Nahihiya ka ba mommy kapag nakikita ng iba ang mga siko mo? Dahil ba ito sa dark spots sa siko mo? Alamin ang dahilan kung bakit maitim ang siko mo at basahin ang mga pampaputi ng siko na maaaring solusyon sa problem mong ito.
Pampaputi ng Siko: Solusyon Para Maging Maputi At Makinis Ang Siko | Image from iStock
Isa sa parte ng ating katawan ang nagkakakaroon ng uneven na color ay ang ating mga siko. Madalas itong mapansin kapag nagsusuot tayo ng light colors na shirt o sleeveless. Minsan nahihiya tayo kapag tinitignan ng ibang tao ang part na ito ng katawan natin.
Ang pag-aalaga sa ating balat ay kabilang sa tinatawag na self-care
Walang masama kung minsan maging conscious tayo sa sarili natin. Isa sa pag-develop ng self-esteem natin ang pagpapaganda at pag-aayos ng ating sarili.
Maaari nating i-pamper ang mga sarili natin sa pagpapaputi ng bahagi ng ating katawan na hindi natin madalas mapagtuunan ng atensyon tulad ng ating mga siko.
Mga dahilan ng pangingitim ng siko
Ang pangingitim ng siko ay pangkaraniwan na sa ating mga Pilipino dahil sa ating likas na kulay na kayumanggi. Subalit sa iilan, mas lamang ang dark spots sa bandang siko nila kaya naman isa ito sa mga madalas pagtuunan nila ng atensyon para paputiin.
Pampaputi ng Siko: Solusyon Para Maging Maputi At Makinis Ang Siko | Image from iStock
Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit may pangingitim ng siko.
- Pag-build up ng dead skin cells – Kapag naliligo tayo, madalas makalimutan natin na exfoliate ang siko natin. Dahil rito, dumadami ang dead skin cells at naiipin kaya nagkakaroon ng pangingitim.
- Pag-inom ng birth control pills – Isa sa nakikitang dahilan ang pag-inom ng birth control pills. Ito ay isa sa side effect ng matagal na pag-inom nito.
- Matagal na oras na pamamalagi sa araw – Kung ang trabaho mo ay madalas nakakababad sa araw, malaking chance na magkaroon ka ng maitim na siko. Lalo na kung hindi ka nagsusuot ng long sleeve o gumagamit ng sunscreen.
- Peklat sa siko- Ang isa sa dahilan ng pangingitim ng siko ay dahil sa peklat na dala ng post operation o malalim na sugat sa siko. Mas matagal ang kinakailangang panahon para sa panunumbalik ng kinis at pagpapaputi ditto.
- Melasma gawa ng pagbubuntis – Ang melasma ay dark spots sa balat nakadalasan tumutubo sa parte ng katawan tulad ng batok, mukha, siko, kili-kili, at singit habang ang isang babae ay nagbubuntis.
- Skin Condition tulad ng Eczema at Psoriasis – Bago gumamit ng pampaputi ng siko ang isang tao na may eczema o psoriasis, kailangan muna magpakonsulta sa isang Dermatologist.
- Age spots – Kapag tumatanda ang isang tao, nagkakaroon ng pagkulubot ng balat at dark spots sa balat. Madalas na magkaroon ng age spots ang siko, tuhod, at batok.
Mga produkto na maaaring gamitin pampaputi ng siko
May mga produkto na maaring gamitin pampaputi ng siko kung nais natin ng mabilis na resulta. Bago gamitin ang mga ito, kung ikaw ay may skin condition o skin disease, kailangan munang magpakonsulta sa inyong Dermatologist.
Ganun din kung ikaw ay buntis at breastfeeding mommy, magpakonsulta muna sa Obstetrician at Lactation Doctor.
Pampaputi ng siko
| Luxe Organix Brightening Cloud Soap Best Whitening Soap | | View Details | Buy Now |
| Gluta C Intense Whitening Body Scrub Best Whitening Scrub | | View Details | Buy Now |
| Belo Intensive Whitening Body Lotion SPF30 Best Lotion with SPF | | View Details | Buy Now |
| FRESH Jeju Aloe Ice Lotion Best Moisturizing Gel | | View Details | Buy Now |
| Olay Body Wash Cleansing and Brightening Best Brightening Body Wash | | View Details | Buy Now |
| Mink PH Bring Knee to Life Elbow and Knee Serum Best Whitening Serum | | View Details | Buy Now |
Best Whitening Soap
Pampaputi ng Siko: Solusyon Para Maging Maputi At Makinis Ang Siko | Luxe Organix
Bakit namin ito gusto?
Ang sabong ito ay gawa sa pinaghalong niacinamide at licorice extract. Ang niacinamide ay isa sa mga safe na whitening agents. Samantalang ang licorice extract naman ay tumutulong para maglighten ang skin at maiwasan ang hyperpigmentation.
Mayroon din itong Vitamin C at wala itong alcohol, paraben, at anumang harsh chemical na makakasira sa balat. Nagbibigay din ito ng moisture sa balat kaya naman perfect itong sabon para sa taong nais ng pampaputi ng siko.
Paano ito gamitin?
Ilagay ang sabon sa loob ng net at basain ito ng kaunting tubig. Pabulain at gamitin sa buong katawan. Makikita ang resulta sa loob ng 2-3 weeks.
Best Whitening Scrub
Pampaputi ng Siko: Solusyon Para Maging Maputi At Makinis Ang Siko | Gluta-C
Bakit namin ito gusto?
Ang body scrub ang isa sa mga produkto na nag-aalis ng dead skin cells na sanhi ng pangingitim. At nakita namin ang perfect scrub na maaari mong gamitin pampaputi ng siko! Ang Gluta-C Intense Whitening Body Scrub ay gawa sa pinaghalong glutathione, vitamin C, at papaya enzyme. Kaya naman mas mabilis makita ang resulta ng pagputi ng balat kapag ginamit ito.
Nakakapag exfoliate rin ito ng balat kaya naman nagbibigay ito ng malambot at makinis na pakiramdam sa kada paggamit.
Paano ito gamitin?
Gamitin na pang scrub sa siko sa loob ng tatlong minuto. Gamitin ng tatlo o apat na beses sa isang linggo upang makita ang maganda resulta.
Best Lotion with SPF
Pampaputi ng Siko: Solusyon Para Maging Maputi At Makinis Ang Siko | Belo
Bakit namin ito gusto?
Kilala ng Belo bilang isa sa mga brand na nagbibigay ng maganda resulta pagdating sa pagpapaputi. Ang Belo Intensive Whitening Body Lotion ay mag pinagsamang Kojic Acid at Tranexamic Acid na nagpapaputi ng balat.
Ang Kojic Acid ay organic na sangkap na pumipigil sa melanin formation na sanhi ng pangingitim. Samantalang ang Tranexamic Acid naman ay nagtatanggal ng dark spots sa katawan. Mayroon din itong SPF 30 upang labanan ang harmful rays na galing sa araw at nakakatulong maiwasan ang labis na pangingitim ng balat.
Siguradong magugustuhan mo rin ito dahil sa light at non-greasy texture nito. Perfect sa mainit na panahon.
Paano ito gamitin?
Ipahid sa balat pagkatapos maligo partikular sa siko. Gamitin ng dalawang beses sa isang araw.
Best Moisturizing Gel
Pampaputi ng Siko: Solusyon Para Maging Maputi At Makinis Ang Siko | Fresh
Bakit namin ito gusto?
Para maiwasan ang pangingitim ng siko, kailangan ay lagi rin itong moisturized. The best product para maiwasan ang dryness ng balat? Ang Fresh Jeju Aloe Gel Lotion. Mayaman ito organic aloe vera extract na nagbibigay ng intense moisturization sa balat.
Nakakakinis at inaayos nito ang damaged skin cells na gawa ng init ng araw. Suitable rin ito sa lahat ng skin type. Plus, may colling effect din ito kaya naman refreshing sa pakiramdam at perfect lalo kapag mainit ang panahon.
Paano ito gamitin?
Ipahid sa balat lalo na sa parte na may dark spots katulad ng siko. Gamitin sa araw araw para manatili ang moisture sa balat at maiwasan ang pangingitim.
Best Brightening Body Wash
Pampaputi ng Siko: Solusyon Para Maging Maputi At Makinis Ang Siko | Olay
Bakit namin ito gusto?
Hindi lamang perfect para sa pagpapaputi ng siko ang body wash na ito from Olay. Perfect ito gamitin all over your body para maachieve ang glowing skin. Sa kabila ng brightening effect na mayroon ang produktong ito ay nananatili itong mild at gentle sa balat.
