Ibinahagi ni Pamu Pamorada sa pamamagitan ng Instagram story na hindi madali ang pagiging ina.
Pamu Pamorada feeling wonder woman sa unmedicated childbirth
April 13, 2023 nang ibalita ni former Pinoy Big Brother housemate Pamu Pamorada ang kaniyang panganganak sa pamamagitan ng Instagram post. Naikwento ni Pamu Pamorada kung gaano siya na-amaze na kinaya niya ang unmedicated vaginal delivery.
Aniya, “Grabe si Doc bev ginawa nya akong wonder woman amazing kasi na gulat lang din ako na kaya ko pala mag unmedicated vaginal birth. feeling ko at that time nag super saiyan ako habang na nganganak.”
Makalipas ang ilang araw ay nagpost si Pamu Pamorada ng Instagram story kung saan sinabi nito na nakakapagod ang maging ina. Bilang first time mom aniya, “Nakakapagod pero kakayanin.”
Ano nga ba ang unmedicated vaginal delivery?
Ang unmedicated vaginal delivery o “natural birth” ay tumutukoy sa natural na panganganak nang walang ano mang pain medication na gagamitin.
Karaniwang pinipili ito ng mga mommy dahil sa concern na ang epidurals o ang vaginal delivery na ginagamitan ng pain medication ay maaaring maka-interfere sa natural na response ng katawan sa pagle-labor at panganganak.
Hindi madali ang manganak sa pamamagitan ng unmedicated childbirth. May mga serious risk na kaakibat ang unmedicated births. Karaniwang nagkakaroon ng komplikasyon kung mayroong medical problem ang ina. O kaya naman mayroong isyu na pumipigil sa baby na natural na lumabas sa birth canal.
Ilan sa mga issue na maaaring maranasan ay ang mga sumusunod:
- Matinding pananakit
- Hemorrhoids
- Bowel issues
- Pagkapunit ng perineum o ng area sa likod ng vaginal wall
- Urinary incontinence
- Psychological trauma
Kaya naman, mahalaga ang paghahanda kung unmedicated birth ang napagdesisyonan mong paraan ng panganganak. Makakatulong ang pag-attend sa mga childbirth educational classes upang maging handa sa ano mang mangyayari sa iyong panganganak. Maaari din namang humingi ng payo sa iyong healthcare provider o sa midwife kung anong uri ng childbirth ang akma sa iyo.