Pangangaliwa bang maituturing kung hindi sumunod sa ‘yo ang asawa mo sa desisyon niyang taliwas ka? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng isang ina sa ating kuwento, ano ang gagawin mo?
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Kwento ng isang buntis na ina tungkol sa kaniyang asawa at sa taong pinagseselosan nito
- Komento ng ibang TAP moms
#TAPMomAsks: Papayagan ko bang pumunta sa swimming ang asawa ko kasama ang taong pinagseselosan ko?
Normal na sa isang babae ang magselos sa kanilang asawa o magkaroon ng pagdududa sa kanilang relasyon. Ito’y maaaring dala ng nakaraang karanasan na nag-iwan sa kanila ng permanenteng marka na dala ng pagtataksil.
Pumapasok sa usapan na ito ang pagtitiwala ng bawat isa sa isang relasyon. Ngunit paano na lang kung mas pinangungunahan si misis ng pangamba o pagdududa?
Isang TAP mom ang nagbahagi ng kaniyang kwento sa aming theAsianparent Community. Naglabas siya ng sama ng loob sa kaniyang asawa na pilit gustong sumama sa isang swimming. Hindi sang-ayon ang ina na ito na tumuloy ang kaniyang asawa sa pagtitipon dahil dadalo rin rito ang taong pinagseselosan niya.
BASAHIN:
Micro-cheating: Ang mga simpleng paglalandi na maaaring sumira sa relasyon
Basahin ang kaniyang kwento:
“Palabas lang po ng sama ng loob. May night swimming po kasi ngayon ‘yung asawa ko tapos kasama ‘dun ‘yung babaeng pinagseselosan ko. Hindi ko po mapigilan magselos kasi hindi ko naman siya pinagbabawalan pero ‘nung nalaman ko na kasama yung babaeng ‘yun ayoko siya pasamahin.”
Sa una ay payag siyang sumama ang kaniyang asawa ngunit nang malamang kasama rito ang taong pinagseselosan niya, nagdalawang isip na siya.
Dahil tatlong buwang buntis ang babae, sensitibo ang kaniyang nararamdaman at hindi napigilang mapaiyak na lamang.
“Hindi naman sa wala akong tiwala pero kasi nasasaktan ako buntis po ako ng tatlong buwan. Hindi ko mapigilan umiyak. Ang bigat bigat sa dibdib. Tapos ‘nung tinanong ko po kung saan sila mag-swimming ayaw niya sabihin. Any advice naman po bigat bigat talaga ng dibdib ko ngayon.”
Dahil sa bigat ng kaniyang nararamdaman, humihingi ito ng payo para sa kaniyang sitwasyon.
Pangangaliwa o pagtitiwala?
Tila maraming nakaunawa sa sitwasyon niya. Kaya naman agad na nagbigay ng kanilang sariling opinyon ang ating TAP moms.
Majority ng kanilang komento ay sinasabing dapat respetuhin din ng asawa mo ang iyong desisyon. Lalo na’t ikaw ay tatlong buwang buntis. “Dahil ikaw ang partner niya, dapat respetuhin niya ang feelings mo. Hindi ko gets kung paano siya makakapag-enjoy knowing na ikakasama yun ng loob mo.”
Opiniyon ng isang user. “Why risk yung health niya at health niyo ng baby niyo by going out?”
Isa pang TAP mom ang nagsabing nakakarelate siya sa sitwasyon na ito ngunit ang kaibahan nga lang, sinusunod siya ng kaniyang asawa.
Ayon sa isa pang TAP mom,
“3 months preggy din ako. ‘Yung asawa ko doctor pa. Di maiwasan mga inuman, outing and everything pero kapag sinabi kong di ako comfortable sa mga kasama niya, ‘di nya na tinutuloy.”
Lagi rin itong nagpapaalam sa bawat lakad niya na may kasamang pictures.
“Dapat po considerate ang asawa mo dahil buntis ka. Pero ‘wag mo na lang po isipin. Alisin mo nalang po sa utak mo na andon ‘yung babae na pinagseselosan mo. Sa susunod kausapin mo lang siya agad about sa mga ganyan na bagay.”
Bukod pa rito, ayon sa ibang TAP moms, mas mabuting maglagi muna sa bahay para makaiwas na mahawaan ng virus. Dapat isipin ng kaniyang asawa ang kaligtasan ng pamilya bago ang iba.
Kung ikaw ang tatanungin, papayagan mo ba ang iyong asawa na dumalo sa ganitong pagtitipon kahit na hindi ka komportable sa kaniyang makakasama?
Kung nais makilala ang iba pang TAP moms at pag-usapan ang iba’t-ibang usaping pang pamilya, i-download lamang ang theAsianparent app!