VIRAL: Vlogger, sinilaban ng dating asawa sa gitna ng kaniyang livestream

Rinig na rinig ng kaniyang mga followers ang malakas na sigaw bago maging black ang screen ng livestream. | Lead image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa gitna ng nangyayaring pandemya sa buong mundo, buhay na buhay pa rin ang pang aabuso sa kababaihan. Kamakailan, isang sikat na vlogger mula China ang sinilaban ng buhay ng kaniyang asawa habang ito ay nasa gitna ng pakikipag-usap sa kaniyang follwers online.

Chinese vlogger Lamu death

Hindi nagawang makaligtaas ng isang 30-year-old Chinese vlogger na si Lamu matapos siyang silaban ng dati nitong asawa habang siya ay nasa gitna ng livestream o pakikipag-usap sa kaniyang fans. Matapos ang dalawang linggo, namatay ito noon lamang September 30 dahil sa tinamong matinding lapnos sa katawan.

Pang aabuso sa kababaihan | Image from Weibo and Douyin

Mayroong halos 885,000 followers si Lamu sa Douyin, ang chinese version ng TikTok. Sumikat siya dahil sa pagbabahagi niya ng kaniyang daily life sa rural mountain region sa probinsya Sichuan, China.

Kadalasan mong mapapanood sa kaniyang videos ang paglalakad niya sa bundok, pagluluto at pag-lipsync ng mga kanta suot ang traditional Tibetan clothing.

Nangyari ang insidente noon lamang nakaraang buwan, September 14. Mabilis kumalat sa social media ang balitang ito dahil sa pang-aabuso.

Rinig na rinig ng kaniyang mga follower ang malakas na sigaw bago maging black ang screen ng livestream.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa Beijing Youth Daily, sapilitang pumasok ang dating asawa ng Chinese vlogger na si Lamu sa bahay nito. Makikita rin ang kutsilyong hawak nito bago binuhusan ng gasolina ang buong katawan ng babae.

Ang nasabing dating asawa ng vlogger ay si Tang. Ayon sa imbestigasyon, nagalit ito dahil sa hinihinging divorce ni Lamu. Napag-alaman din na mayroon na itong history ng domestic violence.

May dalawang anak sina Lamu at Tang.

Nagkaroon ng matinding burns sa halos 90% ng katawan si Lamu. Para sa tulong pinansyal, nakalikom ng halos one million yuan ang mga netizen para sa pamilya ng biktima.

Makikita sa huling video na pinost ni Lamu na siya’y kumakanta ng traditional Tibetan song habang nakasuot ng traditional clothing bilang pasasalamat sa kaniyang fans. Ang video na ito’y in-upload sa araw ng insidente sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pang aabuso sa kababaihan | Image from Unsplash

Pang aabuso sa kababaihan: Ano ang kaso sa pananakit ng asawa?

Ang Republic Act 9262 o mas kilala bilang Violence Against Women and their Children Act of 2004 ay isang kasong kailangang isampa sa mga mapang-abusong partner katulad ng:

  • Legal na asawa o dating asawa
  • Live-in partner o dating live-in parter
  • Boyfriend/Girlfriend o ex-boyfriend/ex-girlfriend
  • Dating partner o former partner

Maaari namang magsampa ng kaso bukod sa mga biktima ang:

  • Magulang/guardian
  • Grandparents
  • Anak o apo
  • Iba pang kamag-anak (Tito, tita, in-law, pinsan)
  • DSWD workers
  • Police
  • Lawyers
  • Health care providers
  • Local officials

Pumapasok sa Republic Act 9262 kapag ikaw ay berbal, emosyonal, sekswal, economic o pisikal na inaabuso ng iyong partner. Mahigpit na pinoprotektahan nito ang kababaihan at bata. Ngunit puwede ring masampahan ng kaso ang mga partner na lesbian o girlfriend, former man ‘yan o kasalukuyan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang ang mga inaabusong lalaki naman ay maaaring maghain ng reklamo sa ilalim ng Revised Penal Code.

Pang aabuso sa kababaihan | Image from Unsplash

Sa ilalim ng batas na ito, maaaring mag-apply ng ‘Protection Order’ ang mga magsasampa ng kaso. Kung sakaling makumpirmang may sala o talagang nananakit ang akusado, maaaring umabot ang kaniyang pagkakakulong mula 20 years, depende sa kaniyang kinakaharap na kaso. Maaari namang magbayad ng danyos mula 100,000 pesos hanggang 300,000 pesos.

Bukod dito, kailangan ding dumaan siya sa psychological counseling o psychiatric treatment.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaso sa pananakit ng asawa: ‘Wag ipagsawalang bahala ang pang-aabuso

Kung sakaling nararanasan ang pang-aabuso na ito, ‘wag magdalawang isip na tawagan ang mga numerong ito:

Department of Social Welfare and Development (DSWD) NCR Ugnayang Pag-asa Legarda, Manila Crisis Intervention Unit (CIU) Tel. Nos.: (02) 734-8617 to 18   Philippine National Police (PNP) Women and Children’s Concern Division (WCCD) Tel. No.: (02) 723-0401 loc. 3480 Call or text 117 (PATROL 117)   National Bureau of Investigation (NBI) Violence Against Women and Children’s Desk (VAWCD) Tel. Nos.: (02) 523-8231 loc. 3403; 525-6098   Public Attorney’s Office, DOJ Tel. Nos.: (02) 929-9010; 929-9436 to 37   Philippine General Hospital (PGH) Women’s Desk Tel. Nos.: (02) 524-2990; 521-8450 loc. 3816   Women’s Crisis Center Women and Children Crisis Care & Protection Unit – East Avenue Medical Center (WCCCPU-EAMC) Tel. Nos.: (02) 926-7744; 922-5235

 

This article was first published on AsiaOne and translated with permission from theAsianparent Singapore

 

BASAHIN:

Papatawarin ko ba ang asawa ko kahit sinasaktan niya ako physically?

Isang taong gulang na bata nakunan sa CCTV na sinasaktan ng yaya

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano