4 steps para mapatulog nang maaga ang bata

Ang pagkakaroon ng bedtime routine ay makakatulong sa mabilis na pagpapatulog sa inyong mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa mga pagsubok na kinakaharap ng mga magulang ang pagpapatulog sa mga bata lalo na kung ito'y nasa dalawang taong gulang na, alamin ang mga paraan ng pampatulog para sa iyong anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Paraan ng para mapatulog ang bata ng mabilis
  • Kahalagan ng pagkakaroon ng routine bago matulog

Photo by Helena Lopes from Pexels

 

Ang bedtime o oras ng pagtulog ay isa sa mga mahahalagang moment ninyo ng iyong anak. Dito kasi mas nakakaroon kayo ng oras na magkasama. Nalalambing ninyo ang inyong anak sa mga oras na ito. Para sa maraming pamilya ang bedtime o oras ng pagtuloy ay isa ring serye ng mga aktibidad mula sa pagsisilpiyo ng ngipin hanggang sa pagbabasa ng isang bedtime story sa iyong anak.

Masasabing madali lamang ang mga routine na ito at kasama na ito sa inyong pang-araw-araw na gawain. Pero alamin natin ang halaga at mga paraan sa pampatulog ng mga bata o ng inyong mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

4 steps para mabilis mapatulog ang bata at kahalagan nito

1. Magkaroon ng consistent na oras para sa pagpapatulog sa iyong anak.

Mahalaga ang pagkakaroon ng schedule o oras kung kailan dapat matulog ang iyong anak. Kailangan na tuloy-tuloy ang ganitong routine. Tandaang importante ang sapat na tulog para sa mga bata dahil nakakatulong ito para sa brain at cognitive development nila. Maaaring magkaroon ng negatibong epekto ito kung ito'y mao-overlooked.

Ang pagkakaroon din ng sapat at good night sleep ay makakapag-refresh sa inyong mga anak at mas makakapokus siya sa mga gawain niya sa susunod na araw.

2. Pagsisilpiyo sa gabi bago matulog.

Ang pagsisipilyo bago matulog ay isa sa mga awtomatikong routine bago matulog. Mahalaga ito sa kalusugan at hygiene ng kahit sino. Pero crucial ang pagsisipilyo bago matulog at pagkagising sa umaga. Ang hindi pagsisipilyo ay maaaring magdulot ng cavities, at kung hindi ito magagamot maaari itong madulot ng pananakit ng ngipin at hirap sa pagtulog. Sa ilang mga extreme cases maaari itong magdulot ng pagbunot sa ngipin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

8 kwentong pambata na bagay tuwing bedtime story

Mga Tips para sa Pagpapatulog kay Baby

6 na rason kung bakit kailangang matulog ng bata sa hiwalay na kuwarto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halos lahat ng bata sa mundo ay nagsa-suffer ng dental disease at ang ilan sa mga dental disease na ito ang kayang maiwasan sa tamang pagsisipilyo. Ang routine na ito'y hindi lamang makakatulong sa pagpapatulog sa inyong anak kundi makakatulong din sa kaniyang kalusugan.

3. Pagbabasa ng bedtime story sa inyong anak bago matulog.

Photo by Lina Kivaka from Pexels

Ang simpleng pagbabasa sa inyong anak bago matulog ay maraming benepisyo para sa mga bata. Makakatulong ito sa kaniyang language development, creative thinking, at iba pang critical cognitive functions na nai-stimulate ng ganitong klaseng mga aktibidad.

Maraming mga libro o storytelling books na may iba't ibang istorya na pwede sa inyong anak. Ang pagbabasa rin ng bedtime stories sa inyong anak ay makakatulong upang magkaroon ng mga priceless opportunities para sa inyong mga magulang upang maging kalahok kayo sa inyong anak sa creative at positibong paraan. Sa pamamagitan nito makakatulong ito na magkaroon ng soothing at relaxing effect sa mga bata kung saan mapapadali ang kanilang pagtulog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Magkaroon ng interactive at encouraging activities sa inyong pamilya.

Photo by Alex Green from Pexels

Ang pagkakaroon ng mga aktibidad araw-araw, katulad ng pagkakaroon ng mini games sa bahay ay makakatulong upang ma-establish ninyo ang routine sa inyong anak. Pwede rin naman na bigyan ang inyong anak ng task katulad ng pagtulong sa pagluluto o pagliligpit sa inyong bahay.

Sa pamamagitan din nito nae-enhance ang inyong relasyon sa inyong anak ang naglilikha ito ng stronger bonds sa pagitan ninyo. Nakakatulong din ito sa pag-promote ng prosocial development sa isang bata.

Ang pagkakaroon ng mga routine na kagaya nito ang makakatulong upang mabilis na mapatulong ang inyong mga anak. Sa pagkakaroon kasi ng routine nae-establish ang kaniyang kamalayan kung ano ang kaniyang mga gawain at kung anong oras na ba siya dapat matutulog. Kapag nakasanayan niya ang routine na ito madali na sa kaniya ang matulog sa gabi dahil alam na niya na ito'y oras ng pagtulog at hindi paglalaro.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa eksperto  

Sinabi ni George Ktsaras Ph.D isang psychologist, ang pagkakaroon ng magandang bedtime routine ay makakatulong sa inyong anak, "A good bedtime routine can help children sleep better, maintain good oral health, and promote their cognitive, language, emotional, and prosocial development."

Dagdag pa niya, "Obviously, bedtime routines are not a panacea-solution to all health, well-being, and development issues for children. Children’s overall wellbeing will be determined by a myriad of other contextual, environmental, genetic, and social factors. "

Hindi umano ibig sabihin nito hindi dapat pinapalampas ang bedtime routine at dapat tandaan na mayroon itong mahalagang espasyo sa pang-araw-araw na schedule ng inyong pamilya. Mainam itong para sa pampatulog ng bata.

Tandaan umano na ang pagkakaroon ng consistent na bedtime routine, ay nagpapataas ng tiyansa ng pagkakaroon ng magagandang benepisyo para sa inyong mga anak sa susunod na mga taon.

 

Source:

psychologytoday

 

Sinulat ni

Marhiel Garrote