Anu-ano na ang nasubukan niyong paraan pampatulog ng baby?
Hindi lingid sa kaalaman ng mga magulang na habang lumalaki ang bata ay hirap na itong patulugin. Hindi na sila katulad ng mga newborn na tulog lang halos buong araw.
Isang video ng babae ang nag-viral ngayon dahil sa kaniyang kakaiba at mapanganib na paraan na pampatulog ng baby: ang pagpapa-inom dito ng beer!
Ang viral video
Sa viral video mula sa Indonesia, makikita sa nasabing video ang isang babae na nasa kanyang 20’s ang umiinom ng beer. Matapos nitong tumungga ng alkohol ay binibigyan din niya ang karay-karay niyang bata.
Ang nagpost ng viral video ay ang ina ng bata. Kanya itong ‘pinost dahil sa galit at para ipahiya ang babae na nasa video na kanyang kasama sa boarding house kung saan sila nakatira.
Maririnig sa video na may nag-kumento na ang ginagawa ng babae ay hindi maganda.
Gano’n pa man, nagsalita pa ang babae sa wikang Sundanese na habang ang iba ay gatas ang pinapa-inom sa mga bata, beer ang pinapa-inom niya. Pagbaba ng bata sa babae, dito niya sinabi na binigyan niya ito ng beer para pampatulog sa baby.
Makikita sa lata ng beer na ito ay isang lokal na brand ng beer. Ngunit, hindi malinaw kung ang laman nito ay totoong beer o kaya naman ay napalitan na ng iba. Hindi rin malinaw kung ang babae sa video ang naatasan na mag-alaga sa bata at kung parati ba niya itong ginagawa sa bata.
Ang orihinal na video ay napanood na nang mahigit 300,000 na beses. Ngayon, naka-deactivate na ang account ng nanay. Wala ring balita kung ang babae na nasa video ay naisumbong sa mga pulis.
Panganib ng pag-inom ng alcohol sa mga bata
Lubos na mapanganib na painumin ang mga bata ng kahit na anong alcoholic beverages. Dahil maliit pa ang mga katawan nito, ang kaunting amount ng alkohol sa sistema nila ay katumbas na ng lagpas sa acceptable level ng alcohol sa blood ng adult upang payagan magmaneho!
Ang mga pangunahing epekto nito sa kalusugan ay ang sumusunod:
- pagbaba ng blood sugar na nagiging sanhi ng pagka-iritable, confusion, at seizures
- pagbaba ng body temperature na maaaring magdulot ng hypothermia
- delayed development kapag patuloy ang exposure nito sa alcohol
Tandaan: maaaring ikamatay ng bata ang pag-inom ng maraming alcohol. Kapag aksidente itong na-inom ng bata, dalhin agad sa ospital.
Source: Coconuts, Surabaya Tribun, Family Education
Basahin: Netizens lash out at father who posted a photo of his toddler drinking alcohol
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!