LOOK: First birthday ni Baby Pancho Bacarro

lead image

Masayang nagcelebrate ng isang Mexican-themed birthday party si Baby Pancho Bacarro. Samantalang, isang kanta naman ang ginawa ng mga musicians parents nito na sina Saab Magalona at Jim Bacarro para sa yumaong kambal nito na si Luna.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Baby Pancho Bacarro ay anak ng mga musicians na sina Saab Magalona at Jim Bacarro. Nito nga lang Sabado, February 16 ay nag-celebrate ito ng kaniyang 1st birthday na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan na ibinahagi nila sa Instagram.

Pancho Bacarro first birthday

Hindi nga pinalampas ng mag-asawa ang huge milestone na ito sa buhay ng kanilang Baby Pancho Bacarro na isinelebrate nila in style, sa pamamagitan ng isang Mexican-themed party!

Napuno nga ang party venue ni Baby Pancho ng mga colorful banderitas at balloons.

Samantalang, very playful naman ang pagkakaayos ng mga wooden picnic tables na may colorful printed covers sa may pool-side ng bakuran nina Saab Magalona at Jim Bacarro. Nilagyan ito ng mga mariachi hats, maracas at cactus bilang centerpiece para sa dagdag na Mexican feel.

Image screenshot from Saab Magalona’s Instagram post

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lahat naman ay nag-enjoy lalo na ang mga bata sa birthday ni Baby Pancho Bacarro na may dedicated play area na puno ng mga laruan at libro. May table din na inihanda na kung saan puwede silang mag-decorate ng sarili nila maracas o gumawa ng slime kits.

Image screenshot from Saab Magalona’s Instagram post

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi rin naman siyempre nagpahuli ang three-tiered birthday cake ni Baby Pancho na dinesenyohan ng mga banderitas at piñata para sa Mexican touch nito.

Image screenshot from Saab Magalona’s Instagram post

Dinaluhan ng mga pamilya at kaibigan nina Saab Magalona at Jim Bacarro ang napaka-importanteng event na ito sa buhay ng kanilang Baby Pancho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Present sa event ay ang ina ni Saab na si Pia Magalona at ang mga magulang ni Jim na sina Gerry at Bing Bacarro.

Ilan naman sa mga celebrities na nagpunta sa okasyon ay malalapit na kaibigan nina Saab at Jim na sina Brent Javier, Janna Tee at ang magkapatid na sina Megan at Lauren Young.

image screenshot from Brent Javier Instagram account

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahit nga tila pagod na sa pag-aasikaso sa birthday party ng kanilang anak ay nagbigay parin ng oras sina Saab at Jim Bacarro na kantahan ng isang sweet happy birthday song si Baby Pancho sa kaniyang first birthday.

Luna at Pancho Bacarro twins

Samantala, para naman alalahanin rin ang pagkawala ng kambal ni Baby Pancho na si Luna ay sumulat ng isang kanta sina Saab at Jim para dito.

Si Luna ay ang kambal ni Baby Pancho na binawian ng buhay dahil sa kumplikasyon ilang oras matapos maipanganak ito ng premature.

Sa isang Instagram post nga ni Jim ay ibinahagi nito ang kanta na ginawa nila ng asawang si Saab na 6 years in the making.  Nakumpleto lang nilang sulatin ang kanta matapos mawala si Luna na kung saan narealize nila na ito ay para pala sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang kanta na may title na “Luna” ay nai-released sa mismong araw ng birthday ni Luna at Pancho noong February 8 na maaring marinig sa Youtube at Spotify.

Sources: Inquirer, PEP.ph, PEP.ph

Basahin: Look: Preemie baby ni Saab Magalona nabinyagan na