Pang-aabuso sa mga kababaihan, paano nga ba maiiwasan ng iyong anak na babae?
Amang minolestiya ang sariling anak
Isang 9-anyos na batang babae ang maagang nakaranas ng pang-aabuso sa mga kababaihan. Ang suspek ay ang kaniyang sariling ama na edad 44-taong gulang.
Ayon sa report ng Channel News Asia, minolestiya umano ng ama ang kaniyang sariling anak ng paulit-ulit. Ito ay kaniyang naisagawa sa mga panahong nasa labas ng bansa at nagtratrabaho ang kaniyang asawa.
Ang pangmomolestiya ay napag-alaman sa pamamagitan narin ng bata na ikinuwento ito sa kaniyang ina.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, una umanong nangyari ang pangmomolestiya bago pa noong May 2018. Ito ay matapos uminom at malasing ang ama ng bata.
Kukuha raw sana ito ng damit sa kanilang cabinet ng makita niya ang kaniyang anak na nakahiga sa kama at natutulog. Tinabihan niya raw ito at niyakap. Saka daw ito nakaramdam ng sexual arousal. Kaya naman ikinikiskis nito ang kaniyang ari sa anak upang makaraos.
Naulit nga ito noong May 2018 na sinundan pang muli noong Seytembre ng parehong taon. Naisasagawa ito umano ng suspek sa tuwing siya ay lasing. At sa tuwing wala at nasa ibang bansa ang kaniyang asawa.
Pagkukwento ng bata
Alam daw ng bata sa tuwing ginagawa ito ng kaniyang ama sa kaniya. Dahil siya ay nagigising at nakikitang ito ang kaniyang katabi. Ngunit pinili nitong huwag munang sabihin dahil siya ay natatakot at baka pagsimulan ito ng away sa pagitan ng kaniyang mga magulang.
Hanggang sa noong August 2018 ay hindi na napigilan ng bata na hindi ito ikuwento sa kaniyang ina.
Ito ay matapos maging biro sa kanilang eskwelahan ang tungkol sa pakikipagtalik. O ang pagkakaroon ng kontak ng ari ng lalaki at babae. Ayon sa bata, ito daw ang parehong ginawa sa kaniya ng kaniyang ama habang suot ang kaniyang damit sa loob ng sarili niyang kwarto.
Ito ang naging mitsa upang humingi ng tulong sa isang grupo ang ina ng bata. Ayon sa kaniya, nakaranas ng pang-aabuso sa mga kababaihan ang kaniyang anak. At dahil dito ay nasira na ang tiwala niya sa kaniyang asawa.
Hatol ng korte sa ginawa ng ama
Hindi naman itinanggi ng ama ang kaniyang nagawa. Kaya naman siya ay nahatulan ng 23 buwan na pagkakabilanggo at tatlong palo gamit ang tungkod.
Ngunit, sa kabila ng desisyon ng korte ay may sulat na ginawa ang ina ng bata. Ito ay ang pakikiusap na bawiin ng korte ang hatol sa kaniyang asawa. Dahil ayon sa kaniya, sa kabila ng lahat ay naging mabuting padre de pamilya ito sa kanila. At namimiss na rin daw ito ng kanilang anak.
“All this while, he has been hardworking and took care of us when I had no job. He tries to fulfil whatever we want (until he declared bankruptcy).”
“Even my daughter still misses him even though she has separated from him. This is not his true character.”
Ito ang ilan sa katagang nakasaad sa sulat ng ina. Ayon pa nga sa kaniya ay sinusubukan nila ang lahat upang maayos ang kanilang pagsasama lalo na ang kanilang pamilya.
Mga paraan para maiwasan ng iyong anak ang pang-aabuso sa mga kababaihan
Samantala, may mga paraang maaring gawin para maiwasan ng iyong anak ang pang-aabuso sa mga kababaihan. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Ituro sa iyong anak ang tamang pangalan ng mga maseselang parte ng kaniyang katawan. At sanayin silang maging komportable sa pagsasalita tungkol dito.
2. Ipaliwanag sa kanila na may mga parte ng kanilang katawan ang private. At ito ay hindi dapat nakikita ng iba maliban sa inyong kaniyang mga magulang. Ngunit ipaliwanag rin na ang mga doktor ay maaring gawin ito basta’t nakikita at kasama kayong mga magulang niya.
3. Ituro sa iyong anak ang tungkol sa body boundaries. Ipaliwanag sa kaniya na walang ibang dapat humawak ng pribadong parte ng kaniyang katawan. At mali rin na hawakan niya ang pribadong parte ng katawan ng iba kahit ito pa ay kanilang hiniling. Maaring nakakakiliti ito sa pakiramdam pero ipaintindi sa kaniya na ito ay mali.
4. Sabihin sa iyong anak na hindi okay ang body secrets. Ipaintindi sa kaniya na mali ang nagtatago ng sikreto tungkol sa mga nangyayari sa kaniyang katawan lalo na sayo na magulang niya.
5. Ipaalam sa iyong anak na walang dapat kumuha ng litrato ng maseselan at pribadong parte ng kaniyang katawan. Ipaliwanag na ito ay mali at maaring ikapahamak niya.
Iba pang paraan:
6. Turuan ang iyong anak kung paano umalis sa nakakatakot o hindi komportableng sitwasyon para sa kaniya. Sabihin na ayos lang umalis sa oras na hindi na niya gusto ang nangyayari. Lalo na kung may gustong makita o hawakan ang pribadong parte ng kaniyang katawan.
7. Mag-set ng code word sa iyong anak na magiging iyong tanda na may hindi na magandang nangyayari sa kaniya. Maari nila itong gamitin kapag may ibang tao sa inyong bahay at may gusto siyang sabihin na nagbibigay kaba o takot sa kaniya.
8. Ipaliwanag sa kaniya na ang mga rules na ito ay applicable kahit sa mga taong malalapit sa inyo. O kahit pa sa mga kapwa niya bata.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!