Para sa mga magulang, mahalaga ang pangangalaga sa kapakanan ng kanilang mga anak. Kasama na rito ang paninigurado na sila ay malinis, may sapat na pagkain, at naaalagaang mabuti. Minsan, mayroon pa ngang mga magulang na ayaw madapuan ng lamok ang kanilang mga anak, at gagawin nila ang lahat para maging malinis at malusog ang kanilang mga anak.
Ngunit para sa 5 batang naging biktima ng pang-aabuso at kapabayaan, hindi sila nabigyan ng ganoong pagkakataon. Ito ay dahil naging pabaya ang kanilang mga magulang, at hindi naibigay sa kanilang ang pag-aaruga na nararapat ibigay sa kanila.
5 batang biktima ng pang-aabuso, ni-rescue ng mga awtoridad
Nangyari ang insidente sa Wolcottville, Indiana, kung saan na-rescue ng mga awtoridad ang 5 bata. Ayon sa mga ulat, punong-puno raw ng kuto ang mga bata, at may iba’t-iba pang mga sakit sa balat. Bukod dito, sila raw ay malnourished at nangangailangan raw ng emergency care.
Natimbrehan ang mga awtoridad nang may makuha silang report tungkol sa mga malnourished na bata sa tahanan. Dahil dito, nagsagawa ng imbestigasyon ang mga pulis upang kumpirmahin nga ang report.
Noong una ay hindi pa raw sila hinayaang pumasok ng bahay ng mga nakatira rito, pero mayroon silang “emergency removal order” kaya’t nakapasok sila sa bahay. Nagulat na lang sila nang makitang punong puno raw ng dumi ng tao ang bahay, at marami pang nakakalat na mga diaper.
Di nagtagal at natagpuan rin nila ang 5 bata na iniulat na biktima ng pang-aabuso, at kalunos-lunos raw ang kanilang kalagayan nang matagpuan sila.
Kinailangan raw butasin ang buto ng sanggol para sa IV
Nasa edad 7,5,4,1, at 3-buwan raw ang mga bata, at lahat sila ay nanghihina at kulang na kulang sa nutrisyon. Mayroon pa raw sakit sa balat ang mga bata, at napakarami raw nilang mga kuto.
Dahil raw sa lala ng kondisyon ng sanggol, kinailangang butasin ang buto nito, para lang magkabit ng IV para masagip ang buhay niya.
Ayon sa mga tagapagbantay ng mga bata, na isang babae at 2 lalake, wala raw silang pera upang alagaan ang mga bata at bilhin ang kanilang pangangailangan. Bukod dito, sinabi pa raw nilang “tamad” sila kaya hindi nila nililinis ang bahay.
Kakasuhan sila ng kasong negligence ng mga pulis, na isang uri ng felony, o matinding krimen sa US. Dahil dito, posibleng makulong ang mga suspek dahil sa ginawa nilang kapabayaan.
Sa kasalukuyan ay bumubuti na raw ang kalagayan ng mga bata. Bagama’t hindi pa rin sila nasa tamang timbang at mabuting kalusugan, bumubuti na raw ang kanilang kalagayan.
Sana ay magsilbing aral ang kuwentong ito upang hindi maging pabaya ang mga magulang sa kanilang mga anak.
Source: WKBN
Basahin: Sadistic husband forces wife into prostitution, sexually abuses 6-year-old daughter
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!