5 kuwento ng mga asawang nahuling nangangaliwa

lead image

Naniniwala ba kayo sa kutob? Narito ang 5 mga may-asawa na kinutuban na na ngangaliwa ang kanilang mga asawa kaya't kumuha ng imbestigador para mag-imbestiga.

Ang pangangaliwa ng asawa ay isa sa pinakamahigpit na pagsubok na pagdadaanan ng isang pagsasama. Ito ang mga panahon na kung saan lihim na humahanap ng kalinga at atensyon ng iba ang iyong asawa. Dahil nga ito ay patago, madalas ito ay nagsisimula lang sa isang hinala na mahirap mapatunayan.

Isang paraan nga para mapatunayan ang mga hinalang ito ay ang paghingi ng tulong mula sa mga eksperto gaya ng mga private investigators. Sa Canada, isa ang Smith Investigation Agency na tinatawagan at nilalapitan ng mga biktima ng pangangaliwa ng asawa. Ayon nga kay, Whitney Joy Smith, Presidente ng Smith Investigation Agency, ay marami na silang nahawakang kaso ng pangangaliwa ng asawa at ilan nga sa mga ito ay tumatak sa kanila at hindi nila malilimutan.

Narito nga ang ilang kuwento ng pangangaliwa ng asawa na naranasan ng team ni private investigator ni Smith na ang iba ay nakakatuwa at hindi nila malilimutan.

Mga kwento ng pangangaliwa ng asawa

Photo: Pixabay

Mga kuwento ng pangangaliwa ng asawa

1. Pupunta lang sa gym…

Ang unang kuwento ay tungkol sa isang babaeng lumapit sa kanila dahil diumano sa asawa niyang napapadalas sa pagpapaalam na mag-gygym ngunit wala namang nagiging pagbabago sa katawan nito. Kaya naman humingi na siya ng tulong sa mga private investigator para malaman kung may kababalaghan bang ginagawa ang kaniyang asawa.

Noong una ay nahirapan daw silang sundan ang kanilang subject o ang asawang lalaki ng kanilang kliyente. Napaka-suspicious daw nito at maingat sa mga kinikilos niya.

Ngunit habang sila ay nagmamanman, napansin nilang sabay na umaalis ang babaeng kapitbahay ng kanilang kliyente at ang kanilang subject. Kaya naman tinanong nila ang kanilang kliyente kung may history ba ng flirtatious relationship ang kanilang kapitbahay at asawa niya na sinagot niya ng oo. Kaya naman imbis na ang asawang lalaki ang kanilang sundan, napagdesisyunan nilang sundan nalang ang babae nitong kapitbahay.

Tulad ng asawang lalaki ng kanilang kliyente ay mailap rin ang babae nitong kapitbahay. Kaya naman pinaghandaan ito ng team ng mga private investigators. Isang gabi nga matapos saglit na mawala sa paningin nila ay nakita nila ang sasakyan ng babaeng kapitbahay ng kanilang kliyente sa isang gated building na sarado noong gabing iyon.

Pagdaan nga ng ilang minuto ay dumating ang sasakyan ng asawa ng kanilang kliyente at nagpark sa parehong parking lot. Mula sa puntong ito ay sinundo ng private investigator ang kanilang kliyente papunta sa location ng kaniyang asawa at ng kapitbahay nila.

Habang papalapit nga sa puwesto ng sasakyan ng kaniyang asawa ay tumalon sa sasakyan ang kliyenteng babae at dali-daling pumunta sa kotse ng asawa niya.

Nang buksan niya nga ang backdoor ng kotse ng asawa niya ay nakita niya itong nakababa na ang pantalon kasama ang hubad ng kapitbahay nila. Galit na galit ang kanilang kliyente at gustong sugurin ang kapitbahay nito ngunit hinarangan ito ng kaniyang asawa at malayang nakaalis ang kapitbahay nilang babae.

Matapos ng insidente ay sinubukang ayusin ng mag-asawa ang kanilang relasyon. Ngunit ilang buwan lang ang lumipas ay muling tumawag ang kanilang kliyente para i-tap ang cellphone ng asawa niya para malaman kung naguusap parin ba ito at ang kapitbahay nila. Isang serbisyo na hindi na ginagawa ng agency nila.

2. Lakad ng barkada

Isang lalaki ang lumapit sa kanila para sundan ang asawa nitong nagpaalam na pupunta sa isang tropical island kasama ang mga babaeng kaibigan nito. Nagkataon na kakilala ng lalaki ang asawa ng isa sa mga kaibigan ng kaniyang misis na diumanoy kasama nito sa nasabing ladies trip.

Habang kausap niya nga ito ay sinabi nitong siguradong mag-eenjoy ang mga asawa nila sa naturang trip ngunit sa hindi niya inaasahan ay tila wala namang idea ang kausap niya na magbabakasyon ng magkasama ang mga misis nila. Dito na siya naghinala.

