Marami ang nagtatanong kung ano ang sikreto sa pampalakas ng baga. Lalo na ngayon, mas mabuting palakasin natin ang mga ating baga o lungs para maiwasan ang seryosong komplikasyon.
Mababasa sa artikulong ito:
- Dahilan kung bakit nasisira ang baga
- Tips para lumakas ang baga
Narito ang ilang tips at mga dapat mong tandaan sa pagpapalakas ng baga, ayon kay Doc Willie Ong!
Bakit nasisira ang baga?
Bago natin alamin ang anim na tips sa pampalakas ng baga, narito muna ang payo ni Doc Willie Ong kung saan nagsisimula ang pagkasira ng ating baga.
Ayon kay Doc Ong, unang-una sa listahan kung bakit nasisira ang baga ay ang madalas na paninigarilyo. Dito nagsisimulang mabutas ang baga ng isang tao at kapag hindi naagapan, maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon.
Sumunod naman ay ang polusyon sa hangin. Kung ika’y may kamag-anak na ang hanap-buhay ay kinakailangang nasa kalye, mas magandang magsuot ng mask para maiwasan ang madumi at delikadong usok na kanilang malalanghap.
Bukod pa rito, kinakailangan din na magsuot ng mask kapag lalabas ang mga may sakit katulad ng asthma, Chronic obstructive pulmonary disease (COPD), emphysema, pneumonia o tuberculosis lalo na kapag nasa mausok silang lugar. Sapagkat may impeksyon na ang kanilang baga, parati na silang may plema rito.
6 easy tips upang lumakas ang baga
Narito ang anim na tips mula kay Doc Willie Ong na pampalakas ng baga at kung paano ito linisin!
1. Steam inhalation
Ang unang gawain na maaari mong subukan ay ang steam inhalation. Maaaring makuha sa mainit na sabaw at paliligo sa sauna o ibang lugar kung saan may steam. Isa namang home remedy para rito’y kumuha ng maliit na palanggana at maglagay ng mainit na tubig sa loob nito. Sunod na kailangang gawin, magtalukbong ng tela at humarap sa usok na nanggagaling sa tubig.
Makakatulong ang moist ng steam sa ‘yo para mapalabas ang matigas na plema.
2. Pagkontrol sa ubo
Isa sa maling ginagawa ng karamihan ay ang pag-ubo ng malakas o matigas. Ngunit ang pinakaligtasna gawin ay ang payo ni Doc Ong.
Unang kailangang gawin, huminga sa ilong (inhale) at saka ibuga ang hangin sa bibig (exhale). Ilagay ang kamay sa tiyan at marahang itulak ito paloob. Saka lamang mahinang umubo ng tatlong beses.
BASAHIN:
Ano ang epekto ng ubo at sipon sa buntis at sa dinadalang sanggol?
Amoy ng sigarilyo sa kamay, masama para sa kalusugan ng bata
3. Postural drainage
Ang postural drainage ay may iba’t ibang kailangang tandaan na posisyon. Maaaring nakadapa, nakatihaya, nakatagilid (kanan o kaliwa).
Makakatulong din ang paglalagay ng unan sa bandang itaas ng puwit kapag nakahiga.
4. Chest clapping
Simple lamang ang chest clapping. Kailangang hampasin ng marahan ang dibdib ng taong may plema sa baga. Kailangan din na ang kamay ay medyo naka-cup. Bata o matanda, maaaring gawin ito.
Maaaring gawin ito isang beses sa isang araw at nasa limang minuto ang tagal.
5. Regular na ehersisyo
Ang pagkakaroon ng regular na ehersisyo’y isang paraan din para matanggal ang plema. Ito’y dahil nagkakaroon ng matinding pressure sa baga at tumataas breathing kasama na ang oxygen supply. Sa paraang ito, maganda ang nagiging resulta ng serkulasyon.
Para naman sa mga taong may sakit at bawal mapagod, maaaring maglaan ng ilang minuto sa isang araw para maglakad-lakad.
6. Pagkain ng masustansyang pagkain
Ang mga pagkaing pampalakas ng baga ay ang green tea at prutas o gulay na kulay kahel. Kabilang dito ang:
- orange fruit
- carrot
- kalabasa
- kamote
- kamatis papaya
- dalandan
- kalamansi
- lemon
Ang mga pagkain na kulay kahel ay mayaman sa vitamin C at iba pang antioxidant.
Bukod sa prutas at gulay, healthy din para sa baga ang matatabang isda katulad ng salmon, tuna, tamban, tawilis, sardinas at hito.
Source:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.