Ang panganganak ng normal o vaginal birth ay hindi laying matiwasay. Si Jane Barry sang midwife at child heath nurse, ay ipinaliwanag ang mga kumplikasyon na maaaring mangyari kapag ika’y manganganak at an ang mga senyales na kailangan mong bantayan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga kumplikasyon sa panganganak ng normal
- Kumplikasyon na maaaring danasin ng baby at nanay sa panganganak ng normal
- Mga Kumplikasyon matapos ang vaginal birth
Kumplikasyon sa vaginal birth
Pinaka-ideyal talaga ang panganganak ng normal o sa vagina. Maraming mga pisikal at psychological na benepisyo ito sa ina at sa kaniyang baby. Subalit ang vaginal birth ay hindi laging matiwasay at maaaring magkaroon ng mga kumplikasyon. Para sa ilang mga babae ang mga kumplikasyon na ito’y maaaring maranasan pagkatapos manganak at maaari pang umabot ng taon.
Tandaan: Lahat ng babae ay mayroon unique pregnancy, gayundin ang kanilang mga baby. Ang karanasan sa panganganak ay maaaring maging iba sa ibang babae kaysa sa iyo. Maliban na lamang kung mayroon mga klarong dahilan para hindi manganak ng normal o vaginal birth o tataas ang risks ng isang ina at ng kaniyang baby. Karamihan sa mga maternity care provider ay nirerekomenda sa mga babae na manganak ng normal o vaginal birth.
Bakit walang nagsabi nito sa akin?
Mahirap masabi kung magkakaroon ng kumplikasyon sa gitna ng pagle-labour o panganganak kinalaunan. Ang pokus kasi sa panahong ito’y magkapagsilang ng isang healthy baby at ligtas na mommy mula sa kamatayan. Alam naman nating nasa isang hukay ang paa ng isang babae kapag nanganganak.
Lumalabas kadalasan ang mga kumplikasyon at problemang ito matapos manganak. Kadalasang ang mga babae ay inilalagay ang kanilang post birth symptoms papapunta sa birth recovery exhaustion. Pero sa genaral guide para sa recovery matapos manganak ay aabot ng 6 weeks. Sa panahong ito, ang vaginal bleeding o pagdurugo ay dapat wala na o tumigil na at ang uterus ang bumalik na sa normal nitong size.
Karaniwang kumplikasyon sa vaginal birth
Para sa mga nanay sa oras nang panganganak:
Ang mga kumplikasyon ay maaaring mag-iba sa iba’t ibang babae, gayundin ang pagle-labour at panganganak niya. Ang ilan sa mga isyu na maaaring sumulpot habang nagsisimula ka pa lamang mag-labour ng walang warning. Kaya naman mahalaga na magkaroon ng isang support sa isang qualified na maternity care provider.
- High blood pressure – tinatawag din na preeclampsia.
- Haemorrhage – kapag ito’y nangyari bago mo pa mapanganak ay iyong baby, tinatawag itong anterpartum haemorrhage at postpartum haemorrhage naman kapag nangyari ito matapos mong manganak.
- Labour na hindi nag-progress – tinatawag din tong failure to progress o FTP.
- Obstruction difficulty sa panganganak. Nangyayari ito kadalasan kung ang pelvis ng ina ay maliit at mayroon siyang malaking baby. Tinatawag din itong cephalo (head) pelvic disproportion o CPD.
- Maternal exhaustion kung saan umaabot na sa punto na hindi mo na ma-push palabas ang iyong baby. Gumagamit minsann ng forceps o vacuum extraction upang matulungang mailabas si baby.
- Damage sa perinem – alinman sa tearing o episiotomy.
- Damage sa pelvic floor ng sang ina.
- Vaginal fistula – ito’y ang pagtatagal ng labour na maaaring magdulot ng pag-iiba ng blood supply sa pagitan ng vagina at bladder (pantog) o bituka at hole o fistula forms ng isang ina. Sa mga developed na bansa kung saan ang pagbubuntis at panganganak ay monitored, ang vaginal fistula ay rare.
