Kamakailan lang ay nagkaroon ng kaguluhan sa social media, matapos mayroong mag-post ng mga larawan ng batang babae na nakabikini. Ayon sa ulat ay para raw ito sa isang car show, ngunit maraming netizens ang nagsasabi na ito raw ay pang-aabuso ng bata.
Pagsusuot ng bikini, pang-aabuso nga ba sa bata?
Nangyari raw ang insidente sa China, kung saan ibinahagi ang ilang larawan sa Weibo, ang Facebook sa China. Makikita sa mga larawan na ito ang ilang mga batang babaeng edad 4-5 na nakasuot ng bikini, at naka-pose na parang model sa isang car show.
Halos lahat ng comments dito ay binatikos ang organizer pati na ang event, at sinabing hindi tama ang ginawa nila sa mga bata. Dagdag pa ng isang netizen, nasisira raw ng ganitong gawain ang mga kabataan sa China. Bukod dito, iresponsable rin daw ang mga magulang ng bata.
Ayon naman sa ina ng isa sa mga bata, wala naman raw mali sa gingawa nila. Hindi raw dapat lagyan ito ng malisya dahil isinali lang raw niya ang anak niya sa contest para mag-model. Aniya, makakatulong raw ito sa confidence ng kaniyang anak, at hindi naman bawal na magsuot ng bikini ang mga bata.
Base sa naging statement ng organizer, nagsagawa sila ng kompetisyon para maghanap ng mga models na mag-ina. Hindi raw naman nila pinilit na magsuot ng bikini ang mga bata, at wala raw sa patakaran na kailangan magsuot ng bikini.
Heto ang ilang mga larawan ng insidente:
Ano ang posibleng maging epekto nito sa mga bata?
Ayon kay Feng Jialin, isang researcher mula sa Hubei Academy of Social Sciences, posible raw magkaroon ng masamang epekto ang pagsusuot ng ganitong mga damit sa mga bata.
Ito ay dahil posible raw na isipin ng mga bata madaling paraan para kumita ang paggamit ng kanilang katawan. Posible raw na hindi na sila magpatuloy sa pag-aaral, at hindi na magpursigi sa pag-aaral.
Bukod dito, naaapektuhan rin daw ng ganitong mga damit ang sexual development ng mga bata. Hindi rin daw angkop ang ganitong klaseng damit sa mga bata, at hindi rin ito katanggap-tanggap para sa karamihan.
Source: China Smack
Basahin: Why moms and dads need to talk to their kids about sexual harassment
Photo from: China Smack
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!