay maaring makaapekto sa female fetus. Samantala ang Lupron naman ay maaaring magdulot ng miscarriage.

Pampalaglag ng baby: Arava (leflunomide)

Tulad ng mga naunang gamot sa arthritis, ang leflunomide ay hindi rin ito ipinapayong inumin ng mga buntis. Dahil sa ang gamot na ito ay naitalang nagdudulot ng panganib sa sanggol.

Rheumatrex (methotrexate)

Tulad ng mga naunang gamot sa prosiasis at rheumatoid arthritis, ang methotrexate ay bawal din sa buntis. Ito ay maaring magdulot ng fetal death at congenital anomalies sa ipinagbubuntis na sanggol.

Tazorac (tazarotene)

Ang gamot na ito ay ginagamit para malunasan ang mga acne, wrinkles at prosiaris. Ngunit ito ay nagdudulot ng fetal abnormalities kung iinumin ng buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Clonazepam (Klonopin) at Lorazepam (Ativan)

Ang Clonazepam o Klonopin ay ginagamit para mapigilan ang seizures o panic disorders, at anxiety attacks. Ngunit maari itong magdulot ng withdrawal symptoms sa mga newborn baby kung iinumin ng buntis.

Samantala, ang Lorazepam na gamot din sa iba pang mental health disorders ay posibleng magdulot ng birth defects at life-threatening withdrawal symptoms sa sanggol.

Fluconazole (Diflucan)

Oral anti-fungal medications ang fluconazole na karaniwang ginagamit panggamot sa vaginal thrush. Pero dapat mag-ingat sa mga ganitong gamot dahil ayon sa pag-aaral ng Danish Medical Research Council ito ay maaring magdulot ng fetal malformations.

Serotonin reuptake inhibitors (SSRIs)

Ayon sa isang pag-aaral, naitalang mas nakakaranas ng birth defects ang mga sanggol na may inang gumagamit ng serotonin reuptake inhibitors o SSRIs para malunasan ang depression.

Ilan sa halimbawa nito ay ang Celexa (citalopram), Lexapro (escitalopram), Luvox (fluvoxamine), Paxil (paroxetine), Prozac (fluoxetine) at Zoloft (sertraline).

Kaya naman kung ikaw ay may anxiety o depression habang nagdadalantao, importanteng kumonsulta muna sa iyong doktor bago ka sumubok ng kung anumang gamot. Ito ay dahil maliban sa posibleng birth defects at spina bifida, pinapataas din ang risk ng miscarriage or pagkalaglag ng baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pampalaglag ng bata? Bakit dapat iwasan ang mga gamot na ito

Ang mga gamot na ito ay hindi dapat gawing pampalaglag ng bata. Ilegal din sa Pilipinas ang abortion o pampalaglag ng bata o baby. Kung hindi ninanais o wala sa plano ang pagbubuntis, maiging gumamit ng contraceptives at ugaliin ang safe sex. Kumonsulta rin sa doktor sa mga contraceptives na pupwede sa iyo.

Sa kabilang banda, kailangang iwasan ang mga gamot na ito kung nais na maituloy ang pagbubuntis. Itanong muna sa doktor kung ano ang mga gamot na bawal inumin kapag nagbubuntis. Dahil sila ang mas nakakaalam kung ano ang gamot na ligtas para sa inyo ni baby.

Basahin: Best brands ng prenatal supplements para maging healthy during pregnancy.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Bianchi Mendoza