Pananakit ng tuhod kahit bata pa, ano ang dahilan at lunas nito?

Epektibong paraan ang RICE method, Rest, Ice, Compression, Elevation. | Lead image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa mga moms na mayroong makukulit na anak, mapapatanong kana lang talaga ng “Pananakit ng tuhod kahit bata pa, posible ba?”

Para sa mga batang aktibo sa larangan ng sports, ang pinaka ginagamit nilang parte ng katawan ay ang tuhod. Sa lahat ng pisikal na aksyon na ginagawa ng ating mga anak katulad ng pagtlon o pagtakbo, nagiging mahina ang kanilang tuhod dahil sa hindi inaashang aksidente o pananakit nito.

Mababasa sa artikulong ito ang:

  • Iba’t-ibang dahilan ng pananakit ng tuhod kahit bata pa
  • Sintomas ng pananakit ng tuhod
  • Kailan dapat pumunta sa doctor

Pananakit ng tuhod kahit bata pa, ano ang dahilan at lunas nito?

Maliit man iyan o malaking napananakit,  kinakailangang magamot ito at bigyan ng lunas. Narito ang posibleng dahilan at gamot sa pananakit ng tuhod ng bata.

Pananakit ng tuhod kahit bata pa, ano ang dahilan at lunas nito? | Image from iStock

1. Bacterial infection

Sintomas: Ang bacterial infection ay isa sa dahilan ng pananakit ng tuhod kahit bata pa. Kung pansin mong namamaga ang tuhod ng anak mo, maaaring may namumuo ritong nana na dahilan ng bacterial infection. Maituturing itong seryosong kondisyon kung bakit hirap makalakad ang anak mo.

Kailan pupunta sa doktor? Pumunta agad sa iyong doktor kapag mas sumakit o dumoble ang pamamaga ng kaniyang tuhod sa isang araw.

2. Juvenile Arthritis

Sintomas: Pansinin ang tuhod ng iyong anak. Mainit at namumula ba? Ito’y maaaring juvenile arthritis ng bata. Para sa mga batang atleta, ang juvenile arthritis ay makikita sa unahang parte ng kanilang tuhod. Maaaring mangyari ito sa mga batang 6 months old hanggang 16 years  old.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailan pupunta sa doktor? Agad na pumunta sa doktor kung makikita ang mga sintomas na ito.

3. Osgood-Schlatter Disease

Sintomas: Ang kondisyon na Osgood-Schlatter Disease ay isa rin sa posibleng dahilan ng pananakit ng tuhod kahit bata pa. Isa itong kondisyon kung saan namamaga ang tuhod ng iyong anak kung saan ang shin bone ay nakakonekta sa knee cap. Karaniwang nararanasan ang Osgood-Schlatter Disease ng mga batang papunta sa puberty stage o kaya naman mga atleta.

Kailan pupunta sa doktor? Makakatulong ang gamot at pahinga sa iyong anak. Ngunit agad na pumunta sa doktor kapag mas dumoble ang pamamaga nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pananakit ng tuhod kahit bata pa, ano ang dahilan at lunas nito? | Image from iStock

4. Jumper’s Knee

Sintomas: Ito ay dahil sa matinding pagtalon o squatting. Lubos na naaapektuhan nito ang tendon fibres at pamamaga ng tuhod ng iyong anak.

Kailan pupunta sa doktor? Mas mabuting pagpahingahin muna ang iyong anak sa sports o jumping activities. Ngunit kung ang pamamaga at pananakit ay lumala, agad na dalhin siya sa doktor.
BASAHIN:

5. Soft Tissue Knee Injuries

Sintomas: Ang soft tissue knee injury ay karaniwang nakikita sa mga batang aktibo sa pisikal na gawain at isa rin sa madalas na tinuturong dahilan ng pananakit ng tuhod kahit bata pa. Ito’y dahil sa matinding pressure sa kanilang muscle, ligaments at tendons.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailan pupunta sa doktor? Maaaring lagyan ng ice pack, bandage compression samahan pa ng pahinga ang tuhod ng iyong anak, ngunit kung lumala ito, agad na magpatingin sa doktor.

Sintomas: Ito ay kilala bilang “runner’s knee”. Ang patellofemoral pain syndrome ay dahil sa matinding weight pressure sa tuhod na nagiging dahilan ng displacement nito. Kadalasan itong nangyayari sa mga teenager at batang atleta. Makakaranas ng pananakit ng tuhod kapag naka-squat, tumatalon o ibang aktibidad na kinakailangang itupi ang tuhod.

Kailan pupunta sa doktor? Maaring gawin ang RICE method (Rest, Ice, Compression, Elevation) para gamutin ang iyong anak. Ngunit pumunta agad sa doktor kung sakaling nanatili pa rin ang sakit.

7. Quadricep’s Tendinitis

Sintomas: Ang quadricep’s tendonitis ay injury na naaaektuhan ang quadriceps muscles. Kadalasan itong nararanasan ng mgaatleta. Mararamdaman ang pamamaga at pananakit ng ibabang parte ng hita, sa itaas ng patella.

Kailan pupunta sa doktor? Maaaring magamot ito ng anti-inflammatory medicines ngunit agad na pumunta sa doktor kung nararanasan pa rin ang mga sintomas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pananakit ng tuhod kahit bata pa, ano ang dahilan at lunas nito? | Image from iStock

8. Tumor

Sintomas: Ang tumor sa may tuhod ay ang mildest form ng pananakit ng tuhod. Kinakailangan na bantayan ng mga magulang ito. Lalo na kung may namumuong tissue sa kanilang tuhod. Ang pananakit ng tuhod na ito ay mas mainam na maagang matukoy upang maagapan.

Kailan pupunta sa doktor? Agad na magpatingin sa doktor kung lumala ang tuhod ng iyong anak.

Gamot sa pananakit ng tuhod

Kung nabanggit sa itaas ang kondisyon ng iyong anak, maaaring gawin ang pinaka-epektibo sa lahat, ang RICE method. Kinakailangang magamot agad ang tuhod nila ara hindi ito lumala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Sabihan ang iyong anak na iwasan ang matinding pressure sa kanilang tuhod at kung maaari, magpahinga na lang muna. Ayon sa NHS, kinakailangang iwasan muna ang pagtayo ng mahabang oras.
  • Maglagay ng yelo sa apektadong parte. Sa loob ng 2o minutes, maaaring iwanan sa ibabaw ng tuhod ang ice pack na ito kada dalawa o tatlong oras.
  • Maglagay ng mahigpit na wrap sa tuhod na namamaga. Ngunit tandaan na ‘wag masyadong mahigpit dahil maaaring lumalala ang kondisyon nila.
  • Ang pagtaas ng tuhod ay parte rin ng RICE method. Nagagawa nitong mawala kahit papaano ang weight pressure sa tuhod nila. Gumamit ng malambot na unan para rito.
  • Imasahe ang paligid ng apektadong parte ng tuhod ng iyong anak. Maaari itong gawin kung hindi masyadong namamaga ang kanilang tuhod.

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Sinulat ni

Mach Marciano