X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

9 paraan upang mapasikip ang ari

5 min read

Pampasikip ng ari: Narito ang mga paraan kung paano sisikip ang ari o makakamit ang vaginal tightening na mas magpapasarap ng pagsasama ninyo ni Mister.

Ang masarap na pagtatalik ay pundasyon at sikreto ng isang masaya at matibay na relasyon. Maliban nga sa pagiging active at always on-the-go ng isang magkapares o mag-asawa, isa sa mga mas nagpapasarap ng pagtatalik ay kapag masikip ang pwerta o ari ng babae. Ito ay dahil nagbibigay ito ng ibayong kaligayahan sa mga lalake at dagdag na kiliti naman sa mga babae. Pero hindi tulad sa una, sa pagdaan ng mga taon ng pagsasama ay lumuluwag ang ari ng mga babae. May mga paniniwalang epekto ito ng labis na pagtatalik. Pero paliwanag ng siyensya, ito ay normal lang lalo na kung ang isang babae ay dumaan o nakakaranas ng sumusunod na kondisyon:

Pampasikip ng ari

Image from Freepik

Mga dahilan kung bakit lumuluwag ang ari ng mga babae

Age o edad

Ayon sa Healthline, isa sa mga nakakaapekto ng vagina elasticity ng mga babae ay ang edad. Mapapansin nga daw ito kapag tumungtong na sa edad na 40 ang isang babae. Dito na kasi nagsisimulang bumaba ang estrogen level ng kaniyang katawan. At ito ay palatandaan na papasok na siya sa perimenopausal stage. Maliban nga sa pagiging maluwag o less stretchy na ari ay maging less acidic o tuyo rin ang ari hindi tulad ng dati.

Childbirth o pangangak

Sa kada panganganak ng isang babae ay lumuluwag rin ang kaniyang ari. Dahil ito sa pressure sa kaniyang pelvic muscles sa tuwing umiire upang mailabas ang kaniyang sanggol. Sa katunayan para maiwasan ito ay may ilang babae ang pinipili ang cesarean delivery para ma-preserve ang sikip ng kanilang ari. Pero paliwanag ng siyensya, ito ay hindi maiiwasan. Dahil sa mismong pagbubuntis palang ang lumalaking sanggol sa sinapupunan ay nagdudulot na ng pressure sa pelvis muscles ng kaniyang ina. At ito ay nakakaapekto sa sikip ng opening ng kaniyang vagina. Maliban sa pagbabago sa sikip ng ari ay mapapansin ring magbabago ang itsura nito sa kada panganganak.

Medical conditions

Ang pagluwag ng ari ng isang babae ay maaring dulot rin ng isang medikal na kondisyon. Tulad ng nauna ng nabanggit, ito ay maaring dahil sa pag-memenopause. O kaya naman ay dahil sa pagkakaroon ng cysts o ilang uri ng cancers.

Pampasikip ng ari o vaginal tightening

Bagamat ang pagluwag ng ari ng mga babae ay normal niya lang na mararanasan, may mga paraan naman kung paano ito pasikipin at ibalik muli sa dati nitong lakas. Maaring ito nga ay sa pamamagitan ng natural na paraan o kaya naman ay sa pamamagitan ng surgery. Ang mga paraan na ito nga ay ang sumusunod:

Ang pagsasagawa ng pelvic exercises ay isa sa pinakamabisang pampasikip ng ari. Ito ay magagawa sa sumusunod na paraan:

Pampasikip ng ari

Image from Freepik

Kegel exercise

Para maisagawa ang kegel exercise ay dapat umihi muna o siguraduhing walang laman ang iyong bladder. Ito ay maaring isagawa sa kahit anumang position bagamat maraming babae ang mas pinipiling gawin ito ng nakahiga. Kapag nakaposisyon na ay kontrolin o pasikipin ang iyong pelvic muscles. Ito ay ang pareho mong ginagawa sa tuwing nagpipigil ng ihi. Manatili sa ganitong kondisyon sa loob ng 5 segundo. Magpahinga ng 5 segundo at ulitin muli ang exercise ng sunod na 5 segundo. Gawin ito ng limang beses.

Sa pagtagal ay maaring gawing 10 segundo ang 5 segundong pagpipigil o contractions sa iyong pelvic muscles. Magsagawa ng 3 sets nito lima hanggang sa 10 beses sa isang araw.

Pelvic tilt exercises

Para maisagawa ang pelvic tilt exercise ay tumayo ng patalikod sa isang dingding o pader. Panatilihing malambot ang iyong mga tuhod. Saka magpigil ng hininga sa pamamagitan ng paghatak papasok o patalikod ng iyong pusod. Sa pagsasagawa nito ay dapat pantay na lalapat ang iyong likod sa dingding o pader. Manatili sa ganitong posisyon sa loob ng 4 segundo saka bumitaw. Gawin ito ng lima hanggang sampung beses sa loob ng isang araw.

Yoga at pilates

Ang pagsasagawa ng yoga at pilates ay isa ring mabisang paraan ng vaginal tightening o pampasikip ng ari method. Para sa yoga ay gawin ang mountain at standing forward pose. Para sa pilates ay incorporate naman ang bridge sa iyong pelvic floor exercise.

Vaginal cones

Maari ring gumamit ng mga vaginal cone. Ito ay ang may kabigatan at tampon-sized na bagay na ilalagay sa loob ng iyong vagina na iyong pipigilan o i-hohold upang hindi malaglag. Sa pamamagitan nito ay nai-exercise o mas lumakas ang iyong vaginal muscle.

Pagkain ng masusustansiyang pagkain

Pampasikip ng ari

Image from Freepik

Ang pagkain ng masusustansyang pagkain ay isang paraan rin upang mapanatiling masikip ang ari ng mga babae. Mahalagang kumain ng mga pagkaing mag-iiwas sa impeksyon upang ito ay mangyari. Tulad ng green tea na nakakatulong upang maiwasan ang urinary tract infection at para mapuksa ang mga bad bacteria. Makakatulong rin ang pagkain ng mga probiotics tulad ng yogurt, kimchi, miso at tempeh para mapanatiling malusog ang vagina.

Vaginoplasty o labiaplasty

May mga vaginal tightening medical procedures rin ang maaring maisagawa upang maibalik sa dati ang sikip ng ari ng mga babae. Ito ay ang vaginoplasty o labiaplasty na kung saan sumasailalim ang mga sumusunod na surgical procedures:

  • Vaginal rejuvenation o ang surgical procedure na kung saan pasisikipin ang vaginal walls ng isang babae.
  • Revirgination o ang surgery na isinasagawa upang i-repair ang hymen at ibalik ito sa dati nitong itsura at kondisyon.
  • Clitoral unhooding o ang pag-aalis sa tissue na tumatakip sa clitoris.
  • G-spot amplification o ang pag-iinject ng collagen sa front wall ng vagina na nakakapagdagdag umano ng sarap sa pakikipatalik.

 

Source:

theAsianparent SG, WebMD, Healthline

Basahin:

Partner Stories
Surgeries are safe at MakatiMed
Surgeries are safe at MakatiMed
Safety First: Former crew members share how safety has always been a top priority at McDonald’s
Safety First: Former crew members share how safety has always been a top priority at McDonald’s
A safe and worry-free shopping experience with Rustan's
A safe and worry-free shopping experience with Rustan's
Keep calm and bake on with The Maya Kitchen
Keep calm and bake on with The Maya Kitchen

10 tips upang maalagaan ang kalusugan ng iyong vagina

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • 9 paraan upang mapasikip ang ari
Share:
  • Pananakit at impeksyon sa ari ng lalaki: Mahalagang kaalaman tungkol dito

    Pananakit at impeksyon sa ari ng lalaki: Mahalagang kaalaman tungkol dito

  • Lalaki, nabali ang ari dahil sa pakikipagtalik

    Lalaki, nabali ang ari dahil sa pakikipagtalik

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Pananakit at impeksyon sa ari ng lalaki: Mahalagang kaalaman tungkol dito

    Pananakit at impeksyon sa ari ng lalaki: Mahalagang kaalaman tungkol dito

  • Lalaki, nabali ang ari dahil sa pakikipagtalik

    Lalaki, nabali ang ari dahil sa pakikipagtalik

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.