Ina, sinaktan ang anak niya para umano bumalik lang ang kinakasama

Narito ang maaring mangyari sa sinumang lalabag sa batas na pumoprotekta sa karapatan ng mga bata at kababaihan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pang-aabuso sa anak, iyan ang pumasok sa isip ng isang ina para bumalik lang ang kinakasama sa kaniya.

Ito ang pag-amin ng ina mula sa Lucena, Quezon na nakuha pang kunan ng video ang pananakit sa anak saka ipinadala sa ama ng bata.

Image screenshot from ABS-CBN News video

Pang-aabuso sa anak ng isang ina

Sa isang video na pinadala ni alyas Julie sa kaniyang dating kinakasama ay makikita itong sinasaktan ang kaniyang 2 taong gulang na anak na itinago sa pangalang Heidi.

Habang umiiyak ay makikitang paulit-ulit na sinasampal ni Julie ang anak na si Heidi. Sinundan pa ito ng pagpiga ng ina sa mukha ng anak.

May larawan ding ipinadala si Julie na kung saan makikitang tinatakpan ng unan ang mukha ng bata.

Habang may isa pang larawan na tila hinihiwa ang likod ng bata gamit ang isang kutsilyo na kung saan makikita na may dugo pa rito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakita ng lola ng mga bata ang mga larawan at video kaya naman agad itong humingi ng tulong sa mga pulis para masagip ang kaniyang mga apo.

Sa pagtutulungan ng mga pulis at social workers ng City Social Services ng Lucena City ay nasagip ang 2 taong gulang na bata pati ang isa pa nitong tatlong taong kapatid.

Depensa ng ina

Pahayag ng ina, hindi raw totoo ang makikita sa video na pang-aabuso sa anak niya. Kunwari lamang daw ito at kaniya lang ginawa para bumalik ang nang-abandona niyang kinakasama na ama ng bata.

Paliwanag niya, hindi raw dugo ang makikita sa isang larawan. Liptint lang daw ito na sadya niyang inilagay para mag-mukhang dugo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kasi po gusto ko sanang umuwi siya, tulungan man lang niya ako, makonsensiya siya.” Ito ang giit ni Julie.

Dahil ayon sa kaniya iniwan siya ng kinakasama habang may sakit pa ang mga anak nila. At mariin niyang sinasabi, mahal na mahal niya daw ang mga anak at hindi niya ito kayang saktan. Hindi niya lang daw alam ang gagawin noon dahil wala siyang kapera-pera para matustusan ang kailangan ng mga anak.

“Wala po akong balak manakit ng anak ko, dahil kung may balak ako dapat hindi ko na ginagamot ang mga anak ko”, dagdag na dipensa ni Julie.

Ayon naman sa lola ng mga bata na humingi ng tulong para masagip ang kaniyang mga apo, hindi daw totoo ang sinabi ni Julie na sila ay inabandona ng anak niya. Mahal na mahal niya daw ang mga bata, kaya nga ng makita ang video at larawan na pinadala ni Julie ay nakiusap siya sa ina na kunin na ang mga anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagsusuri sa bata

Sa pagsusuri ng mga social workers ay wala namang sugat na nakita sa dalawang taong gulang na bata. Pero mali parin daw ang ginawa ng ina kaya naman pansamantala ay mapapasa-ilalim ng pangangalaga nila ang bata at ang kapatid nito.

“Kung ano ang planong ng nanay kung siya ay maghahanap ng trabaho ang mga bata ay sa amin muna pong pangangalaga”.

Ito ang pahayag ni Ginang Eunice Rodolfa, social worker mula sa City Social Welfare Office ng Lucena City.

Sa ngayon ay pinag-aaralan pa kung kakasuhan ang ina sa ginawang pang-aabuso sa anak. Ngunit habang isinasagawa ito ay dadaan sa counseling ang ina para maliwanagan ang isip niya.

Ayon sa City Social Welfare Office ng Lucena ay handa rin naman silang tulungan si Julie kung gusto niyang kasuhan ang kinakasama na nag-abandona umano sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaso na haharapin sa pang-aabuso ng anak o bata

Ang pang-aabuso sa mga bata ay ipinagbabawal sa ilalim ng batas na Republic Act No. 9262 (2004) o mas kilala sa tawag na Anti-Violence Against Women and Their Children Act. Ito ang batas na pumuprotekta sa karapatan ng mga bata pati na mga kababaihan mula sa iba’t-ibang klase ng pang-aabuso o karahasan. Tulad ng pisikal na karahasan, sekswal na karahasan, sikolohikal na karahasan gaya ng pananakot pati na ang pinansyal na karahasan o hindi pagsusustento.

Ang sinumang lumabag sa batas na ito ay maaring makulong at magmulta ng hanggang P300,000.00.

Sa pagkakataong may nalamang kaso ng pang-aabuso ay maari itong i-report sa barangay na pinangyarihan ng insidente.

Dito ay maari ng magsampa ng reklamo at kung pipiliing magsampa ng kaso ay maaring i-deretso ito sa mataas na level na nangangailangan na ng tulong ng abugado.

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

ABS-CBN News, Philippine Commission on Women

Basahin: Pang-aabuso sa 1-anyos, nakunan sa video