Nagtataglay ito ng Niacinamide na talaga namang effective bilang pampaputi. May vitamin C rin ito kaya’t siguradong magiging radiant ang balat mo kapag ito ay iyong ginamit. Hindi rin ito nakakapagpadry ng balat at nag-iiwan ng malambot and refreshing na pakiramdam.
Paano ito gamitin?
Gamitin bilang body wash araw-araw at makikita mo ang resulta sa loob lamang ng 28 days.
Best Whitening Serum
Pampaputi ng Siko: Solusyon Para Maging Maputi At Makinis Ang Siko | Mink PH
Bakit namin ito gusto?
Kung pinoproblema mo ang pangingitim ng iyong siko at tuhod, nakita namin ang best serum for you! Ito ang Bring Knee to Life Elbow and Knee Serum from Mink PH. Kilala rin ang brand na ito sa kanilang whitening products para sa iba’t ibang parte ng katawan. At ang serum na ito para sa siko at tuhod ay effective na bilang pampaputi.
Naglalaman ito ng Carica Papaya extract na nagbibigay ng natural brightening effect sa balat. Sinamahan pa ito ng collagen para maiwasan ang pangungulubot ng balat at shea butter na nag-iiwan ng malambot at moisturized skin.
Paano ito gamitin?
Pagtapos maligo, maglagay ng 1 pump ng serum sa siko/tuhod. Gamitin ito 2x a day.
Price Comparison Table
|
Brand |
Price |
Luxe Organix Niacinamide Soap |
Php 159.00 |
Gluta-C Intense Whitening Body Scrub |
Php 220.00 |
Belo Intensive Whitening Lotion |
Php 275.00 |
Fresh Skinlab Jeju Aloe Gel Lotion |
Php 209.00 |
Olay Body Wash Cleansing and Brightening |
Php 416.00 |
Mink Elbow and Knee Serum |
Php 349.00 |
Home remedies na pampaputi ng siko
Kung gusto mo naman mommy na natural na pampaputi ng siko, narito ang ilan sa mga home remedies na maaaring gawin. Karaniwan makikita sa ating bahay ang mga sangkap sa paggawa nito.
Kaya naman hindi mo na kinakailangan lumabas pa ng bahay para magkaroon ng self-care. Bukod sa wala itong side effects, maaari rin itong gamitin ng buntis at nagpapadede na mga nanay.
Baking Soda
Ito ang all around cleanser na subok na ng nakararami. Mayroon itong skin lightening properties na pampaputi ng siko. Maglagay lamang ng isang kutsarang baking soda at kaunting tubig sa isang malinis na baso. Gawin itong parang paste. Ilagay ito sa siko at patagalin sa loob ng 15 minuto. Banlawan at ulitin ng dalawang beses sa isang linggo.
Kalamansi
Ang kalamansi ay isa sa kilalang whitening agent na natural at mabisa. Ikukos lamang ang hinating kalamansi sa siko at panatilihin oto sa loob ng 20 minutes bago banlawan. Gawin ito araw-araw hanggang sa makita ang resulta.
Pampaputi ng Siko: Solusyon Para Maging Maputi At Makinis Ang Siko | Image from iStock
Ang apple cider ay isa sa mabisang home remedy sa pagpaputi ng siko. Tinatanggal nito ang dead skin cells at pinapaputi ang balat. Nagsisilbi itong skin toner kung gagamitin.
Maglagay ng 2 kutsarang apple cider at 2 kutsarang tubig sa isang malinis na baso. Gamit ang cotton, kumuha ng mixture at ipahid sa mga siko. Panatilihin ito sa balat sa loob ng 15 minuto bago banlawan. Gawin ito kada makalawang araw.
Aloe Vera
Napatunayan na ng mga eksperto na ang aloe vera ay hindi lamang nagbibigay ng moisture sa balat kundi nagpapaputi rin ito. Magpahid lamang ng aloe vera sa siko at banlawan pagkatapos ng 30 minuto. Gawin ito araw-araw para sa mabilis na resulta.
Oatmeal and Milk Scrub
Ang oatmeal ay natural exfoliant na nag-aalis ng dead skin cells. Samantalang ang gatas ay nagpapaputi ng balat. Malagay lamang ng ½ tasa ng oatmeal at ¼ tasa ng fresh milk sa isang malinis na lalagyan. Gawin itong scrub sa siko at banlawan pagkatapos ng 30 minuto. Gawin to ng tatlong beses sa isang linggo.