Hindi ba pantay ang kulay ng iyong mukha sa iyong leeg at batok? Maraming possibleng dahilan kung bakit mas maitim o may darker shade ang leeg at batok ng isang tao. Kadalasan pa nga ay nagiging sanhi ito ng pagbaba ng self-confidence dahil mahirap itago ang nangingitim na leeg at batok.
Kung kasalukuyan kang nakakaranas ng ganitong skin concern, tamang-tama ang listahan namin para sa iyo! Naglista kami ng mga produkto na pampaputi ng leeg at batok, upang bumalik ang dati nitong kulay.
Patuloy na magbasa upang malaman ang mga produktong maaaring gamitin sa leeg at batok, maging sa mukha upang ito ay mas pumuti, lumambot at kuminis. Alamin din ang iba’t ibang home care tips na maaaring sundin!
Talaan ng Nilalaman
Bakit umiitim ang leeg at batok?
Nagtataka ka ba kung bakit umiitim ang iyong leeg at batok? Narito ang mga posibleng dahilan:
Pagbilad sa araw
May skin damaging effect ang sun exposure kaya naman kapag ikaw ay nabilad sa araw, ang iyong balat ay mangingitim.
Nakakaligtaang linisin o isama sa skin care routine
Kung madalas makalimutang isama sa skin care routine at gumagamit ng mga whitening products sa mukha, malaki ang posibilidad na hindi magpantay ang kulay ng mukha sa kulay ng leeg at batok. At kapag hindi nalilinis ng maayos ang leeg at batok, maaaring magbuild ang dead skin na maaaring maging sanhi para magkaroon ng darker color ang balat.
Friction
Ang friction mula sa pagkuskos ng balat tuwing naliligo o di kaya ay pagsusuot ng mga damit na may magaspang o matigas na fabric ay maaari ring maging sanhi ng pangingitim ng leeg at batok.
Skin concerns
Ang mga skin problems gaya ng psoriasis at eczema ay maaari ring magdulot ng pangingitim ng leeg at batok. Kapag nangati ang balat at ito ay kinamot, maaaring masira ang balat at magsugat na nagiging sanhi ng pangingitim.
Best brands na pampaputi ng leeg at batok
Mama's Choice Advanced Brightening Serum with Peony Extract
|
Buy on Shopee |
Cetaphil Brightness Reveal Bar
Best Brightening Soap
|
Buy Now |
SNAILWHITE Whipp Foam Cleanser
Best Whitening Cleanser
|
BUY FROM SHOPEE |
Cetaphil Brightness Refresh Toner
Best Brightening Toner
|
Buy Now |
Garnier Bright Complete Vitamin C Serum
Best Facial Serum
|
Buy Now |
Céleteque DermoScience Brightening Cream
Best Lightening Cream
|
BUY FROM SHOPEE |
Anessa Perfect UV Brightening Sunscreen
Best Brightening Sunscreen
|
Buy Now |
Mama’s Choice Advanced Brightening Serum
Best pregnancy-safe brightening serum
Ang Mama’s Choice ay ang go-to brand ng maraming nanay pagdating sa skincare na safe, effective at natural. Ang kanilang Advanced Brightening Serum ay nakakatulong na mabawasan ang dark spots at hyperpigmentation sa balat. Maaari rin itong gamitin sa leeg dahil effective din ito sa pag-brighten at moisturize ng balat para ma-achieve ang even skin tone.
Gawa ito sa kombinasyon ng peony extract mula sa Mt. Jiri sa South Korea, vitamin C na mabisa laban sa dark spots at hyperpigmentation, Hyaluronan 11 Multi-Complex para sa hydration ng balat, at pati na rin Ceramide at Niacinamide.
At dahil para sa sensitibong balat ng mga buntis ang serum na ito, mahigit 900 na mga nanay at eksperto ang tumulong sa pag-develop ng serum na ito!
Features we love:
- 93% ang nagsabing it brightens the skin at reduces dark spots
- 80% ang nagsabing mas naging even ang skin tone nila
- 90% ang nagsabing it moisturized their skin
- Safe for pregnancy and breastfeeding
- Hypoallergenic and dermatologically tested
Cetaphil Brightness Reveal Bar
Best brightening soap
Kilala ang brand na Cetaphil sa kanilang mga gentle at skin-loving products na para sa buong pamilya. At ang good news, naglabas din sila ng product line for skin brightening! Kung nais mong mas mag lighten ang iyong leeg at batok, isama na rin ang mukha at iba pang parte ng katawan, perfect choice ang Cetaphil Brightness Reveal Bar.
Hypoallergenic ang formulation nito kaya naman puwedeng gamitin ng mga may sensitive skin. Nagtataglay ito ng Niacinamide na kilala bilang epektibong brightening ingredient sa mga skin care products. At sinamahan pa ng Sea Daffodil na nakakapag hydrate ng balat at kayang maghilom ng acne, burns at iba pang skin concern.
Features we love:
- Evens out skin tone
- Maaaring gamitin sa buong katawan
- Hypoallergenic
SNAILWHITE Whipp Foam Cleanser
Best Whitening Cleanser
Kung facial cleanser naman ang hanap mo na makakatulong upang magpantay ang kulay ng mukha at leeg at batok, matutulungan ka ng Snail White Whipp Foam Cleanser. Ang produktong ito ay naglalaman ng Vitamin C, Niacinamide at Alpha Arbutin na nakakatulong upang mapaputi ang balat.
Karagdagan, mayroon din itong Snail Mucin at Hyaluronic Acid na nakakapag hydrate ng balat para ito ay maging mas malambot. Ang cleanser na ito ay ginawa para sa mukha at inirerekomenda ring gamitin hanggang leeg at batok. May kakayahan itong malinis ng maayos ang balat sa pamamagitan ng pag exfoliate rito upang mawala ang mga dead skin cells.
Hindi rin dapat ipag-alala ang iritasyon dahil ito ay may neutral pH na tamang-tama para sa lahat ng skin types.
Features we love:
- Brightening foam cleanser
- Nakakatanggal ng dead skin cell
- Balanced pH
Cetaphil Brightness Refresh Toner
Best Brightening Toner
Hindi makukumpleto ang skin care routine kung walang toner. At best choice rin ang Cetaphil Brightness Refresh Toner kung nais mong paputiin ang iyong leeg at batok. Gaya ng Cetaphil Brightness Reveal Bar, ang toner na ito ay formulated with Niacinamide at Sea Daffodil. Hindi lamang ito nakakapagpaputi ng balat dahil kaya rin nitong palambutin ang balat dahil sa moisturization na nabibigay nito.
Higit pa riyan ay mayroon din itong hypoallergenic formulation. Fragrance-free rin ito kaya naman magandang gamitin maging para sa may mga sensitive skin. Sa loob lamang ng 4 weeks na tuloy-tuloy na paggamit nito ay mapapansin na ang brightening effect sa balat.
Features we love:
- Brightening toner
- Fragrance-free
- Visible results in 4 weeks
Garnier Bright Complete Vitamin C Serum
Best Brightening Serum
Hindi lamang para sa mukha ang serum, maaari rin itong gamitin sa leeg at batok upang mahydrate, lumambot at pumuti ang balat. Best choice na serum na makakapagpaputi ng leeg at batok ang Garnier Bright Complete Vitamin C Serum. Ito ay may concentrated brightening formula at nagtataglay ng 30x Vitamin C.
Ang kagandahan pa sa formula nito ay ito ay natural kaya ito ay suitable for all skin types, kahit pa ikaw ay may sensitive skin. May kakayahan ang serum na ito na pigilan ang melanin production sa balat up to 85%. Mas magugustuhan mo rin ang serum na ito dahil ito ay lightweight at fast absorbing kaya naman hindi malagkit sa balat. At sa loob lamang ng 4 weeks, mapapansin ang 30% reduction ng spots o pangingitim ng balat.
Features we love:
- Concentrated formula
- 30x vitamin C
- Natural formulation
Céleteque DermoScience Brightening Cream
Best Lightening Cream
Magandang addition din sa skin care routine ang moisturizer o cream lalo na kung nais paputiin ang leeg at batok. Makakatulong ang mga cream na may brightening effect gaya ng produktong ito mula sa Celeteque. Ito ay may Palmaria Palmata extract na nakakapag nourish ng balat at nakakapagpanatili ng hydration nito.
Ito ay may Coenzyme Q10 din na panlaban sa free radicals na nakakasama sa balat. Tri-benefit din ang cream na ito dahil bukod sa brightening effect nito, ito rin ay anti-aging at nagbibigay proteksyon sa UVA/UVB rays dahil mayroon itong SPF 15. Maaari itong gamitin bilang day at night cream.
Features we love:
- Nakakapaghydrate ng balat
- Tri-benefit: Brightening, anti-aging at may SPF15
- Day at night cream
Anessa Perfect UV Brightening Sunscreen
Best Brightening Sunscreen
Upang maiwasan ang labis na pangingitim ng leeg at batok, kinakailangan ding gumamit ng sunscreen. Best choice ang Anessa Perfect UV Brightening Suncreen. Nagbibigay ito ng proteksyon mula sa harmful at skin damaging effect ng araw dahil ito ay SPF 50 sunscreen. Bukod pa riyan ay may kakayahan din itong i-boost ang brightness ng balat.
Ang sunscreen na ito ay formulated with Tranexamic Acid na isang epektibong brightening ingredient. Sinamahan pa ng Hyaluronic Acid at Collagen na may moisturizing effect. Mayroon din itong yellow flower extract at green tea extract na magandang anti-oxidants. Smooth at watery ang texture ng sunscreen na ito kaya naman di malagkit at mabigat sa balat. Para ito sa lahat ng skin types at maaari ring gamitin sa buong katawan.
Features we love:
- SPF 50
- Brightening effect
- Lightweight at non-sticky
Price Comparison Table
Brands | Pack size | Price |
Mama’s Choice | 30 ml | Php 899.00 |
Cetaphil Bar | 100 g | Php 395.00 |
Snail White | 150 ml | Php 495.00 |
Cetaphil Toner | 150 ml | Php 780.00 |
Garnier | 15 ml | Php 349.00 |
Celeteque | 50 ml | Php 648.00 |
Anessa | 90 g | Php 1,416.00 |
Skin Care Tips para pumuti ang leeg at batok
Huwag kalimutang isama sa iyong skin care routine ang leeg at batok upang mapanatiling healthy, smooth at glowing ang balat sa mga parteng ito ng katawan.
Narito ang ilan sa mga skin care tips na maaari mong sundin upang mapabilis ang pagpapaputi ng leeg at batok:
- Kapag naghihilamos o naliligo, linisin din maging ang leeg at batok upang matanggal ang mga dead skin cells at maiwasan ang pagtigas ng balat at pangingitim.
- Gumamit ng moisturizer na nakakapaghydrate ng balat para ito ay maging malambot at smooth.
- Iwasang ang labis at madiin na pagkuskos sa leeg at batok, pagsusuot ng damit na may magaspang na tela upang maiwasan ang friction.
- Kung gumagamit ng serum sa mukha, maglagay din sa leeg at batok. Nakakatulong ito upang maiwasan ang di pantay ng kulay ng balat sa mukha, leeg at batok.
- Huwag kalimutang maglagay ng sunscreen sa leeg at batok araw-araw.
Makabubuting kumonsulta rin sa Dermatologist upang malaman ang mga produktong gagamitin para sa nasabing skin concern.