CS mom confession: "Sinabihan ako na maarte kaya hindi daw ako nakapag-normal delivery"

"He said I shouldn't have received a 'birth certificate' because my son was extracted from me like a tumor." Have you ever been shamed for the way you gave birth?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Panganganak ng CS, bakit hindi dapat maliitin? Mga CS moms nag-share ng birth shaming na naranasan nila.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga kuwento tungkol sa panganganak ng CS.
  • Bakit hindi dapat maliitin ang panganganak ng CS delivery.

Bakit hindi dapat maliitin ang panganganak ng CS delivery

Ang panganganak ay isa sa pinakamagandang yugto ng pagiging babae. Dahil ito na ang punto na kung saan makikita mo na ang sanggol na iyong dinala at inalagaan sa loob ng iyong sinapupunan ng ilang buwan.

Pero ang manganak ng isang sanggol ay hindi madali. Ito ay masakit at minsan ay mahirap sa ilang babae.

Bagama’t ang panganganak ng normal o vaginal delivery ay ang pinakamainam sanang paraan ng panganganak, may mga babaeng hindi inirerekumendang mangangak sa paraang ito.

Ito ay maaaring dahil sa health condition nilang nararanasan. O kaya naman ay dahil sa isang emergency na kung saan maaaring malagay sa peligro ang buhay ng ina at kaniyang sanggol. Ang opsyon nila sa panganganak ay cesarean section delivery.

Kung ikukumpara sa normal delivery ay higit na mas mahirap at matagal ang recovery ng mga babaeng na-cesarean. Dahil kailangan nilang indahin ang sakit ng sugat at tahi na dulot ng cesarean section.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming bawal at hindi sila agad makakakilos ng maayos dahil sa banta ng pagbuka ng kanilang tahi o maimpeksyon ito. Pero marami ang tila minamaliit ang sakripisyo ng mga CS moms. Tulad na lamang ng mga CS moms na ito na nagbahagi ng kanilang kuwento.

Mga kuwento tungkol sa panganganak ng CS delivery

 Image: iStock

Isang ina ang nagbahagi ng kaniyang karanasan ng ma-cesarean sa panganganak. Kuwento niya ay nahirapan siya sa panganganak at umabot ng halos 36-hours ang pagle-labor niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para matigil na ang paghihirap niya at hindi malagay sa alanganin ang buhay ng kaniyang sanggol ay kinailangan niyang ma-emergency cesarean section delivery.

Misis sinabihang maarte kaya hindi nakapag-normal delivery

“Matapos kung manganak sa aking baby boy, sinunod ko ang mga sinabi sa akin ng mga magulang ko. Nahiga ako sa aking hospital bed at nagpahinga.

Minabuti ko ring i-message na ang mga kaibigan ko at iba pang miyembro ng pamilya para ipaalam na nanganak na ako at ligtas ang aking sanggol.

Isa sa mga kaibigan kong lalaki ang nagtanong kung kumusta daw ang naging panganganak ko. Ang sagot ko, 36-hours akong nag-labor at kinailangan kong ma-emergency CS maipanganak lang ang aking sanggol.

Ang kaibigan kong lalaki, tinawanan ako at sinabihan akong maarte kaya daw hindi ako nakapag-normal delivery.

Sa totoo lang affected ako sa sinabi ng kaibigan kong iyon. Medyo nahiya din ako para sa sarili ko dahil hindi ko nagawang manganak ng normal.

Pero ang CS delivery ang nakapagligtas ng buhay ko at ng anak ko. At ang tagal din ng naging recovery ko, hindi iyon naging madali.

Ngayon sa tuwing nakikita ko ang peklat na dulot ng naging CS delivery ako, sobrang proud ako. Dahil katunayan iyon kung gaano ako katapang at kalakas na indahin ang sugat na dulot ng CS delivery operation.”

Ito ang kuwento ng isang ina tungkol sa karanasan niya sa panganganak ng CS.

BASAHIN:

#AskDok: 13 bagay na dapat mong malaman tungkol sa panganganak ng cesarean delivery

REAL STORIES: “CS dapat siya pero ipinilit pa rin na ipag-normal delivery”

Baby girl, aksidenteng nahiwa ang mukha nang ipanganak via CS

CS mom sinabihang wala dapat birth certificate ang anak niya

 Image: iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung sa tingin ninyo ay masyadong hard na ang sinabi ng kaibigan ng naunang CS mommy, mas malala ang naging karanasan ng sumunod na CS mom na ito. Sa Reddit ay ito ang ibinahagi ng ina na nanganak sa pamamagitan ng CS delivery.

“Na-emergency CS ako 6 months ago. Tapos may nagtanong na kaibigan ng mister ko kung may birth certificate daw ang anak ko.

Noong una ay hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang sabihin. Pero sinagot ko siya ng oo may birth certificate ang anak ko.

Saka niya sinabing dapat ay hindi binigyan ng birth certificate ang anak ko dahil hindi ko naman daw ito ipinanganak. Para lang daw itong isang tumor na inalis ng mga doktor sa tiyan ko.”

“Sa totoo lang nagulat ako sa sinabi niya pero minabuti kong wag nalang palakihin pa ang isyu at magsawalang bahala sa mga sinabi niya.”

Ito ang pagbabahagi ng isang CS mom sa birth shaming na naranasan niya.

Saludo kami sayo CS mom!

Ilan lamang ito sa mga birth shaming na nararanasan ng mga inang nanganganak sa pamamagitan ng cesarean section delivery. May iba ngang pinapahiya ng sariling midwife nila at iba pang mga taong dapat susuporta sa kanilang panganganak.

Tulad na lang ng isang birth photographer na kinakausap ng isang mom-to-be na i-cover sana ang panganganak niya ng CS. Pero tinanggihan siya nito at sinabi pang ang cesarean section ay hindi matatawag na panganganak.

Ito ay isang surgery umano na kung saan aalisin ang baby niya sa tiyan. Kaya naman bilang birth photographer ay hindi niya kukunan ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from KidSpot

Hindi biro ang panganganak, pati na ang pagbubuntis at buong responsibilidad ng pagiging ina. Kung ikaw ay CS mom at nakaranas o nakakaranas rin ng birth shaming, huwag ka paapekto mommy!

Ang pagdadala mo sa iyong sanggol ng ilang buwan ay isang malaking sakripisyo na. Isaisip din na hindi masusukat ang pagmamahal mo sa kaniya sa pamamagitan ng paraan ng iyong panganganak.

Kung hindi sa kung paano mo siya aalagaan at palalakihin na ginagawa ng sinumang magulang sa kanilang anak.

Ang mga kuwento sa artikulong ito ay unang itinampok sa KidSpot at inilathalang muli sa theAsianparent na may pahintulot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement