Pananakit ng tiyan, sintomas na pala ng pagbubuntis
Ayon kay Patricia na mula sa New Jersey, hindi niya inakalang siya ay nagdadalang-tao pala.
Hanggang nitong March 28, nakaranas siya ng sobrang pananakit ng tiyan. Inakala niyang ito ay dahil sa food poisoning lang.
At nang magpunta siya sa kanilang banyo, bigla nalang may lumabas na isang baby mula sa kaniya.
Isang baby na nagbigay ng magkahalong gulat at saya sa kaniya na walang kaide-ideya na siya pala ay buntis at magiging isang ina na.
“By the time I got back to the toilet area all of a sudden a baby came sliding out. It was just like “oh my God, what are we even going to do”, kwento ni Patricia sa isang interview.
Dagdag pa niya, nakaranas rin siya ng pananakit ng tiyan ng mga nakalipas na buwan. Ngunit hindi niya ito pinansin lalo pa’t okupado ang kaniyang isip. Dahil sa hindi pa siya ganap na nakamove-on sa pagkawala ng kaniyang ama, isang taon na ang nakalipas.
“I was kind of just getting through day by day, keeping myself as busy as possible. Just zooming around”, sabi ni Patricia.
Nakaramdam din daw siya ng paggalaw sa loob ng kaniyang tiyan ilang linggo ang nakalipas bago sumumpong ang sobrang pananakit ng tiyan.
Ngunit hindi pumasok sa isip niya na ang mga paggalaw na ito ay maaring dahil may baby na sumisipa sa loob ng tiyan niya.
Maliban sa pananakit ng tiyan at paggalaw sa loob nito ay wala ng iba pang sintomas ng pagbubuntis na naranasan si Patricia.
Bagamat nabigla sa pangyayari ay sobrang saya naman daw ni Patricia at ng kaniyang asawang si Evan Darragh.
Matagal na nilang hinintay ang pagkakataon na ito na inakalang hindi na mangyayari matapos ang ilang subok nila.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ay nagsilang ng isang healthy baby boy si Patricia na pinangalanan nilang James.
Alinsunod ito sa pangalan ng ama ni Patricia na namatay sa parehong araw na ipinanganak niya ang kaniyang baby.
Dali-dali namang bumili ng mga gamit ng kanilang baby boy si Patricia at kaniyang asawa. Pareho nilang hindi inakala na ang pananakit ng tiyan niya ay senyales na pala na magiging mga magulang na sila.
Ika ni Patricia ang pagdating ng kanilang baby James ay ang pinakamagandang bagay sa mundo. Tila binigay daw ito ng kaniyang ama mula sa langit para hindi na siya malungkot pa.
Iba pang sintomas ng pagbubuntis
Ang isa sa palatandaan ng pagbubuntis ay ang missed period o ang hindi pagdating ng buwanang dalaw ng isang babae.
Ngunit may ilang kababaihan ang nakakaranas ng irregular period kaya naman minsan ay hindi rin ito nagiging reliable na basehan para sa kanila.
Ang iba pang early symptoms ng pagbubuntis ay morning sickness, smell sensitivity at fatigue na naiiba-iba naman ng severity o lala na mararanasan ng mga babae.
Madalas ay narerealize ng isang babae na siya ay buntis sa ika-lima o anim na linggo niya ng pagdadalang-tao.
Pero normal din sa ibang babae na marealize na siya ay buntis kapag siya ay 20 weeks o higit na nagdadalang-tao.
Ayon sa Healthline, narito ang mga sintomas ng pagbubuntis na mararanasan ng isang babae base sa weekly development ng kaniyang pagdadalang-tao.
Early symptoms ng pagbubuntis
|
Timeline (Mula sa missed period) |
Mga sintomas ng pagbubuntis |
Week 1 to 4 |
Spotting at mild cramping o pananakit ng tiyan |
Week 4 |
Missed Period |
Week 4 o 5 |
Fatigue o pagkaramdam ng pagkapagod |
Week 4 to 6 |
Nausea o pagkaduwal |
Week 4 to 6 |
Tingling o pananakit ng suso |
Week 4 to 6 |
Madalas na pag-ihi |
Week 4 to 6 |
Bloating o pakiramdam na tila puno ng hanging ang tiyan |
Week 5 to 6 |
Morning sickness |
Week 6 |
Mood swings |
Week 6 |
Pag-init ng temperature ng katawan |
Week 8 |
High blood pressure |
Week 9 |
Labis na pagkapagod at heartburn |
Week 8 to 10 |
Mabilis na tibok ng puso |
Week 11 |
Pagbabago sa suso at nipples |
Week 11 |
Pagkakaroon ng acne |
Week 11 |
Weight gain o pagtaba |
Week 12 |
Pregnancy glow |
Ang mga nabanggit ay ilan sa mga sintomas ng pagbubuntis sa isang babae.
Ngunit para makasigurado, ang pagsasagawa ng home pregnancy test ay makakatulong para makumpirma kung nagdadalang-tao ang isang babae matapos ang missed period.
Ito ay para mabigyan ng tamang pag-aalaga ang babaeng buntis at ang sanggol na kaniyang dinadala, ‘
Source: Healthline, DailyMail UK
Basahin: 5 pregnancy myths na hindi mo dapat paniwalaan ayon sa mga doktor
Photo: Freepix
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!