6 paraan para mawala ang pangangati ng balat ng bata

undefined

Narito ang anim na kailangang gawin upang maibsan ang pangangati!

Hindi natin maitatanggi na ang mga balat ng bata ay senstibo. Iyong tipong halos lahat ng bagay ay maaaring makairita sa kanilang malambot na balat. Ang resulta nito, magkakamot sila nang magkakamot hanggang sa ito ay magdugo. Ano nga ba ang lunas sa pangangati ng balat ng bata?

Isang nanay ang nababahala sa kaniyang 22-month-old na anak dahil ito ay mayroong makating balat. Dagdag pa niya na wala namang rashes o dry skin ang kaniyang anak. Kaya maski ang doktor nito ay nahihirapan malaman kung ano ang kaniyang kondisyon.
 
Dahil rito, iniisip na niyang kumunsulta sa dermatologist.
 
pangangati ng balat ng bata

Pangangati ng balat ng bata | Screengrab: Reddit

Pangangati ng balat ng bata sa gabi

Ibinahagi ng nanay mula sa Reddit ang kaniyang kasalukuyang pinagdadaanan,

“My 22-month-old son has very itchy skin. He scratches so hard he bleeds. The doctor put him on urisec 22% cream and it helps him sleep at night, when I don’t use this cream he has a horrible night waking up lots and crying lots. During the day he still scratches a lot but we can usually stop him.”

Dagdag pa ng nanay na walang makitang dahilan ang doktor sa pangangati ng kaniyang anak. Wala itong anumang rash at hindi naman dry ang balat ng kaniyang anak.

“Is this something I should be concerned about? The doctor doesn’t seem concerned … But I’m wondering if I should push harder for him to see a dermatologist or a paediatrician. My husband doesn’t believe it’s a problem either and says he just has dry skin… But he will scratch and scratch until he hurts himself and bleeds and he has scratch marks all over himself,”

Marami naman ang nagbigay ng payo sa nanay.

Pangangati ng balat ng bata sa gabi: Mga dapat tandaan

Ayon sa mga nagbigay ng payo, maaaring sundin na niya ang kaniyang plan B na pagpunta sa dermatologist. May iba rin na nagbahagi ng kanilang kwento na may pagkakatulad dito.

1. Sundin ang second option

Payo ni Reddit user CitygirkUK, I’d be pushing for a referral to the pediatrician as seems odd and distressing for your child. In the meantime not sure what you are using to bathe him, if you’ve not tried it, Oilatum bath made a huge difference for our son with v. sensitive skin, also Child’s Farm baby bath cleanser (not sure if those are available outside UK)”

Habang si FiendishHawk naman ay sinasabing dalhin na agad a dermatologist ang kaniyang anak, “Definitely take him to a dermatologist. I’d guess it is eczema or allergies.”

2. Huwag pahabain ang kuko

Sang-ayon si Reddit user SleepOrderDis sa pagpunta sa dermatologist, “If a specialist said it’s nothing, it could be stimming. But it depends a lot. If there are like 20 scratches… Well keep the nails short and make sure they can’t reach the place they scratch by clothing them against it.”

3. Magpalit ng sabon panlaba

May ibang nanay ang nagsasabing maaaring ang dahilan ng pangangati ng kaniyang anak ay ang sabon na ginagamit panlaba, “You should see a specialist also. Try changing the soap your using to clean His clothes might be as simple as that.”

Sumang-ayon ang karamihan sa mga nanay at sinabing gumana ito sa kanilang anak.

Ganito ang ginawa ni user Diaryofawearymom, ayon sa kaniya, epektibo ang pagpapalit ng sabon panlaba niya. “My son has had similar issues. We changed our laundry detergent to the sensitive skin type and oatmeal baths helped during outbreaks. He lotions up immediately after taking a bath and throughout the day as needed.”

pangangati ng balat ng bata

Pangangati ng balat ng bata | Image from iStock

4. Food allergy

Maaaring ang pangangati o ang makati na balat ng bata ay dahil sa kinakain nitong pagkain na pwedeng sensitibo para sa kaniyang balat. Ayon sa mommy user na si Slider78, “Could be some kind of food allergy.”

5. Pagkatiwalaan ang instinct ng nanay

Bukod sa ating concern mommies, to the rescue rin ang mga dads! Ayon sa kanila, ang ‘mother’s instinct’ ay hindi dapat pabayaan.

Para kay daddy user cmcooper666, “I’ve been on the side of your husband several times. My wife has been right every time. Trust your motherly instincts.”

6. Iwasan ang dairy products

Ayon naman kay Farfefe user, subukang tanggalin sa kaniyang pagkain ang dairy products at tignan kung mawawala ang pangangati.

“Try 2 weeks without dairy products. There are so many people that I know, that has suffered from dry skin, itchy skin, rashes — you name it, and it all went away as soon as they stopped/reduced the intake of milk and/or other dairy products. Defiantly worth a try!”

Ang ganitong kondisyon ay talaga namang nakaka-stress. Lalo na kapag nakikita mong nahihirapan na ang iyong anak at hindi makatulog sa gabi.

Kaya naman importanteng malaman ng bawat nanay kung ano ang maaaring pagmulan nito.

Pangangati ng balat ng bata: Ano ang dahilan?

Kailangan tandaan na ang pangangati o ang makati na balat ng bata ay hindi pare-pareho. Ang ibang bata ay nangangati dahil ang kanilang katawan ay nagre-react sa pollen, nuts o ibang allergens. May iba naman ay dahil sa pagbabago ng panahon.

Kapag ang anak mo ay may psoriasis, ang pangangati na ito ay may burning effect.

Kaya naman mabuting malaman ng nanay kung ano ang pinagmumulan ng pangangati nila para tuluyang maiwasan ito. Kung hindi maagapan, ang balat ni baby ay maaring magsugat o magkaroon ng impeksyon.

6 paraan para mawala ang pangangati ng balat ng bata

Pero paano kapag walang tigil ang pagkamot ng iyong anak sa gabi? Narito ang ilang paraan para sa kanila.

1. Moisture

Ang iyong anak ay nangangati dahil ito ay may dry skin. Importanteng gawin silang hydrated lagi. Gumamit ng magandang moisturiser na pasok sa kanilang skin type.

Tanungin ang iyong doktor kung ano ang maaaring gamitin na cream na mayroong menthol o calamine na siyang magdadala ng “cooling effect” sa balat.

2. Komportableng pananamit

Kung pansin mong nangangati ang iyong anak sa gabi, i-check ang kaniyang suot. Minsan, ang balat ng bata ay sensitibo sa woollen clothes o ibang fabric. Kaya naman mas mabuting gumamit ng natural, malamig at hindi mabigat na tela.

3. Kumain ng healthy

Ang pangangati ng iyong anak ay maaaring dahil sa pagkaing hindi pwede sa kaniya. Siguraduhin na isa-isahin lang ang pagpapakain ng bago.

Katulad na lamang kapag nais mong ipakilala sa kaniya ang itlog, ito lamang muna ang isama sa kaniyang plato. Para kung may mabuo man na allergy, madali mong matutukoy ang pinagmulan nito. Maging matiyaga lamang at sundin ang plano.

pangangati ng balat ng bata

Pangangati ng balat ng bata | Image from iStock

4. Masyadong mainit

Kapag nangangati ang iyong anak sa gabi, ito ay maaaring naiinitan sila at hindi makatulog. Maaaring gumamit ng wet compress o cold shower bago matulog para maibsan ang pangangati. Siguraduhin din na malamig ang kuwarto at komportable.

5. Anxiety

Minsan, ang pagkakaroon ng anxiety disorders ang maaaring pinapagmulan ng pangangati ng bata. Bago matulog, siguraduhin na i-relax siya sa pamamagitang ng pagpapatugtug ng music. Maaari rin naman kantahan siya ng lullaby song!

6. Kumunsulta sa doktor

Kung sakaling hindi gumana ang mga tips na nasa taas, maaaring kailangan na ng medikal na payo ng iyong anak. Pumunta sa doktor at ipatingin siya.

Normal na sa mga nanay ang mabahala kapag nakikitang hindi okay ang kanilang anak. Subalit moms, ‘wag mag-panic! Sundin lamang ang mga payo at ‘wag kalimutan na magpakonsulta sa doktor.

Lagi rin itong bantayan at ang mga maaaring infections na makuha. Huwag pagsabay-sabayin ang pagpapalit ng damit o pagbabago ng kaniyang diet. Kung ang balat ng iyong anak ay may nana na, magpatingin agad sa doktor.

Karaniwang sanhi ng pangangati o makati na balat ng bata

Lahat tayo ay nangangati ang mga balat. Mga matatanda at bata, magkaiba nga lang ang paraan upang gamutin ito. Kayang balewalain ng mga matatanda ang sensyasyong dulot ng makating balat kaysa mga bata. Kadalasan pa, ang mga ganitong skin irritations ay isa na pa lang skin problem.

Narito ang ilan sa karaniwang sanhi ng makating balat ng mga bata na dapat bantayan:

eczema sa kamay

Larawan mula sa Shutterstock

Ang eczema ay isang kondisyon sa balat na nagiging dahilan ng pangangati, pamumula at panunuyo ng bahagi ng balat na naaapektuhan.

Ang kondisyong ito ay ay mayroong uri na tinatawag na atopic eczema, na kadalasang nakakaaapekto sa mga bata at maaaring magpatuloy hanggang sa pagtanda.

Ang sakit na ito ay pinakakaraniwan sa mga bata edad 10 pababa. Ito ay nakahahawang impeksiyon na nagdudulot ng mouth ulcer at blisters sa palad ng mga kamay at talampakan.

Tandaan na walang gamot sa skin condition na ito, kaya’t siguraduhin na ang iyong anak ay umiinom ng maraming tubig, pagkain ng mga mashed potatoes, yoghurt at sopat at ang mapanatili ang malinis na pangangatawan ng bata.

Dagdag pa, hindi lamang mga bata ang maaaring madapuan ng sakit na ito, maging ang mga matatanda ay maaaring makaranasa nito.

  • Prickly heat o heat rash.

Kilala ito bilang “miliaria” na nangyayari kapag ang sweat ducts sa outer layer ng balat ay obstructed o nakaharang. Maaaring magkaroon nito saanmang parte ng balat, sa mukha, sa leeg, salikod at ang pinakaapektado ay ang mga paa at binti.

  • Urticaria o hives.

Ito ay makating pantal na maaaring makaapekto hindi lamang sa bahaging nangangati, maaari rin itong kumalat sa iba pang parte ng katawan. Common skin reaction ito lalo na sa balat ng mga bata.

Marami ang nagpapa-trigger ng kondisyong ito, tulad na lamang ng mga allergens, mga gamot na may mataas na antas ng antihistamine at iba pang mga chemicals.

Banayad ang sensasyong dala nito at panandalian lamang, kadalasan ding nawawala at nakokontrol ito ng balanseng pag-inom ng mga antihistamine.

  • Scabies.

Isang nakahahawang skin condition na lubhang makati. Sa mga bata, ito ay madaling makahawa sa paraang skin-to-skin o ang simpleng pagyakap lamang.

Ang kondisyong ito ay dulot ng maliliit na mites na bumabaon sa mga balat. Kadalasan itong bumabaon sa mga maiinit na parte ng katawan, tulad ng balat sa pagitan ng mga daliri, sa ilalim ng mga kuko at nag-iiwan ng mga red spots.

Home care remedies sa pangangati o makating balat ng bata

Ang pinakamahusay na paraan upang maibsan ang pangangati, ayon sa mga eskperto, ay ang pag-kontrol rito. Narito ang ilan sa mga natural na remedyo o gamot sa pangangati ng balat ng bata. Iilan lamang ito sa mga immediate home remedies na maaaring subukan sa inyong mga bahay.

1. Pag-apply ng cold compress sa bahagi ng balat na nakakaramdam ng pangangati.

Kumuha lamang ng malamig na tubig at malinis na towel, saka ito ilubog sa malamig na tubig at pigain. Matapos pigain, maaari na itong ilagay sa itchy skin at lagyan ng chil’s moisturizer para sa maibsan ang pangangati.

2. Oatmeal bath o paglagay ng colloidal oatmeal sa paliguan ng bata.

Kung ito ang ilalagay sa paliguan ng bata, maaaring makatulong ito upang maibsan ang tuyo at nangangating balat nito. Kapag gumagamit ng colloidal oatmeal, inirerekomenda ng mga dermatologist:

  • Ang paglagay ng colloidal oatmeal sa maligamgam na tubig.
  •  Hayaang magbabad ang iyong anal ng 10 hanggang 15 minuto.
  • Matapos ang pagligo, punasan ang iyong anak at maglapat ng moisturizer sa loob ng 3 minuto.

Tandaan na ang colloidal oatmeal ay nakadudulas lalo na kung ito ay inihalo sa pampaligo kaya mag-ingat upang maiwasan ang pagkadulas at pagkabagok.

3. Gumamit ng baking soda at distilled water

Paglapat ng pinaghalong baking soda at distilled water sa nangangating balat sa loob ng 10 minuto at hugasan ng malamig na tubig pagtapos.

Maaari ring ihalo ang coconut oil. Mayroong anti-inflammatory property ang baking soda na makatutulong sa skin allergies at irritations.

4. Paglagay ng mga plants at herbs sa makating balat, tulad ng aloe vera, basil, at chamomile.

 

Tandaan na ang madalas na pangangati ng balat at pagsusugat nito ay dapat nang ikonsulta sa doktor, lalo na kung ito’y paulit-ulit o kaya naman matagal gumaling. 

 

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano

Karagdagang ulat mula kay Jasmin Polmo

Additional source:

WebMD, Healthline

Here at theAsianparent Philippines, it’s important for us to give information that is correct, significant, and timely. But this doesn’t serve as an alternative for medical advise or medical treatment. theAsianparent Philippines is not responsible to those that would choose to drink medicines based on information from our website. If you have any doubts, we recommend to consult your doctor for clearer information.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!