Iwasan ang 5 gamot na ito na maaaring magpalaglag ng baby

Iwasan ang 5 gamot na ito na maaaring magpalaglag ng baby

Nakakatulong man ang mga gamot na ito sa ibang karamdaman, maaaring makasama naman ito sa sanggol sa iyong sinapupunan.

Kapag nalaman mong nagbubuntis ka na, ibang klase ang tuwa at galak. Pero ang galak na ito ay madalas ding sinasabayan ng pangamba. Paano nga bang mapapanataling malusog? May takot din na baka may makain o mainom kang maaaring pampalaglag ng baby.

Ano ang Mga Delikadong Gamot na Maaaring Pampalaglag ng Baby?   pampalaglag ng baby
1. Ibuprofen

Kapag nagbubuntis, marami kang iniinda na sakit, tulad ng pananakit ng balakang o iba pang parte ng katawan. Pero kailangan mag-ingat, kahit na sa mga over-the-counter pain medication. 

Oo, maaaring uminom nito sa first trimester, pero kapag mahigit 30 weeks nang buntis dapat na itong iwasan. 

Bakit? Ayon sa isang pagsusuri mula sa Norway, ang sobrang Ibuprofen sa katawan ay maaaring may masamang epekto sa puso at baga ng sanggol sa sinapupunan. 

2. Aspirin

May mga doktor na maaaring mag-rekomenda ng aspirin para sa sakit ng ulo pero ayon sa American Journal of Obstetrics and Gynecology kapag ito'y ibinigay sa mga nagdadalantao lalo na sa first trimester, maaari itong magdulot ng congenital disorders at maaari ding maging pampalaglag ng baby. 

3. Naproxen Sodium 

Karaniwang ginagamit ng mga may lagnat, pamamaga at paninigas ng katawan tulad ng may arthritis. Pero kailangan mag-ingat dahil ayon sa isang Norwegian Mother and Child Cohort Study, itong non-steroidal anti-inflammatory drug (NSAID) na ito ay nakakapagpataas ng risk ng miscarriage, at maaaring magdulot ng embryo failure at pagtigil ng heart function ng sanggol sa sinapupunan. 

May mga NSAIDs din tulad ng Diclofenac at Misprostol na maaaring magdulot ng pagdurugo, pagka-premature ng baby, at pagkalaglag, ayon sa Medline Plus.

4. Anti-Fungal Medication

Para sa mga fungal infection sa katawan, maaaring bigyan tayo ng doktor ng oral anti-fungal medications tulad ng fluconazole na karaniwang ginagamit panggamot sa vaginal thrush. 

Pero dapat mag-ingat sa mga ganitong gamot, ayon sa pag-aaral ng Danish Medical Research Council

5. Anti-Depressants

Kung ikaw ay may anxiety o depression habang nagdadalantao, importanteng kumonsulta muna sa iyong doktor bago ka sumubok ng kung anumang gamot. Ito ay dahil, maliban sa posibleng birth defects at spina bifida, pinapataas din ang risk ng miscarriage or pagkalaglag ng baby. 

Kung kailangan mo talaga ng mga medications, sabihin sa iyong doktor imbis na maghanap ng mga over-the-counter medications na maaaring makasama sayo at sa iyong pinakamamahal na baby. 

 

references: Healthline, Consumer Reports 

Also READ: Anu-ano ang mga pagkain na makakatulong sa pagbubuntis?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Bianchi Mendoza

app info
get app banner