Para mapatunayan ang kaniyang hinala ay sinundan nila ang misis ng kanilang kliyente sa pupuntahan nitong isla. Ilan sa mga sinabi niya sa kaniyang asawa nga ay totoo, mayroon nga siyang kaibigan na kasamang pumunta dito ngunit umalis din agad matapos ang tatlong araw taliwas sa 14 days na sinabi niya sa kaniyang asawa.

Matapos nga magpaalam ng misis ng kanilang kliyente sa kaibigan nito ay nilapitan agad ito ng cabana boy ng resort na tinutuluyan at nagsimula na silang maghalikan.

Hindi raw ito ang unang pagkakataon na nagkasama ang cabana boy at ang misis ng kliyente nila na komportableng-komportable sa isa’t-isa na inubos ang natitirang araw ng bakasyon na magkasama sa isang katabing hotel. Habang nasa sinasabing bakasyon ay nagpapadala ng mga litrato ang asawa ng kanilang kliyente sa kaniya. Sa mga litrato ay makikitang kasama parin ng misis nito ang kaniyang kaibigang babae na may suot-suot na iba’t-ibang swimsuits.

Lingid sa kaalaman ng babae na nagpapadala rin ng litrato ang private investigator sa asawa niya habang kasama nito ang cabana boy na kalaguyo niya.

3. Tatay ng newborn

Isang babaeng bagong panganak ang humingi ng tulong sa private investigator ng minsang magpaalam ang asawa niya na lalayo daw muna ito dahil naririndi na sa kakaiyak ng new born baby nila. Dahil sa dapat na tinutulungan siya ay napaisip ito ano kaya ang ginagawa ng mister niya.

Sa unang araw pa nga lang daw ng pagsunod nila sa mister ng kanilang kliyente ay nakita na nila itong may sinundong isang estudyante na nag-aaral sa isang sikat na University sa Toronto. Pagkaalis sa university ay dumeretso daw ang mga ito sa isang restaurant na kung saan sila ay naghoholding hands at naghahalikan. Matapos nga ang kanilang dinner ay bumalik ang mga ito sa sasakyan at nagsimulang mag-lampungan na kitang-kita sa bintana ng kotseng hindi tinted.

Nagiiyak daw ang kanilang kliyente ng malaman ito at pilit na hinihingi ang kanilang payo na isang bagay na hindi din ginagawa ng mga private investigators.

4. Kuripot

Isang lalaki ang pinasundan ang misis niya para malaman kung anong ginagawa nito habang siya ay nagtratrabaho sa malayo. Noong una ay nakita nilang lagi lang itong nagsho-shopping kasama ang mga kaibigang babae nito.

Ngunit sa dalawang magkaibang pagkakataon ay nakita nilang nagpunta ang babae sa magkakaibang hotel at naghahanap ng kuwarto. Kaya naman tinanong nila ang mga hotel na pinuntahan nito kung ano ang ginawa at tinanong ng misis ng kliyente nila dito.

Napag-alaman nilang nagtanong lang daw ito ng hourly rate sa kanilang hotel na sinabi ng babaeng mahal. Matapos nga ang pagsunod nila sa babae na pumunta pa sa limang hotel para magtanong ay huminto ito sa isang parking lot at dumeretso sa backseat ng kaniyang kalaguyo. Ang pinakamurang lugar para sa kanilang short-time.

5. Once a cheater…

Isang babae ulit ang humingi ng tulong para malaman kung ano talaga ang pinagkakaabalahan ng kaniyang mister. Dahil marami daw inconsistencies sa mga kinikilos at sinasabi nito. Kahit daw inaaya niya itong magbakasyon kasama niya ay marami daw itong dahilan kaya naman pinasundan niya ito.

Dito nga ay nalaman niyang may affair ang kaniyang asawa sa ibang babae. Naghiwalay ang mag-asawa dahil sa nangyari.

Matapos ang anim na buwan ay nakatanggap sila ng isang tawag mula na naman sa isang babae na gustong ipasurveillance ang isang lalaki na may parehong impormasyon sa asawa ng nauna nilang kliyenteng babae. Matapos nga ng ilang pagtatanong ay nakumpirma nila na parehong lalaki nga ang tinutukoy ng babaeng kausap nila na kung saan ito naman ay ang dating kalaguyo ng asawa ng naunang kliyente nilang babae.

May iba-ibang kwento at dahilan ang pangangaliwa ng asawa. Ngunit ang nagiging epekto nito ay pare-pareho na kung saan mayroong masasaktan at may relasyon ang maapektuhan na maaring mauwi sa hiwalayan.

 

Sources: Women’s Health

Basahin: 8 karaniwang dahilan kung bakit nangangaliwa si mister

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner