Maitim ba ang batok mo? Ito ay isa sa mga nakakahiyang topic na pilit iniiwasan ng iilan. Hindi kasi ito maitatago lalo na kung ikaw ay may maputing balat pero maitim na batok. Ano nga ba ang mga dahilan bakit nagkakaroon ng maitim na batok ang isang tao? Ano ang mga dapat gamitin pampaputi ng batok?
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga posibleng dahilan ng maitim na batok
- Home remedies pampaputi ng batok
- Over-the-counter products na mabisang pampaputi ng batok
Mga posibleng dahilan ng maitim na batok
May iilang posibleng dahilan ng pangingitim ng batok ng isang indibidwal. Ito ay may madalas may kinalaman sa kaniyang kalusugan. Kaya naman bago sumubok ng mga produkto na pampaputi ng batok, mas magandang kumonsulta muna sa inyong doktor upang malaman ang inyong health condition.
1. Mga taong may diabetes
Ang mga taong may Diabetes ay isa sa malimit na nagkakaroon ng pangingitim sa kanilang iba’t ibang bahagi ng katawan. Ito ay dahil sa resistance ng kanilang katawan sa insulin. Ang tawag sa pangingitim na ito ay Acanthosis Nigricans.
2. Obesity o sobrang katabaan
Kapag sobrang taba ang isang tao o umabot na sa borderline ang kanyang timbang, ang mataas na porsyentong magkaroon sila ng diabetes ay malaki. Kaya naman nagkakaroon ng pangingitim ng batok.
3. Skin Condition tulad ng Eczema at Psoriasis
Ang isang taong may eczema at psoriasis ay madalas magkaroon ng pangingitim sa kanilang batok dahil sa pangangati ng kanilang balat. Ang skin na madalas kamutin ay nagkakaroon ng gasgas na nagdudulot ng skin damaged at pangingitim.
4. Hyperpigmentation
Ang Hyperpigmentation ay ang sobrang pag-produce ng melanin ng skin kaya nagkakaroon ng mga dark spots. Ito rin ay nagbuild-up na dead skin cells sa katawan o libag na nagdudulot ng pangingitim sa batok kung hindi natin ito natutuunan ng pansin kapag tayo ng naliligo na naglilinis ng katawan.
BASAHIN:
Pampaputi ng singit: Mga produkto at home remedies para sa flawless na singit
5. Madalas na pagbilad sa araw
Ang malimit na sun exposure ang nakakasira sa skin cells na madalas magdulot ng pangingitim ng ilang bahagi ng katawan na nakabilad sa araw. Lalo na sa mga taong ang hanapbuhay ay sa field o outdoors katulad ng construction worker, famer, fisherman, at iba pa.
6. Mga damit na may magaspang na tela
Kung ang iyong ginagamit na uniporme sa trabaho ay may magaspang ang tela sa katawan, ang pagkikiskis nito sa iyong balat, partikular sa batok ay nagiging sanhi ng pangingitim.
Isa rin sa dahilan ang ilang clothing tag sa damit ay hindi skin-friendly kaya naman nagagasgas ang batok at nagkakaroon ng pangingitim.
Home remedies pampaputi ng batok
Kung naghahanap ka ng solusyon sa nangingitim mong batok, narito ang ilang home remedies na maaari mong subukan para bumalik ang kinis at kulay ng iyong batok. Kailangan lamang ng mahabang pasensya matagal bago makita ang resulta ng mga ito.
1. Aloe vera
Ang aloe vera ay hindi lang nakaka-moisturize ng balat, ito rin ay nakakapagpaputi. Kumuha lamang ng isang dahon ng aloe vera. Dikdikin ito at ipahid sa batok sa loob ng 30 minutes bago banlawan. Gawin ito tatlong beses sa loob ng isang linggo.
2. Oatmeal at yogurt
Ang Oatmeal at Yogurt ay parehas na nagkakadagdag ng moisture sa balat. Bukod pa rito, maaari itong gawing exfoliating mask sa para matanggal ang dead skin cells o libag sa batok.
Pagsamahin lamang ¼ cup ng oatmeal at ¼ cup ng plain yogurt sa isang bowl. Imasahe ito sa batok sa loob ng limang minute. Hayaang nasa batok ang mixture ng 30 minuto bago banlawan.
3. Sugar at coconut oil
Ang sugar at coconut oil ay magandang alternative sa body scrub. Natural ito at nakaka-moisturize ng balat . Ang coconut oil ay mayaman sa iba’t ibang nutrients at may anti-microbial properties.
Ayon rin sa ilang pag-aaral, nakaka-lighten ng balat ang paglalagay ng coconut oil. Paghaluin laman ang 2 kutsarang sugar at ½ kutsaritang coconut oil. gamitin bilang scrub sa batok sa loob ng 5 minuto. Gawin ito limang beses sa isang linggo bago matulog sa gabi.
Mga dapat gawin para pumuti ang batok
Bukod sa home remedies para pampaputi ng batok, kailangan mo rin mag-invest ng effort at oras para sa inyong skin care routine. Ang pagkakaroon ng skin care routine ay parte ng self-care o pagpapahalaga sa sarili.
Kung sa tingin mo napapabayaan mo na ang iyong sarili, Huwag kang maguilty kung maglalaan ka ng ilang oras para i-pamper ang iyong sarili o pagkakaroon ng “me time". Ito ay isa sa paraan ng pag-iwas din sa stress at pagpapalusog ng ating mental health.
1. Palagiang paglilinis at moisturize ng balat
Bigyan ng panahon ang sarili kapag nagliligo o naglilinis ng katawan. Siguraduhing hindi nakakalimutan ang paglilinis ng batok para maiwasan ang pag-buiild-up ng dead skin cells o libag. Pagkatapos ng pagliligo, gumamit ng moisturizer sa katawan partikular sa batok para maiwasan ang skin dryness.
2. I-exfoliate ang batok
Para maalis ang dead skin cells o libag sa batok, kailangan mo itong gamitan ng exfoliating body wash na may moisturizer. Maaalis nito ang matagal ng libag na naiwan sa batok na nagiging sanhi ng pangingitim. Gawin ito dalawang beses sa isang linggo at siguraduhing dahan dahan ang pag-exfoliate upang hindi masira ang balat.
3. Maglagay ng sunscreen kapag lalabas ng bahay
Maglagay ng sunscreen na may SPF 30 upang maiwasan ang sun damage sa balat. Lagyan ang paligid ng leeg at batok. Magre-apply kung kinakailangan upang masiguro ang proteksyon laban sa UV rays ng araw.
4. Gumamit ng over-the-counter na pampaputi ng batok
Kung sa tingin mo hindi masyadong maganda ang epekto sa iyo ng mga home remedies na ginagamit mo, may mga otc na mga prokdo ang maaari mong gamitin para pampaputi ng batok. Humanap ng otc na pampaputi ng batok na hihiyang sa skin type mo para masigurado ang effectiveness nito.
Over-the-counter products na mabisang pampaputi ng batok
Kung nababagalan ka sa epekto ng hime remedies na ginagawa mo, maari kang gumamit ng mga over-the-counter na mga produkto.
Bakit ito maganda?
Ang Luxe Organix Whitening Repair Serum ay gawa sa 10% na Niacinamide na nakakapagpaputi sa balat. Mayroon din itong Tranexamic Acid at Zinc na tumutulong upang kuminis at pumuti ang balat.
Nire-repair din nito ang magaspang na balat kaya naman maganda itong gamitin pampaputi ng batok. Ito rin ay walang alcohon, paraben, at pabango. Gawa ito sa South Korea na kilalang bansa na mahusay pagdating sa skin care.
Paano gagamitin?
Maglagay ng serum sa kamay at ipahid sa may batok. Imasahe ito sa loob ng 5 minutes. Gamitin dalawang beses araw-araw.
Bakit ito maganda?
Ito ay gawa sa sa pinagsamang arbutin bearberry, white strawberry, at donkey milk. Ang pinaghalong ingredients na ito ay nakakaputi ng balat. Nagbibigay ito ng instant whitening sa loob lamang ng 2 weeks. Mayroon din itong Vitamin C kaya mabisa itong pampaputi ng batok.
Paano gagamitin?
Pagkatapos maligo, ipahid sa mukha, leeg, at batok. Gamitin ito dalawang beses sa loob ng isang araw para sa magandang resulta sa batok.
Bakit ito maganda?
Ang Belo Intensive Whitening Body Lotion ay gawa sa pinagsamang kojic acid at tranexamic acid na parehas nakakaputi ng balat. Mayroon din itong SPF 30 para sa proteksyon sa matinding init ng araw.
Bukod pa rito, may moisturizing ingredients rin ito para maiwasaan ang skin dryness. Ito rin ay hypoallergenic at dermatologist-tested.
Paano gagamitin?
Maglagay sa katawan partikulay sa batok pagkatapos maligo. Gamitin ito araw-araw. Maglagay sa umaga at sa gabi bago matulog.
Bakit ito maganda?
Ito ay may 4x whitening formula kumpara sa ibang whitening lotion. Gawa ito sa apat na iba’t ibang sangkap na pampaputi kaya naman nasisiguro ang mabilis na pampaputi nito.
Mayroon itong kojic acid, vitamin C, glutathione, at arbutin. Mayroon din itong virgin coconut oil upang masiguro ang moisture ng balat.
May SPF 30 rin ito na babagay sa mga taong laging madalas mabilad sa araw. Gawa ito sa Japan at ito ay clinically proven na safe at effective na pampaputi.
Paano gagamitin?
Gamitin pagkatapos maligo. Maglagay sa kamay at ipahid sa buong katawan lalo na sa batok. Magre-apply sa batok kung kinakailangan. Makikita ang resulta sa loob lamang ng 7 days.
Bakit ito maganda?
Ang Kojie San ay isa sa mga pinakaunang nagpakikila ng kojic acid bilang pampaputi dito sa Pilipinas. Gawa ito sa high grade cosmetic at all natural na sangkap. Pinipigilan ng kojic acid ang pag-produce ng melanin sa balat na siyang nagbibigay ng brown na kulay.
Ito ay gawa sa kojic acid, tea tree oil, at iba na natural na mga sangkap na nagpapaputi ng balat. Marami ng nagpatunay na pumuti sila sa paggamit ng produktong ito.
Paano gagamitin?
Gamitin na pamalit sa nakagawiang sabon. Sabunin ang batok at leeg at iwanan sa balat sa loob ng limang minute lamang. Gumamit ng moisturizing lotion pagkatapos maligo.
Disclaimer: Bago gumamit ng anumang produktong pampaputi ng batok, siguraduhing magtanong muna sa inyong doktor lalo na kung kayo ay may medical condition.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.