Sikat na sikat ngayon ang mga apps tulad ng Tinder para sa mga single na taong nagnanais na maghanap ng relasyon. Ngunit marami ring gumagamit nito sa pangangaliwa sa asawa nila.
Ito na nga ang naging hinala ng isang mister nang maka-match niya sa Tinder ang kaniyang misis. Aniya, wala raw siyang planong mangaliwa, at bored lang siya kaya’t nag-install siya ng app. Ngunit sino nga ba ang may mali sa sitwasyong ito?
Pangangaliwa sa asawa nga ba kaagad ang paggamit ng Tinder?
Nagmula ang kuwentong ito sa Reddit, kung saan gumawa ng anonymous na account ang mister. Halos isang taon pa lang silang kasal, at nagkakilala silang dalawa sa app na Tinder. Masaya naman raw sila, at wala siyang nakikitang problema sa kanilang relasyon.
Nagsimula raw ang kaniyang problema nang magkaroon ng business trip ang kaniyang misis. Dahil raw sa mag-isa lang siya, ay naisipan niyang mag-install ng Tinder sa kanyang smartphone.
Kuwento niya, wala naman raw siyang plano na pangangaliwa sa asawa, at malungkot lang raw siya ng panahong iyon kaya naisipang mag-install ng app. Habang ginagamit ang app ay nagulat siya nang makita ang kaniyang misis na nasa Tinder.
Noong una ay hindi niya alam ang gagawin. Noong una ay inisip niyang baka may gumagamit ng letrato ng kaniyang misis, kaya sinilip niya ang profile nito. Napansin niya na updated ang impormasyon, at tila ito nga ang misis niya.
Dagdag pa niya, ang letrato raw na gamit ng misis niya ay ang letrato nilang dalawa, ngunit misis lang niya ang kita sa letrato.
Nilakasan raw niya ang loob, at nag-swipe right, upang subukan kung makaka-match niya ang misis. Lalong nadagdagan ang gulat niya nang makitang nag-match nga silang dalawa.
Kuwento ng mister, plano raw niyang kausapin ang kaniyang misis tungkol sa Tinder account nito. Bukod dito, kailangan rin daw niyang ipaliwanag kung bakit niya naisipang mag-Tinder habang wala ang misis niya sa bahay.
Dahil dito, humingi siya ng tulong kung ano nga ba ang dapat gawin sa kaniyang sitwasyon.
Mali ba ang kaniyang ginawa?
Sa unang tingin ay mahirap masabi kung sino ang mayroong pagkakamali dito. Ito ay dahil hindi naman talaga dapat nag-install ng Tinder ang mister. Ngunit mayroon ring pagkakamali ang kaniyang asawa, dahil bakit nga ba mayroong Tinder account si misis, gayong matagal na silang kasal?
Hindi man natin malaman ang tunay na dahilan, importanteng maging open ang mga mag-asawa sa isa’t-isa. Kung nais nilang sumubok ng Tinder para sa katuwaan lang, ay dapat ipaalam nila ito sa kanilang partner. Kung maari nga, huwag na lang subukan ang ganitong mga bagay, dahil dagdag temptation lang ito, at baka maging sanhi pa ng gulo.
Importante ang komunikasyon sa mga mag-asawa, at hindi dapat balewalain ng mga mister at misis ang pagtitiwala na binibigay sa kanila ng kanilang mga partner.
Source: Reddit
Basahin: “Nagkaroon ako ng iba, sana mapatawad mo ako…”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!