BASAHIN:
#AskDok: Wala ba talaga akong mararamdaman kapag gumamit ako ng anesthesia sa panganganak?
Mom Confession: “Naiinggit ako sa ibang nanay na madali sa kanila ang pagbubuntis at panganganak”
Kumplikasyon sa baby
Sa slang pagkakataon, mayroong mga problema sa cord ng baby at kinakailangang nitong maputol mula sa baby bago pa ito ipanganak.
Ang premature birth naman kung minsan hindi posible ang premature labour na humanity kaya maisisilang si baby vaginally.
Ang mga baby na nasa bang lying position bucked sa head down; ideal na position para sa panganganak ng normal o vaginal birth.
Ang mga baby ay marine macaroons ng foetal distress, kung span ang kennelling heart rate ay boggling bumababa at nagging stress silk habang labour.
Minsang ang mga braso ng baby ay maaaring masaktan, na kilala sa tawag na shoulder dystocia. Ang baby ay maaaring mangailangan ng assistance para ma-turn o mailipat ito ng pwesto. Upang ang kanilang mga balikat ay magkasya sa pelvis ng kanilang nanay.
Ang mga birth injuries, halimbawa, fractured collarbone.
Kumplikasyon sa mga ina matapos ang vaginal birth
- Urinary (wee) incontinence.
- Faecal (poo) incontinence. Nangyayari ito sa mga babae kung mayroon siyang 3rd o 4th degree na tear na umaabot sa kaniyang anus o puwet.
- haemorrhoids.
- Matagal na pagdurugo – maaaring dahilan ito ng retained products ng conception o pagbubuntis. Halimbawa ang membranes o portion ng placenta na nasa loob pa ng uterus.
- Impeksyon
- Prolapse ng vagina, bladder, rectum at uterus.
- Kawalan ng gana sa sex at sensation.
Sintomas ng vaginal prolapse
Ang prolapse at urinary incontinence ay karaniwan sa mga babae na dumaan sa panganganak ng normal o vaginal birth. Mayroong mga ilang mga dahilan kung para vaginal prolapse pero sa kadalasan dahil ito sa panghihina ng mga muscles na sumusuport sa mga organ ng babae sa kaniyang pelvis. Ang bladder, rectum, o vagina ay maaaring mag-bulge o umumbok sa vagina. Maaaring magdulot ito ng pakiramdam na may pressure, sakit at incontinence. Humigit kumulan na 1/3 sa mga babaeng dumaan sa panganganak ng normal, maaaring mag-develop ng vaginal prolapse.
Maraming pagpipilian na mga treatment para sa vaginal prolaps, mula sa vaginal pessaries, pelvic floor muscle exercise, at hormones o surgey.
Ang tissue damage sa panganganak ng normal ay maaaring maging mas malala habang tumatanda at ang pagbabago ng hormone levels ng babae, ang prolapse ay para sa mga babaeng na matatagal ang pag-push habang nasa pangalawang stage na sila ng pagle-labour. o sa mga nanganak ng may malalakig baby. Ang multiple births o pagkakaroon ng maraming anak at vaginal birth intervention o panganganak ng normal, ay nagdudulot ng mataas na tiyansa ng pagkakaroon ng prolapse.
Tandaan: Kausapin ang iyong maternity care provider kapag mayroon kang mga katanungan tungkol sa iyong pagbubuntis, labour at panganganak. Kung ikaw ay nakakaranas ng mg kumplikasyon matapos ang panganaganak ng normal, humingi ng tulong sa iyong doktor.
Jane Barry has qualifications in general, paediatric, immunisation, midwifery and child health nursing. She holds a Bachelor Degree in Applied Science (Nursing) and has almost 30 years specialist experience in child health nursing. She is a member of a number of professionally affiliated organisations including AHPRA, The Australasian Medical Writer’s Association, Health Writer Hub and Australian College of Children and Young People’s Nurses.
This article was first published in KidSpot and republished on theAsianparent with permission.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Marhiel Garrote