Hindi pinanghinaan ng loob ang isang ama ng 4-year old boy para maiahon ang kanilang negosyo sa kabila ng pandemya na tumama sa buong mundo. Alamin dito kung paano sila naka-survive sa mga pagsubok na dulot ng lockdown.
Mababasa sa artikulong ito:
- Paano nagsimula ang ice manufacturing plant business?
- Challenges faced during the pandemic
- How did Coy’s ice manufacturing plant surpass the challenges
- Advice for those who want to start a business
Binahagi ng isang ama na si Coy de los Santos ang pinagdaanan ng kanilang negosyo buhat noong tumama ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas.
Paano nagsimula ang ice manufacturing plant business?
Unang pinasok ni De los Santos ang mundo ng advertising, malayo sa kaniyang kasalukuyang negosyo sa pagawaan ng yelo.
Ayon kay Coy, ang kaniyang unang pinagkaabalahan ay ang pagbuo ng advertising company para sa mga billboard at street banner.
Tumagal ng ilang taon ang naturang negosyo ni Coy, ngunit nagkaroon ng opportunity sa Boracay dahil lang sa ice cream.
May mga hawak na pampasadang tricycle sila Coy noon sa mala-paraisong isla. Ang pinamahala nila sa mga tricycle ay dati ring suma-sideline sa pagawaan ng dirty ice cream.
Ayon sa manager noon ng mga pampasadang tricycle ni Coy, hirap siyang makakuha ng yelo sa mga ice plant o hindi kaya ay kailangangang magbayad ng doble para lang ma-suplayan nito.
Kaya naman naisipan ni Coy na pasukin ang negosyo ng paggawa ng yelo. Kaniyang binenta ang kanilang mga tricycle at ginamit na puhunan ang nakolektang kapital.
“Since we just sold our tricycles, we used the proceeds to start an ice plant. We did not know a single thing about setting up an ice manufacturing plant let alone market and run its day to day.”
“But we saw the value the business can provide the island specially to the small vendors which we intended to prioritize.”
Espesyal din para kay Coy ang Boracay kaya doon niya napiling simulan ang negosyo. Doon niya nakilala ang kaniyang misis at sa isla rin sila nagpakasal.
“My wife and I visit the island yearly. We met and got married there, we love the island and the people very much and have always wanted to have a reason to always go back.”
“We liked to beachfront resort life, but the island community has always been something we wanted to be part of.”
Kaya naman noong magkaroon sila ng opportunity para makapagsimula ng sariling negosyo at makalaya sa ‘unwanted stress’ ay hindi na nila ito pinalampas.
Challenges faced during the pandemic
Ngunit matinding pagsubok ang tumama sa kanilang negosyo na ice manufacturing plant dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19. Bukod sa sarado ang lahat ng negosyo, lalong nahirapan sila Coy dahil sila ay nasa Boracay.
Kilala ang isla ng Boracay bilang top tourist destination hindi lang sa Pilipinas, kundi pati sa buong Asia. Kaya naman noong ipahinto ang pagbiyahe ng mga turista ay isa ang negosyo ni Coy sa lubhang naapektuhan ng pandemya.
“When the borders closed and tourist travel stopped, most of the workers of hotels and restaurants had to leave because there were no more jobs available for them. Most business had to close because tourist arrival was zero for months without an end in sight.”
Doon sila naharap sa matinding desisyon kung saan kailangan nilang mamili — isarado muna ang kanilang planta para hindi malugi, o kaya ay ipagpatuloy ang operasyon kahit hindi tiyak kung kailan muling sisigla ang negosyo.
Hindi lang si Coy ang maapektuhan sakaling isarado ang kanilang planta. Ito ay dahil maraming empleyado rin ang umaasa sa kanilang ice manufacturing plant.
Kahit pa manatili sa kanilang staff house ang kanilang mga tao ay hindi pa rin ito sapat. Kailangan pa rin nilang tustusan ang kanilang mga pangangailangan tulad ng pagkain at iba pang bilihin.
BASAHIN:
Andi Eigenmann and Philmar Alipayo to start a business in Siargao: “We’re excited!”
How did Coy’s ice manufacturing plant surpass the challenges
Inasahan na ni Coy na may ilang team member nila ang kakailanganing umalis sa isla. Ito ay para makasama nila ang kanilang pamilya at maghanap ng ibang pagkakakitaan.
Ngunit sa kabila ng pandemya, nanatiling matatag ang natirang empleyado sa negosyo ni Coy. Pinagpatuloy nila ang operasyon ng ice manufacturing plant.
Ito ay kahit pa kinailangan nilang magkaroon ng adjustment sa sahod at shift. Hindi man ito malaki ay naging sapat na ito para makabili ng kanilang mga pangangailangan.
“Our team was smaller but we were able to rotate their shifts better. We also maintain the hybrid of fixed and variable compensation scheme that was created during the 6-month closure of the island.”
“This allowed us to cover our overhead and at the same time continue to provide jobs. Our staff house was still available and we regularly provided essentials for them.”
Nang magbukas ang Boracay sa mga turista, handa na ang team ni Coy. Ngayon ay mas kumikita na ang kaniyang mga empleyado at mas lalo silang motivated sa pagtatrabaho.
Naging malaking tulong din sa negosyo kahit may pandemya ang pagkuha nila ng iba’t ibang kliyente — mula sa malalaking hotel at restaurant hanggang sa mga tindero sa palengke at mga mangingisda.
Ayon kay Coy, nakatulong ang mga maliliit na negosyo para manatiling bukas ang kanilang ice manufacturing plant.
“During the closures, it was the small players that were most resourceful and creative. And this helped our ice business stay afloat.”
“Most left their rented spaces and decided to sell house to house. They sold anything that was worth selling at that time.”
Advice for those who want to start a business
Para kay Coy, mahalaga na tanggapin ang failure sa buhay at huwag matakot dito. Isa sa kailangang malaman sa pagsisimula ng negosyo ay ang mga risk.
“I often tell my teams to embrace failure and not be afraid of it. We lose more in inaction than in failing. We don’t need everything to align before we move, we move so the rest will align.”
Kaya mahalaga na laging maging inspirado sa ginagawa at iwasan ang magduda sa inyong mga papasuking negosyo.
“Business ventures always has risks, doubt and fear will always linger. So best to always find ways to keep yourself motivated and inspired.”
Ang McKoolit Ice Co. ni Coy de los Santos ay matatagpuan sa Sitio Bantud, Brgy. Manocmanoc, Boracay, Aklan.