8 brain exercises na pampatalino

Alamin ang walong mga paraan ng pag-ehersisyo ng utak na maaaring gawin araw-araw at maaari pang magsilbing pampatalino ng bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang ating mga utak ay ang pinakamalaking muscle sa ating katawan. Tulad ng ibang muscles, pwede itong bigyan ng ehersisyo upang bumuti ang kalagayan. Ang paraan ng ehersisyo na ito ay tinatawag na neurobic exercises. Sa pageehersisyo ng utak, ang mga nerve cells ay naglalabas ng brain nutrients na nakakatulong sa memorya. Alamin natin ang mga brain exercises na makakatulong bilang pampatalino ng bata.

8 brain exercises na pampatalino ng bata!

1. Pagsisipilyo gamit ang non-dominant na kamay

Kung ang dominant na kamay ay kanan, gamitin ang kaliwa, at kanan naman kung kaliwete. Mula pagpisil ng lalagyan ng toothpaste hanggang sa paghawak ng baso pang mumog, ipagamit ang non-dominant na kamay.

Ayon sa mga pagsasaliksik, ang paggamit sa kabilang bahagi ng utak ay isang magandang ehersisyo. Nagdudulot ito ng mabilis at malaking pagbabago sa bahagi ng cortex na nakatalaga sa pagkontrol at proseso ng impormasyon mula sa kamay.

2. Pagligo ng nakapikit

Ipaligo ang mga bata nang nakapikit sa buong proseso nito. Ipatayo sila sa paliguan tsaka ipapikit mula unang buhos, pagsasabon at shampoo, at pagbanlaw. Bantayan lamang sila upang masigurado na hindi masaktan.

Ang kanilang mga kamay ay makikilala ang iba’t ibang textures sa kanilang mga katawan. Ipapadala nito ang impormasyon sa kanilang mga utak at magsisilbing pagehersisyo sa pag-alala ng mga iba’t ibang gaspang.

3. Baliktarin ang mga pamilyar na bagay

Baliktarin ang iba’t ibang kagamitan sa bahay na madalas nakikita. Kasama dito ang mga larawan, orasan, at kalendaryo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag makita ang isang bagay sa nakagawian na posisyon nito, ang kaliwang “verbal” na utak ay binabasa ito at hindi binibigyan ng pansin. Ngunit, kung ito ay babaliktarin, ang kanang bahagi ng utak ang gagalaw. Susubukan nitong kilalanin ang iba’t ibang katangian tulad ng hugis, kulay at ugnayan.

4. Mag-iba ng mga puwesto sa hapag kainan

Ipagpalit-palit ang mga pwesto sa hapag kainan kapag kakain. Siguraduhing magiiba ang mga bagay tulad ng kung ano ang nakikita at paano umabot sa mga kagamitan.

Kadalasan, ang mga miyembro ng pamilya ay mayroon nang nakatakdang puwesto sa oras ng pagkain. Ang pagpalit-palit ng mga ito ay makakatulong sa utak. Nagsisilbing ehersisyo ang simpleng bagong karanasan na ito.

5. Maglaro ng mga barya

Bigyan ang bata ng iba’t ibang mga barya. Sa pamamagitan ng paghawak at walang pagtingin, hayaan siyang paghiwa-hiwalayin ang mga ito base sa denominasyon. Hayaan siyang kilalanin ang iba’t ibang laki, hugis at gaspang ng mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang paggamit ng paghawak bilang pagkilala ng mga bagay ay nakakapagpasigla sa utak. Dahil hindi ginagamit ang paningin, ginigising nito ang cortical areas na nagpro-proseso ng tactile na impormasyon. Ito ay nagdudulot ng masmatitibay na synapses.

6. Maglaro ng “10 things”

Bigyan ang bata ng isang bagay. Mula sa gamit na ito, kailangan niyang mag-isip ng 10 paraan na maaari itong gamitin bukod sa tunay na gamit nito. Halimbawa, ang badminton racket ay maaaring maging fly swatter, golf club, gitara, pamaypay, fencing mask, microphone, pala, sagwan, kawali at pang-kamot ng likod.

Ang pagpilit sa isip na mag-isip ng mga alternatibong paggamit sa mga araw-araw na kagamitan ay nakakapagpalakas dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

7. Art projects

Ipaguhit ang bata ng mga bagay na mauugnay sa isang tema. Maaaring itong maging panahon, emosyon o pangyayari.

Napapagana ng sining ang mga nonverbal at emosyonal na bahagi ng cerebral cortex. Sa paggawa ng sining, napapagana ang bahagi ng utak na nauugnay sa mga hugis, kulay, at textures. Nagiging logical din ang pag-iisip imbes na ang linear na pag-iisip na masmadalas na ginagamit.

8. Social na mga koneksyon

Ipakilala sa mga bagong tao ang iyong anak. Maging ang pag-hi sa mga hindi kilala na kanyang makakasalubong ay makakatulong dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa mga pag-aaral sa siyensiya, paulit-ulit nang napapatunayan na ang paglayo sa mga tao ay may negatibong mga epekto sa pangkabuohang cognitive abilities.

 

Source: RD

Basahin: STUDY: 10 paraan para matulungan ang bata na maging matalino

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement